6. Who are you?

55 2 0
                                    

Dela Vega's Mansion 6:00 AM.

Bumaba si Detective Theo sa taxi na sinakyan nito papuntang mansion ng mga Dela Vega. Huminga ng malalim si Detective Theo at ngumiti sa napakalaking mansion na nasa harapan nya ngayon.

"This is it."-sabi ni Detective Theo sa sarili nya at naglakad papuntang gate. May guard na nakatambay dun at mukhang napansin si Detective Theo na papalapit dito.

"Morning Sir. Anong kailangan nyo?"-bati nung guard kay Detective Theo ng lumapit sya dito.

"Morning. Ako po yung bagong butler ng mga Dela Vega. First day ko po ngayon."-sagot ni Detective Theo saka ngumiti ng kaunti. Tumango-tango naman ang guard at may parang remote na hawak eto saka pinindot. Automatic naman na bumukas ang malaking gate.

Napanga-nga si Detective Theo dahil first time nya lang makakita ng ganun.

"Sige, Pasok ka lang."-sabi nung guard kay Detective Theo. Ngumiti naman si Detective Theo at nag paalam sa guard.

"Good Morning."-pagkapasok ni Detective Theo ay may sumalubong agad sakanyang lalaki.

"Ikaw yung bagong Personal Butler ni Young Master? Ako nga pala si Brian isa din ako sa Personal Butler ni Young master."-nakangiting pagpapakilala nung lalaki kay Detective Theo.

"Ah... Ako naman si Theo Santos. Theo na lang."-pag papakilala din ni Detective Theo iniba nya ang kanyang surname para hindi makahalata ang mga ibang tao sa mansion ng mga Dela Vega na mag pinsan sila ni PJ na bestfriend ng Young Master na walang iba na si Scott Dela Vega.

"Pasok na tayo."-Aya ni Butler Brian kay Detective Theo matapos maki pag shake hands dito. Ngiting tumango naman si Detective Theo at saka nag simulang mag lakad si Butler Brian kaya sumunod din si Detective Theo.

"24/7 tayong laging mag kasama. Lalo na kapag nandito si Young master. Madali lang naman ang mga gawaain dito. Mag hahain ng pagkain kay Young Master, Mag lilinis ng kwarto nito. at maging driver nito kapag may pupuntahang events o parties."-tuloy-tuloy na sabi ni Butler Brian. Hindi naman nakikinig si Detective Theo at tumitingin lang sa paligid ng garden na dinaanan nila.

Dahil hindi naparito si Detective Theo para maging butler ni Scott Dela Vega. Nandito sya para mag imbestiga.

Alamin kung kumikilos na ba ang Grandma ni Scott na si Donya Stephina o ang Ama nito na si Mr. Shawn Dela Vega para hanapin ang totoong Anak nito.

Inutusan sya ni Scott na mag trabaho dito sa mansion ng mga Dela Vega bilang butler nito. Nag apply si Detective Theo at natanggap naman sya kaya ngayon ay gagawin nya ang mission nya. Lahat ng nakakahinalang kilos ng Grandma ni Scott ay sasabihin lahat ni Detective Theo dito.

"Nakikinig ka ba Butler Theo?"-napatigil sila sa paglalakad at napakurap naman ng mga mata si Detective Theo saka tumingin sa seryosong mukha ni Butler Brian.

Nakaramadam naman si Detective Theo ng takot dito.

"O-oo naman. Sorry medyo kinakabahan kasi ako."-pag sisinungaling na sagot ni Detective Theo at maliit ng ngumiti sya kay Butler Brian. Nagtaas lang ng kaliwang kilay si Butler Brian pero humarap din eto sa nilalakaran nila.

"Ayaw ni Young Master na hindi agad sumusunod sa utos nito. Kaya dapat ay laging alerto ka. Tandaan mo yan."-maawtoridad na sabi ni Butler Brian. Agad naman tumango-tango si Detective Theo.

Nagsimula ulit silang mag lakad. Papunta na sana sila sa malaking pintuan ng mansion ng may kotseng tumigil sa harap nito.

Napatingin si Detective Theo sa bumaba sa kotse. Isang lalaki ang bumaba dito. Naka black tuxedo eto at may suit case na dala-dala.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon