"Skyler."
Lumingon agad si Skyler nung may tumawag sakanya. Lumaki ang kanyang ngiti sakanyang mga labi nung makita nya ang papalapit na Joseph sa kinatatayuan nya.
Ngayon nya kasi susukatan eto para sakanyang project. Napagkasunduan nila ni Joseph na ngayong araw na ito nya susukatan eto.
"Tara na."- aya ni Skyler kay Joseph na nakangiti rin na tumango. Nauna na nag lakad si Skyler pa pasok sa building ng kanilang department at sumunod naman si Joseph na pumasok.
"Kamusta ka na nga pala Skyler? Hindi ka na ba nilalagnat?"- may bahid na pag aalala sa boses na tanong ni Joseph nung sumabay na eto sa paglalakad ni Skyler sa hallway.
"Oo, Ayos na ko. Pasensya na pala dun sa nangyari sa cafeteria nung isang araw."- si Skyler na humingi ng sorry kay Joseph. Siraulo kasing Scott Dela Vega na yun. Kahit ata saan mag punta yun parang laging gumagawa ng eksena.
"Di mo naman kailangan mag sorry saakin Skyler."- nahihiyang napakamot na lang si Joseph sakanyang batok.
Malapit na sila sa room kung saan nya susukatan si Joseph nung may naaninag si Skyler na lalaking nakatayo sa harapan nung room.
Sila lang ngayon kasi ni Joseph ang naglalakad sa hallway dahil may kanya-kanyang klase pa ang mga estudyante sakanilang University.
Hindi masyadong makita ni Skyler yung mukha nung lalaking prenteng naka sandal pa eto sa saradong pintuan nung kwartong pupuntahan ni Skyler at Joseph.
Nung papalapit na sila sa room ni Joseph ay napatigil si Skyler sa paglalakad nung makilala nya na kung sino yung lalaki.
"Bakit ka nandito?"- agad na tanong ni Skyler kay Scott. Oo, si Scott yung lalaking nakatayo at nakasandal sa saradong pintuan nung room.
"Hey, Good Afternoon Hon~"- ngising bati sakanya ni Scott. May kinakain pa etong lollipop tapos naka leather jacket pa. Kahit na mukhang model si Scott sa proma nito ang tingin pa rin ni Skyler ay mas nag mukhang gangster sa mga movies ang pormahan ni Scott. Na lalong kinaasar ni Skyler.
Parang lalo kasing yumabang ang itsura nito.
"Bakit ka nandito?"- ulit na tanong ni Skyler. Masama nya nang tinignan si Scott pinaparating talaga ni Skyler na ayaw nya etong makita.
Paano nalaman ni Scott kung nasaan sya? Wag nyong sabihin pati schedule nya alam ni Scott?!
Iba talaga siguro nagagawa ng mayayaman. Kahit ata magtago si Skyler sa pinaka tagong lugar dito sa bansa mahahanap at mahahanap sya ni Scott.
"Sya ba yung sinasabi mong model sa project mo?"- imbes na sagot ang sinabi ni Scott ay nag tanong din eto kay Skyler. Hindi rin pinansin ni Scott ang masamang tingin na pinupukol ni Skyler sakanya.
Nanigas naman sa kinatatayuan si Joseph nung nalipat sakanya ang tingin ni Scott. Damang-dama ni Joseph ang sobrang lamig na mga titig ni Scott sakanya. Pakeramdam nga din nya parang tumatayo ang mga balahibo nya sa katawan.
Ngayon lang talaga nalaman ni Joseph na sobrang nakakatakot pala eto si Scott Dela Vega.
"Pwede ba umalis ka na. Tara na Joseph."- asar na sagot ni Skyler kay Scott. Lalagpasan sana ni Skyler si Scott nung magsalita ulit eto.
"Ah. I remember you! Ikaw yung kasama ni Skyler sa cctv sa mansion nung sinauli nya yung mga clothes and appliances na binigay ko sakanya, right?" - lalong lumawak yung ngisi ni Scott nung naalala nya na kung sino ba etong model ni Skyler.
"Uhm... Go-Good Afternoon, Sir. Scott."-alinlangan na bati ni Joseph kay Scott. Hindi naman makatingin ng deretsyo si Joseph dahil sa uri ng tingin na binibigay sakanya ni Scott.
![](https://img.wattpad.com/cover/284662573-288-k848985.jpg)
BINABASA MO ANG
Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUS
RomanceGumuho ang mundo ni Scott Dela Vega nung malaman nyang hindi sya ang totoong anak ng kanyang kinalakihang Pamilya. Paano na ang kanyang mala buhay Prinsipe?! Paano na ang mga mamahalin nyang kotse?! Paano na ang dapat nyang mamanahin na kompanya at...