Chapter 3

13 2 0
                                    

Kung kahapon ay maulan, ngayon naman ay tirik ang araw. It's our break time and I am now walking papunta sa Architecture building.

Sa totoo lang ay hindi ko mainitindihan bakit ako nagbitaw ng ganung salita kay Cole kagabi. And now, I have to suffer. Hindi ko alam paano ko i-aapproach si Miko gayong ako palagi itong nagtataboy sa kanya. Now, I have to ask a favor.

I don't even know where to find Miko sa lawak ng building nila. Some students are looking at me. Bakit nga ba napadpad ang Psych student sa building na ito. I'm wearing our white uniform kaya agaw atensyon ito.

"Uy Ara, napadpad ka dito? May hinahanap ka?" tanong ni Ingrid. Isa rin siya sa mga kapwa ko scholar sa foundation na inapplyan ko ng scholarship. The foundation usually held it's annual gathering tuwing anniversary kaya marami rin akong nakikilalang kapwa ko scholar na nag-aaral rito.

Nahihiya man ay nilapitan ko siya.

"Oo Ingrid eh. May hinahanap akong tao, kailangan ko lang makausap." Hindi ko sigurado kung kilala ba ni Ingrid si Miko dahil ka-year level ko lang siya at si Miko ay 4th year na.

"Sige, tapos naman na klase ko. Tulungan kita" aniya.

"Sino ba hanap mo?"

"Si Miko. Miko Esquivel" banggit ko

"Ay si Esquivel ba. Nako, kagagaling ko lang sa office ng professor namin. Nakita ko si Miko papasok sa office ni Dean, mukhang pinatawag siya"

Pinatawag ng Dean? May problema kaya?

"Sige Ingrid, salamat"

Nagpaalam na siya at ako naman ay naghahanap ng pwedeng maupuan. I'll give myself one hour. And after one hour na di ko siya makita, ay ipagpapabukas ko na lang.

Why do I even make effort for someone I just met yesterday? When I can just leave him alone and deal with his own problem?

Empathy. Empathy, a listener's effort to hear the other person deeply, accurately, and non-judgmentally according to Carl Rogers.

Sometimes, people already know what to do whenever they face struggles, but having someone they can confide with, someone who will listen without judgment is a different kind of help.

One thing I learned is that, you just have to listen. And when they asked you for your advice, that's the time you will open your mouth. Make them feel understood but never impose nor force your beliefs to them.

Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Some are casually talking with their friends, ang iba nama'y lakad takbo ang ginagawa at tila may hinahabol na deadline at ang iba nama'y malungkot ang emosyong nakapinta sa mukha.

And there, I found him. Walking alone, blangko ang ekspresyon. I don't know if it's right to approach him right now. He seems troubled.

Tama, ipagpapabukas ko na lamang ito. Tumayo na ako at dapat ay aalis na.

Ngunit di ko inaasahang nakita niya pala ako. Palapit siya sa direksyon ko at kapansin-pansin ang pagbabago ng emosyon sa kanyang mukha.

"Ara, n-nandito ka pala. May hinahanap ka ba?" I looked at him.

Nakangiti siya sa'kin but his eyes says he's not fine.

"Actually, ikaw. Ikaw ang hinahanap ko" nahihiya kong sabi.

He smiled more.

"But I decided, baka bukas na lang o sa ibang araw" I awkwardly said. Nahihiya akong maistorbo siya dahil nararamdaman ko tila may pinagdadaanan ito.

"Why? Tapos naman na ang klase ko. We can talk about it today if you want" I looked at him and he seems enthusiastic now.

"Okay lang ba?" tanong ko sabay iwas ng tingin.

Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon