Chapter 52

45 1 1
                                    



4 years later...

Xhan's Pov


" Hi tita! Tito!" sabi ni Lourence habang tumatakbo syang papasok sa bahay. Kasunod nya si Shei at Brix.


" Lourence!" Sabi ko at niyakap ko sya. Pumunta naman sya kay kuya.


" Naku, namiss ko tong pamangkin ko a." Sabi ni kuya habang buhat buhat nya si Lourence.


" Ate." Shei. Nagbeso kami.


" Naku. Si mama nasa kwarto pa nagbibihis." Sabi ko.


" Teka, nasan si Rance?" Tanong ni Brix.

" Lourence!" Ken habang pababa sya ng hagdan.


" Kuya Ken!" Bumaba si Lourence na karga ni kuya.


" Loureeeence!" Pababa naman ang tumatakbo na sumisigaw ng maliit na tinig ang isa pang bata... Ang anak ko. Kasama nya si Kella.


" Rance!" Lourence. Habang sinasalubong nya si Rance. Ang anak ko, Si Rance Tristan. Si Lourence naman or John Lourence Whitley, anak ni Brix..kay Allyca. Pero sa kasamaang palad, namatay siya pagkapanganak kay Lourence. At naging sila ni Shei kasi nong panahong down na down si Brix, sya yung nandyan para damayan sya. Mahal nya e, kaya ayun, tinaggap nya si Lourence at sya na ang naging ina nya. Meron silang bahay. Oo nga pala, dito na kami sa Canada nakatira 4 years ago pa.


" Hey Guys!" Napatingin naman kami sa kararating. Si Jazz, kasama ang...



" Rance! Lourence! Kuya Ken! Kella! I brought my ball! Lets play basketball na!" Si Vahn. At yan agad ang bati nya samin ha. Si Vahn, anak naman ni Jazz at...ni Lorraine. Kaya lang, nakakaawa tlaga silang magama. Iniwan sila ni Lorraine at pumunta syang China. Hindi ko nga alam kung bakit, bigla nalang daw syang umalis at iniwan lang sya anak nila sa labas ng bahay ni Jazz. Tsk tsk tsk. Kaawa naman. Feeling ko talaga may sumpa ang barkada namin. Ang malas namin pagdating sa pagkakaroon anak, pero at same time, masaya at swerte kami sa mga anak namin.


" Tara laro tayo." Kella. Tumakbo ang limang bata sa court. May mini court kami sa sa labas ng bahay. Oo nga pala, si Kella ay bunsong anak ni Kuya Aries. May pagkaboyish sya, kaya mahilig din magbasketball. Halos magkakasing idad lang sila, Rance, Vahn, Lourence at Kella. Months lang ang mga pagitan. Si Ken, 6 year old na. And last...



" Hello!" Ate Myla. Kadadating din nila.


" Oh. Nandito na pala kayo." Toff.



" Hi! Mga tita! Tito!" Martha. Apat na taon na sya. Bineso nya kaming lahat.


" Martha! Namiss kita!" Sabi ko. Pamangkin kong close na close ko.



" Where are my friends?" Marko. Anak din nila. Nasundan kasi kaagad si Martha. Isang taon lang ang pagitan nila. Hinug nya din kami.



" Nasa court sila. Nagbabasketball, punta na rin kayo don." Sabi ni kuya.


" Hay naku.. Ang kulit nila. Super excited pumnta dito." Sabi ni ate myla.


" Teka..hindi ba pupunta sila Howard?"


" Nagmessage sakin si Howard. Pupunta daw sila. Baka medyo naligaw lang. Tatlong taon na nakalipas yung last na pumunta sila dito." Shei.


I love u..BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon