Hindi ako makatulog dahil sa headline na nabasa ko, nais ko mang buksan ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko para pindutin ang link na iyon. I suddenly felt coward for an unknown reason.
Hindi. Hindi ko pa pala kaya.
I turned off my laptop and got my phone to check my Facebook instead. Suddenly, I remembered Lyssander, I missed him.
Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko.
And speaking his name, ang litrato niyang naka-tag sa kanya bumungad sa newsfeed ko. Hindi ko maiwasang humanga sa features ng mukha niya. His facial features are from his father who's a half Spanish. Matangos ang ilong nito at may mahabang pilik mata. Kung may parte siya ng mukha na pinaka-nagustuhan ko, ito ay ang kanyang mata. He have a pair of pensive eyes. It's like when I look at his eyes, I will know what he's feeling deep inside.
Sa litratong iyon ay nakasuot siya ng puting uniporme at nasa library ito nakasandal sa isa sa mga shelves.
He looked hot. His hair are disheveled
He's a nursing student. His face was serious in that picture. I found myself smiling until I saw the caption.
" You look hotter when you're serious. Mi amore ♥️ "
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. There's a lump that is building in my throat. Tinignan ko ang pangalan ng nagpost.
"Jessica Ong" basa ko sa pangalan ng babae. Hindi na ako nagdalawang isip at binisita ko ang profile ng babae.
"She's pretty" I bitterly uttered.
She's also studying nursing in the university where Lyssander is studying. Sandali akong napatitig sa mukha niya. She's so much better compared to my look. Maputi at makinis ang balat nito. She's as tall as Lyssander and has a promising curves. Mapula ang manipis nitong labi at singkit ang mata. Her short hair perfectly defined the shape of her face.
She has a good sense of fashion, unlike me.
Suddeny, I felt insecure. Muli kong tinignan ang post na naka-tag si Lyssander.
Wow, this is what I get after weeks of waiting for his chats. I feel bitter. Nanginginig akong nagscroll sa comment section at nang basahin ko ito isa-isa, sana pala hindi ko na ginawa.
Selene Ong: Kinikilig ako sa inyo
Patrice Davis: You really look good together, sissy
Bryan Ferrer: Lyssander, bro sweet ni Jess oh
Before I knew it, my eyes are already welling.
Ang bilis mo, Lyssander. Ang bilis.
I thought you'll pursue me? Akala ko liligawan mo'ko. Akala ko pareho tayo ng nararamdaman?
Akala ko lang ba ang lahat?
I smiled bitterly.
Kaya pala, kaya pala noong mga panahong kailangan kita, wala ka. Baka nga hanggang ngayon hindi mo pa rin alam na wala na si nanay.
Kahit masakit ay hinanap ko ang pangalan niya sa chat box ko and messaged him.
Kahit na hindi niya nababasa ang mga huling mensahe ko.
Me: Lys, kamusta?
Me: Miss kita, Lyssander.
Me: Siguro marami ka lang ginagawa kaya hindi ka na nakakapagchat. Basta kapag nagkaroon ka ng time, chat mo 'ko huh? Hinihintay pa rin kita. Andami kong kwento sa'yo. Sure ako, marami ka ding ikukwento sa akin. Miss na kita panget 😘
BINABASA MO ANG
Wounded Hearts
General FictionMagmula ng mangyari ang tagpong iyon noong ika-sampung kaarawan niya, Arabella called herself "The unwanted child". Even with her innocent mind, the truth she needed to know was fed to her, even the brutal one. Growing up, she lived with that story...
