Chapter 4

15 1 0
                                    

As I felt the blazing sun rays on my face, I opened my eyes. I felt my head throbbing.

Pinilit kong buksan ang mga mata ko kahit nasisilaw. I checked the time and holy shit!

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung anong oras na, 9:30 am.

I brushed my palms on my face out of frustration. Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi.

Oo nga pala, pagkagaling namin ng MOA, inaya ako ni Kianna uminom. Dumaan kami sa 7/11 para bumili ng soju at kung ano-ano pa atsaka dumiretso dito sa apartment ko.

8 am ang pasok ko kaya late na late na ako. I hurriedly did my morning rituals. Nagmadali na akong umalis ng apartment, hindi na rin ako nakapagsuklay. Bahala na!

Himala at hindi traffic sa EDSA kaya mabilis akong nakarating sa school. Lakad takbo ang ginawa ko at isnag nakakahiyang pangyayari ang naganap.

Ang malas ko naman!

"Ma'am pasensya na po kayo, sorry po"

I bumped into someone. Looking at her, walang duda isa itong professor. She's wearing a beige bell-bottom trouser and a white lace blouse. A woman in her mid 30's I guess. She looks sophisticated kaya nakakahiya ang nagawa ko.

She looked at me emotionlessly, head to toe. I got conscious kaya napatingin rin ako sa sarili ko.

"Go ahead hija, mukhang nagmamadali ka yata" aniya at siyang ikinagulat ko. Mabuti na lamang at mabait ito.

"Thank you Ma'am" I awkwardly said and bowed infront of her before leaving.

Lakad takbo pa rin ang ginawa ko sa hallway. Sumilip muna ako sa pintuan bago pumasok.

I felt relieved nang makitang walang professor sa loob. Sa likod ako dumaan at pansin ko rin wala ang kaibigan ko.

Malamang may hangover pa yun.

"Wala pang prof simula kanina?" tanong ko sa katabi ko.

"Waley beks. Pero nagpunta na ng faculty room si Kristen" sabi niya at tumango-tango lang ako.

Thank you Lord! You saved my day.

Minabuti ko na ring ayusin ang itsura ko dahil hindi nga pala ako nagsuklay pag-alis. Ang mahalaga, nakaligo.

"Guys, wala raw tayo klase the whole day. May mini welcome party ang mga professors para sa bagong dean"

Everyone celebrated by the news of it and as usual, the never-ending attendance muna bago umalis.

My group decided to meet for a while para sa case study namin sa Clinical Psychology. Honestly, my head is still throbbing dahil sa hangover kaya hindi ako makapag-concentrate sa pinag-uusapan.

"Okay ka lang ba Ara?" tanong ni Kristen.

I shook my head.

"Medyo masakit lang ulo ko but go ahead, nakikinig naman ako"

"So as I was saying, we will start our case study by next week. We'll going to meet our subject with her primary caregiver."

Marami pa silang pinag-uusapan ngunit wala talagang pumapasok sa utak ko.

Hindi na talaga ako iinom ulit. It's frustrating!

Nang matapos ang group meeting ay dumiretso ako sa cafeteria. Parang wala ako sa sariling naglalakad until someone approached me.

"Ms. Psych Student!" masigla niyang bati habang papalapit sa'kin.

"Oh Cole! Kamusta?" I asked. Then I remembered something.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon