| Scott's Condo | 10:20 AM |
Mahigpit na hinawakan ni Scott ang baso na hawak nya at napatigil sa pag inom ng tubig. Kakabalik nya lang galing sa T University kung saan sinundo nya si Skyler at naalala nanaman nya ang ginawa nito sakanya.
Ang lakas ng loob nitong ibigay kung kanino lang ang pinaghirapan nya kaninang umaga lang. Kahit na bad mood pa sya simula kanina dahil sa pag-aaway nila ng kanyang Ama ay talagang ginawa nya pa rin ang pangungulit kay Skyler.
Inorder nya pa talaga galing Italy yung chocolate na nasa sampung libo pa ang presyo wala naman pakielam si Scott dun dahil barya lang naman sakanya yung sampung libong piso saka pumunta pa sya sa flower shop ng Auntie nya para lang bumili ng bulaklak para kay Skyler. Na hot seat pa nga sya ng kanyang Auntie kung kanino daw ba nya ibibigay yung mga bulaklak. Syempre sinagot ni Scott ay para sa nililigawan nya na di naman makapaniwala ang kanyang Auntie na isang Scott Dela Vega ay may nililigawan na. Na totoo naman dahil kahit kailan ay walang niligawan si Scott at si Skyler pa lang tapos ay sasayangin lang ni Skyler lahat-lahat ng effort nya.
At dahil dun sobrang naasar si Scott. Ganito pala feeling nung ilang beses na nirereject pero hindi susuko si Scott hanggang sa makuha nya ang loob ni Skyler. At nasisigurado ni Scott na bibigay din ito sakanya sa yaman at gwapo ba naman nya. Alam din ni Scott ang mga tumatakbo sa utak ng mahihirap na kagaya ni Skyler kung ibibigay nya lahat ng gusto nito pera, fame, o mamahaling gamit pa ay for sure ay unti-unti itong bibigay sakanya at baka pumayag pa si Skyler na pakasalan nya ito.
Lumaki ang ngisi sa mga labi ni Scott pero agad din nawala iyon ng marinig nya ang pagsara ng pintuan nung kanyang condo saka masamang tumingin sa kadadating lang na PJ.
"Pumunta ako sa University at nalaman kong inenroll mo ko sa Theater Arts?"-bungad na tanong sakanya ni PJ. Nilagay muna nya ang basong hawak nya sa mesa.
"Why? Di ba ayun ang gusto mo?"-umayos ng upo si Scott saka humarap sa bestfriend nyang seryoso lang ang mukha nitong nakatingin sakanya.
"Alam ba ito ni Dad?"-tanong ulit ni PJ sakanya. Hindi naman maiwasang matawa ni Scott dahil sobrang seryoso nung mukha ni PJ na ngayon nya lang ulit nakita ang ganitong expression nito.
"Kung si Tito Paolo ang inaalala mo... Yes, pumayag sya basta daw ipasa mo ang course na yun."-kita ni Scott na natigilan si PJ sa sinagot nya sa tanong nito. Kinausap ni Scott noong nakaraang araw ang Tito Paolo nya na Ama ni PJ. Akala nga din ni Scott na hindi papayag itong pumasok ulit si PJ sa University.
Pagka graduate kasi nila noong High school ay naging busy si PJ sa pag-aaral kung paano ihandle ang kumpanya ng pamilya nito at hindi na nakapag college pa si PJ. Alam ni Scott na gustong mag college ni PJ pero inutos ng Ama nito na mag focus sa kumpanya nila kaya wala ng nagawa ang kanyang bestfriend kundi sundin ang utos ng Ama nito.
"What?"- hindi makapaniwalang tinignan ni PJ si Scott.
"Why? Be thankful ka na lang Bro. Dahil saakin magiging college student ka na at magiging course mo pa yung matagal mo ng gustong kuning course, right?"-tinaasan nya pa ng kaliwang kilay si PJ. Nalipat ang tingin ni Scott sa nakakuyom na kamao ni PJ.
Ano bang kinagagalit nito?
Dapat nga ay matuwa pa ito sa ginawa nya diba? Dapat pa nga ay sa course nya rin inenroll si PJ pero naisip ni Scott na hindi pala marunong kahit mag drawing man lang itong si PJ. Kaya tinuloy nyang ienroll si PJ sa Thearter Arts na gustong-gustong kunin nitong course saka pinaayos nya pa ang schedule nito na dapat ay kaparehas nung sakanya para makatulong ito sa panliligaw nya kay Skyler.
Tapos ngayon parang aso na handa ng manakmal itong si PJ makatingin sakanya.
"Whatever."-ayun lang ang sinagot sakanya ni PJ saka umalis na ito sa condo. Naguguluhan naman si Scott sa inakto ni PJ.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUS
Любовные романыGumuho ang mundo ni Scott Dela Vega nung malaman nyang hindi sya ang totoong anak ng kanyang kinalakihang Pamilya. Paano na ang kanyang mala buhay Prinsipe?! Paano na ang mga mamahalin nyang kotse?! Paano na ang dapat nyang mamanahin na kompanya at...