2. Skyler Perez

126 3 0
                                    


"Yo, Sky."-bungad na bati ni Kurt kay Skyler nung dumating eto sa samgyupsal store na pinag part-time job nito ngayon.

"Hi, Bihis lang ako."-balik na bati at saglit na paalam ni Skyler kay Kurt saka dali-daling pumunta sa staff room para mag bihis ng uniform nito. Kakasimula lang ni Skyler last month sa samgyupsal shop na malapit sakanilang University. Dahil kailangan ni Skyler ng dagdag income para sa renta ng dorm at sa baon nya sa pang araw-araw.

Nag kataon kasing nawalan ng parehong trabaho ang kanyang Tatay at Nanay dahil nag tanggalan sa factory na parehas nitong pinag tatrabahuan. Sa kasamaang palad ay nasama ang mga magulang ni Skyler sa na tanggal.

Kaya nag presenta na mag trabaho si Skyler para sa mga gastusin nya. Nung sinabi ito ni Skyler sa kanyang mga magulang ay ayaw ng mga etong pumayag dahil mas mahalaga daw ang pag-aaral ni Skyler kaya ayun daw ang atupagin nito.

Pero ayaw ni Skyler na maging pabigat sya sa mga magulang nya at gusto nya rin naman mag karoon ng experience sa pagtatrabaho kahit part-time lang muna.

Sa huli, pumayag na ang mga magulang ni Skyler dahil kailangan na rin mag bayad ni Skyler sa renta ng dorm na tinutuluyan nito ngayon. Masyado kasing malayo ang bahay nila Skyler sa university kung saan ito nag-aaral.

Buti na lang nandyan ang Schoolmate/ Bestfriend ni Skyler na si Kurt Carpio na nirekomenda nito si Skyler sa boss ng Samgyupsal shop na si Boss Kim na Half Korean at Half Filipino. Na hired si Skyler at nag simula na mag trabaho. Saka nakapag advanced ng sahod din agad si Skyler kay Boss Kim.

Sobrang bait nga ng boss nila at pinayagan nito mag advance si Skyler kahit kakasimula lang nito sa trabaho at dahil dun ay nakabayad na si Skyler ng rent nito sa dorm.

"Kamusta naman ang school works mo?"-bungad na tanong ni Kurt pag kalabas ni Skyler ng staff room. Phsychology ang kinukuhang course ni Kurt samantalang Fine Arts major in Fashion Designing naman ang kinukuha ni Skyler. Parehas silang nasa 3rd year na.

Hilig talagang mag drawing ni Skyler simula bata palang ito at pangarap ni Skyler maging Fashion Designer kaya nga ayun ang kinuha nyang course. Kahit medyo may kamahalan yung mga materials na kailangan nya sa klase.

Nagbibigay naman ng scholarship ang University na pinapasukan ni Skyler at nakapasok sya sa Dean's List. Wala nang problema sa tuition fee si Skyler at ang iisipin na lang ni Skyler ay rent nya sa dorm, baon na lang sa pang araw-araw, at mga materials nya na gagamitin sa mga projects sa school.

Supportado naman si Skyler ng kanyang mga magulang sa naging desisyon nito at sinabi ng kanyang mga magulang na gawin lang ni Skyler kung ano ang ikakasaya nya. Kaya mahal na mahal ni Skyler ang kanyang mga magulang.

At gagawin lahat ni Skyler ang makakaya nya para makatapos agad-agad at makahanap ng magandang trabaho.

"Okay lang naman. Medyo mahirap ngayon kasi malapit nanaman mag finals. Pero kaya pa naman."-ngiting sagot ni Skyler kay Kurt at kinuha ni Skyler yung kalan na malinis para ilagay sa isang mesa na wala pang kalan.

Madali lang ang trabaho sa samgyupsal shop. Mag luluto lang ng samgyupsal sa mga costumers tapos mag huhugas ng mga kalan at mga pinggan.

Mataas din ang sahod kahit part-time. Kaya laking pasasalamat talaga ni Skyler dito kay Kurt. Kung di baka umuwi sya sa hometown nya sa Bulacan at mas malaking pamasahe ang gagastusin ni Skyler Kung araw-araw itong papasok sa university tapos uuwi sa napaka malayong bahay.

At nag simula na ang pagtatrabaho ni Kurt at Skyler sa gabing eto.

Mga ilang oras din ang lumipas...

"Ahhh~ Sa wakas tapos na rin!"-nag inat-inat na daing ni Skyler pag katapos nitong iligpit ang huling pinggan sa lababo.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon