Chapter 11

7 1 0
                                    

Alas tres ng madaling araw ako nakarating sa terminal. Hindi ko magawang maitulog ang lungkot na nararamdaman ko. I just want to feel the pain of losing my mother the way I felt her love for 20 years.

Pinaghalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko habang binabaybay ng tricycle ang daan papunta sa aming bahay.

Pagkababa ko ay tinakbo ko ang pagitan ng aming tarangkahan sa aming bakuran. Kung saan-

Kung saan nakita ko roon ang kabaong. Dali dali ko itong nilapitan.

"Ara..." mahinang tawag sa'kin nila Kuya ngunit hindi ko ito pinansin.

"Nay!" umiiyak kong sabi at niyakap ang kabaong.

"Nanay, bakit? Bakit?"

Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha habang mapayapang nakahiga sa kanyang... kabaong.

She looks peaceful. She's even smiling.

"You're so unfair Nay, how can you even smile when you didn't even said goodbye"

It pains me losing her without even seeing her, just for the last time. Marami pa akong gustong sabihin. Gusto ko pang bumawi sa kanya, sa lahat ng ginawa niya para sa'kin.

Naramdaman ko ang paghagod ni Ate Joice sa likod ko.

"Bunso, pahinga ka muna" aniya.

Halos hinigop na yata ng sakit na nararamdaman ko ang buong lakas ko. Pumasok muna ako ng bahay at agad na umupo sa sofa.

My two brothers are also there. Nakayuko. Lahat kami nasasaktan sa pagkakataong ito. At walang kahit anong comforting words ang makakapag-alis ng sakit.

"Kuya, anong nangyari? Bakit parang biglaan naman yata?" I said and my voice cracked.

Walang nagsasalita sa kanila. The pain I'm feeling right now becomes frustration.

"Kuya? Bakit? Anong kinamatay ni nanay?" tumaas na ang boses ko. Gusto kong malaman. Deserve kong malaman.

"May sakit sa puso ang nanay" si Kuya Alex ang sumagot.

"Kailan pa 'to Kuya? Bakit hindi ko alam?"

Why do I feel betrayed now?

"Matagal na Ara..." kung kanina ay malinaw na sakit ang nararamdaman ko, ngayon hindi ko na alam.

"Matagal niyo ng alam?"

"Bunso..." ani Kuya Mike.

"Hindi Ara, nalaman na lang namin noong nakaraang taon"

"Edi matagal na nga" may bahid na ng galit sa boses ko. Hindi ko mapigilan.

"Bakit? Bakit walang nagsabi sa'kin?" tumayo ako at hinarap sila.

"Ayaw sabihin ni nanay kasi ayaw niyang mag-alala ka at madistrac-" walang wala ang pag-aalalang iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Edi sana-. Edi sana nakapaghanda ako.

"Bakit hindi niyo sinabi Kuya? Bakit" muli kong naramdaman ang panghihina. Napaupo ako sa sahig. I feel betrayed. I feel like I am not worthy of knowing the truth.

"Wala na ba akong karapatang malaman huh Kuya? Ang daming pagkakataon Kuya na pwede niyong sabihin sa'kin. Matatanggap ko naman iyon eh. I will learn to deal with it, makakapaghanda ako. Walang wala naman yung pag-aalala ko kumpara sa nararamdaman ko ngayon"

"Don't I deserve to know the truth? Anak rin naman ako, Kuya." mula sa pagkakabagsak sa sahig ay tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Ay oo nga pala, ampon lang ako. Kaya ba hindi niyo sinabi? Gano-" isang sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon