| KINABUKASAN |
Pagkatapos maligo ni Skyler ay napatingin na lang sya sa harapan ng salamin. Kitang-kita nya kung gaano kalaki ang kanyang eyebags.
At isa lang ang may kasalanan sa lahat ng ito...
Walang iba kundi si Scott Dela Vega.
Ni hindi na nga sya nakapag isip ng matino para sa project nya kagabi. Dahil hindi mawala-wala sa isipan nya ang ngisi ni Scott. Tuwing ipipikit nya ang kanyang mga mata ay parang halimaw ito na humahabol sakanya.
Kung wala lang sya maiistorbong ibang tao kagabi ay sa malamang naiuntog na ni Skyler ang kanyang ulo sa pader para makatulog lang.
Siguro ay kinukulam na sya nung lalaking yun?
*Tok. Tok. *
"Matagal ka pa ba dyan?"-agad na napabalikwas si Skyler ng marinig nya yung katok mula sa pintuan sa c.r kung nasaan sya ngayon. Oo nga pala, bigla nyang naalala na marami papalang nakapilang ibang estudyante rin kagaya nya sa labas ng c.r para makaligo din.
"Ta-Tapos na ko."-sagot ni Skyler sa kumatok sakanya. Agad naman nyang kinuha ang kanyang mga gamit pang ligo at lumabas na sa loob ng c.r.
Pagkalabas ni Skyler ay agad ding pumasok ang kasunod nyang maligo. Araw-araw ganito ang nararanasan ni Skyler. Wala naman syang choice dahil itong lang ang pinaka murang dorm na nahanap nya sa maynila. Saka kaunting tiis na lang naman malapit na syang maka graduate. Isang taon na pagti-tiis pa bago nya makamit ang pangarap nya.
Huminga ng malalim si Skyler at saka pumunta na sa dorm nya para ihanda ang dadalhin nya sa University. Pagkatapos nyang mag-ayos at mag almusal ay sumakay na sya ng bus papasok.
Wala namang kakaibang nangyari kay Skyler habang papunta sya sa University. At wala rin syang nakikitang pulang sasakyan na sumusunod sakanya katulad kahapon.
Kahit na mukha na syang ewan kakalingon sakanyang paligid ay wala na syang pakealam. Basta mapanatag lang ang kanyang kalooban na hindi na sya guguluhin ng isang weird na mayamang lalaki.
"Anong meron?"-nagulat si Skyler sa nag salita sa harapan nya. Nakahinga naman sya ng maluwag nung si Lester lang pala iyong nag salita na nakakunot ang noong nakatingin sakanya.
"Wa-Wala. Nandyan na ba Prof natin?"-pag iiba ng topic ni Skyler kay Lester na sinamaan sya nito ng tingin.
"Sabog ka ba ngayon Sky? Aba malay ko? kakapasok ko lang din sa gate at wala pa tayo sa room."-di parin mawala ang masamang tingin na binibigay ni Lester kay Skyler. Napakamot na lang tuloy sya sakanyang ulo.
Epekto nga siguro ng puyat kaya sobrang sabog ngayon ni Skyler.
"Ah! Napuyat ka sa kakagawa ng project natin noh? Laki ng eyebags mo, Tol."-bigla syang inakbayan ni Lester. Hinawakan tuloy ni Skyler ang ilalim ng kanyang dalawang mata.
Ganun na ba kahalata ang eyebags nya?
Speaking of project...
"May model ka na?"-tanong nya sakanyang kaibigan. Biglang nagbago ang expression ni Lester mukhang sumama kasi ang mukha nito.
"Parang maghihintay pa ko pumuti ang uwak bago ako makahanap."-halata ang asar sa boses ni Lester na sagot nito sakanya.
Mahirap talaga makakuha ng model dahil lahat ng mga students dito sa T.U ay mga busy din sa kanya-kanyang mga projects dahil finals week na. Mahirap din makakuha ng model sa labas ng kanilang University. Yung iba kasi nagpapabayad ng malaking fee. Eh students pa lang naman sila kaya hindi nila kayang magbayad.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUS
RomansaGumuho ang mundo ni Scott Dela Vega nung malaman nyang hindi sya ang totoong anak ng kanyang kinalakihang Pamilya. Paano na ang kanyang mala buhay Prinsipe?! Paano na ang mga mamahalin nyang kotse?! Paano na ang dapat nyang mamanahin na kompanya at...