Chapter 9

10 1 0
                                    

"Then be my girlfriend"

It's funny how I love the idea of it but the way he said it? It's just feels wrong. I can't feel the sincerity. I don't care if what he's asking will make me happy, I crave for that sincerity because that's the only thing that can make my mind at peace and prove that he's saying that cause he means it; not just that he's drunk.

Paulit-ulit kong iniisip ang bagay na iyan. I got so preoccupied. He didn't even called me after that. Kaya kahit gaano pa kasaya ang last day ng intramurals, hindi ko rin ito masyadong naramdaman. All because of my nonsense preoccupation.

Matapos ang nangyari kay Kristen, kapansin-pansin ang pagtahimik nito sa klase. Kung dati ay halos siya lahat ang sumagot sa mga tanong ng professors, ngayon ay hindi ko halos makita na nagtataas siya ng kamay, unless tawagin siya. But nonetheless, she's still on track.

Halos siya na nga ang umako ng gawain sa case study namin pero hindi ako pumayag. I know she's doing all she can as a leader pero sapat na iyong nasaksihan ko upang hindi hayaang siya lahat ang gumawa. Hindi ako naawa, I just want to show that she don't have to prove herself to us. She already established a good image and that is enough.

There are people who are silently fighting their own battles so we should be kind. We don't need to understand them fully, being kind is more than enough.

Katatapos lang ng midterms week namin. Today is Saturday and I am expecting a visitor so I made sure that everything is fine. Naglinis ako at ngayon naman ay nagluluto.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko nang makitang nag-ring ito. It is Kuya Mike.

"Hello bunso" pagbati niya. Marahil ay papunta na sila ni Ate Joice dito.

"Kuya! Papunta na kayo?" masigla kong tanong.

"Ah iyon na nga bunso eh. Pagpasensyahan mo na ang Kuya ah. An emergency came up... sa work." malungkot niyang sabi.

"Okay lang Kuya, naiintindihan ko."

Pagkatapos ng sandaling pangangamusta ko kay kuya tungkol kay nanay ay agad ko na rin itong binaba.

That's sad. With all the preparations I made, it feels worthless now. Medyo marami pa naman akong niluto. Pero 'di bale na, pang-isang linggong stock ko na rin 'to.

What to do now? Tapos ko na rin naman ang mga dapat kong gawin sa school. I sighed in dismay. Siguro itutulog ko na lang ito.

But here I am, nakatitig sa cellphone ko. It's been a week of battle between my mind and heart. Should I call Lyssander and clarify things? Or should I just wait for him to call me instead?

Inaamin ko, nagtatampo ako. It's like he's playing with my feelings.

"Kamusta?" sa dinami-dami ng gusto kong itanong, hindi ko maisip kung bakit iyan lang ang nai-send ko sa kanya.

Naisipan kong bumisita sa Instagram at unang bumungad ang litrato na ipinost ni Miko. His new masterpiece. Isa iyong sketch ng isang babae habang tumutugtog ng violin.

"la vie en rose" iyon ang nakalagay na caption.

As I scrolled and scrolled, I remembered something.

"Ngayon 'yun" I said out of the blue.

Hindi lang rin naman nakapunta ang mga inaasahan kong bisita, mas mabuting lumabas na lang bago pa ako tuluyang magmukmok sa kwarto.

I wore bell-bottom trouser and a nude halter top at pinatungan ko ito ng white cardigan.

"Sana ay makaabot pa ako" bulong ko sa sarili nang makasakay na ako ng jeep.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon