21. Model.

32 2 0
                                    

Huminga ng malalim si Skyler.

Ano na ang gagawin nya sa mga Appliances na to?

Sigurado naman si Skyler na hindi magkakasya sa loob ng dorm nya yung mga gamit na ito.

Eh kung iiwan nya naman lang ito sa labas ng dorm nya sa malamang wala na to kinabukasan.

"Scott Dela Vega..."- gigil na sabi ni Skyler sakanyang sarili. Kailangan nyang maalis ang mga Appliances na ito bago pa makita ng may-ari nitong building ng tinutulyan nya.

At baka pati sya mawalan ng matutuluyan.

Bahala na!

Ayun na lang ang nasabi ni Skyler sakanyang sarili. Binaba nya muna ang bag nya sa gilid ng pintuan.

"Skyler?"- lumingon agad si Skyler nung may tumawag sa pangalan nya. Handa na sana syang itulak yung mamahaling ref.

"Wow. Madami kang binili na bagong gamit?"- manghang dutong pang tanong ng tumawag kay Skyler na walang iba kundi si Joseph na isa ding estudyante na nakatira rin sa building ng Dorm ni Skyler.

Nagkakabatian lang naman sila kapag nagkakasalubong sa hallway ng building ng Dorm.

"Ah... Hindi saakin to."- agad na sagot ni Skyler.

"Ganun ba? Saan mo ba dadalhin yang mga yan?"- tanong ulit ni Joseph.

"Ibababa ko sana..."- kamot sa batok na sagot ni Skyler.

"Tulungan na kitang ibaba. Mukhang mabigat pa naman ang mga to. Lalo na yung Ref."- alok agad na tulong ni Joseph. Lumiwanag ang mukha ni Skyler sa narinig nyang sinabi ni Joseph saka malawak na ngumiti sya dito.

"Sige! Salamat tol."- pagpapasalamat agad ni Skyler kay Joseph.

"Wala yun. Tara na."- aya ni Joseph sakanya at tinulungan muna sya nito ibaba yung Ref.

Matapos ng ilang minuto...

"Ayan, Nababa na natin lahat."- hinihingal na napatingin si Skyler kay Joseph na sa wakas ay nababa na nila lahat ng mga Appliances at mga paper bags.

"Salamat talaga, Tol. Kung di dahil sayo hindi ko kakayanin mag isa ibaba lahat ng to."- pagpapasalamat ulit ni Skyler kay Joseph at tinapik nya pa ang balikat nito.

"Kanino ba ang mga mamahaling appliances na ito? Sa iyo ba galing to?"- takang tanong ni Joseph sakanya.

"Sa tingin mo ibaba ko pa to kung saakin nga ang mga appliances na to?"- di makapaniwalang tinignan ni Skyler si Joseph na agad naman na natawa sa tanong nya dito.

"Oo nga naman... Hahaha! Nga pala... Anong gagawin mo ngayon sa mga ito? Sa malamang kapag iniwan mo dito yan wala na yan kinabukasan."- tanong ulit ni Joseph na di rin maiwasan na matawa.

Masyado kasing madami ang mga appliances tapos mukha talagang mga branded. At may mga paper bags na galing naman sa mga may signature brands din.

"Diba may truck kayo ng Papa mo?"- biglang balik na tanong ni Skyler kay Joseph na ikagulat naman nito.

"O..Oo..."- alangan na sagot ni Joseph na halata sa mukha nito ang pagtataka.

Nalaman yun ni Skyler noon nung bumisita yung Tatay ni Joseph sa dorm nito. Sakay nung sariling truck nito.

Nakaisip kasi ng paraan si Skyler para mawala ang mga appliances na eto.

"Pwedeng samahan mo ko? Promise ililibre kita kapag sinamahan mo ko."- Deretsyong tinignan ni Skyler sa mga mata si Joseph na litong-lito parin sa biglang pag-aya ni Skyler.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon