Chapter 13

7 1 0
                                        

Mga mabibigat na buntong hininga ang aking pinapakawalan habang binabaybay ang kahabaan ng hallway ng aming building. Hindi gaya noong may pasok pa, ramdam ko ang lungkot sa paligid dahil sa katahimikan.

Sa loob loob ko ay umaasa akong mapapagbibigyan ako ng dalawa kong professor na kumuha ng final examination sa dalawang subject na naiwan ko, halos isang linggo na rin ang lumipas.

Naglakas-loob akong kumatok sa pintuan ng faculty office. Nang tumuloy ako ay laking pasasalamat ko nang makitang nandoon ang mga professors na nais kong makausap.

"Maupo ka hija" paanyaya ni Sir Lim.

By the looks of it, they are really expecting me to come here.

Umayos siya sa kanyang pagkakaupo.

"We both know why you're here, right Ms. Villescas?" pormal niyang tanong.

"Yes Sir. Nagbabakasak—"

"To tell you hija, tapos na ang pasahan ng grades. And I don't think you can make it" bumagsak ang balikat ko sa sinabi niyang iyon. Sayang naman kung uulit ako. Ngunit alam kong wala akong pinagsisisihan.

"But you're lucky enough. Dean Ishida personally talked to us to give you consideration because of what happened. Besides, it's just the final examination you missed."

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Kung paanong nakarating kay Dean ang sitwasyon ko ay hindi ko alam. She is so generous to give me that consideration.

Matapos ng ilan pang pag-uusap, they let me take my examination peacefully. Mabuti na lamang ay natatandaan ko pa ang mga nireview ko bago ang finals week sa kabila ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa pagpanaw ni Nanay.

Tila nabunutan ng nalaking tinik ang dibdib ko nang matapos na ako sa examination. It's still 11:30 am. I suddenly felt the hunger but my mind is clouded with the thoughts of personally express my gratitude to Dean Ishida.

Nahanap ko na lamang ang mga paa kong patungo sa Dean's office. Dahan-dahan akong kumatok sa kanyang pintuan. Matapos ang ilang mahihinang katok ay pinagbuksan ako ng isang lalaki.

I was expecting for her secretary but this guy showed up instead.

"The dean is currently talking to someone. Do you have any appointment Miss?" tanong niya.

What I knew is that the dean's secretary is a woman. Kaya laking gulat ko nang isang lalaki ang sumalubong sa'kin.

Naningkit ang mga mata ko sa kuryosidad. Pinagmasdan ko nang husto ang lalaking nasa harap ko ngayon. He's skin is paper white. Nahiya naman ang balat ko sa puti at kinis neto, I should ask his skincare routine. He also have a pair of chinky eyes and cherry red lips.

I honestly find him handsome. He's too handsome for a secretary. Dumagdag pa ang malalim niyang dimples. He somehow resemble one of a Korean actor, Nam Joo-hyuk—but with the dimple.

Maybe he's a Korean or a Chinese.

His fake cough made me go back to my senses.

"Are you just gonna stand there and stare at my handsome face, Miss?" aniya atsaka ngumisi.

Kahit mayabang ang dating ng kanyang pagkakasabi ay hindi ko na ito pinansin.

"Ah—. Maybe I'll just comeback the other day. Sorry" akmang tatalikod ako nang bigla itong magsalita.

"Wait, Miss" aniya.

"May I know your name?" he asked. The pair of his chinky eyes are looking at me intently. I can't figure out what to feel with his gaze.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon