22.Mad.

40 3 0
                                    


"Good Morning everyone!"

Lahat ng maid at butlers na nakarinig sa masayang bati ni Scott ay napalingon dito. Malaking mga ngiting bumaba si Scott sa napakalaki at napakahabang hagdan ng kanilang mansion.

"Good morning, Young master."- yukong bati ni Butler Brian.

"Good morning, Butler Brian."- di parin nawawalang ngiting bati ni Scott. Kumunot tuloy ang noo ni Butler Brian na ngayon nya lang nakita na sobrang ganda ng ngiti ni Scott. At himalang bumati din sakanya eto. Hindi naman kasi ganito ang kanilang Young master lalo na kapag umaga.

Kung hindi kasi seryoso ito ay laging naka busangot ang mukha. Pero ngayon ay ibang-iba ito.

At sa malamang ang ganda ng gising nito o kaya may nangyaring maganda sakanilang Young master.

"Ano ang almusal?"- tanong ni Scott sakanyang Butler Brian.

"Egg, ba--"

"What the hell?!"- biglang bulaslas ni Scott. Nagulat si Butler Brian kung bakit biglang sumigaw si Scott.

Malayo ang tingin ni Scott kaya lumingon si Butler Brian para tignan din kung ano ba ang nakita ng kanilang Young Master.

Nakatingin si Scott sa labas kung saan kita nya ang mga pinadala nyang refrigerator at mga iba't-iba pang mamahalain na appliances pati yung mga clothes na galing pa sa mga signature brands.

Bakit nandito ang mga iyon sa labas ng mansion?!

Eh diba pinadala pa ni Scott iyon sa mismong dorm ni Skyler?!

"Bakit nandito ang mga yan?!"- galit na tanong ni Scott sakanilang mga tauhan.

"Young master, nagulat na lang po kami na nasa harapan po ito ng gate."-yukong sagot nung isang maid na takot sa galit na ngayong mukha ni Scott.

Kung kanina ang magandang ngiti ni Scott ay napalitan ng madilim na mukha.

"Eto po Young master nakita mo namin sa cctv."- biglang lumapit ang isang butler kay Scott at binigay sakanya ang ipad na hawak nito.

Walang expression na kinuha ni Scott yung ipad at tinignan yung screen.

Kitang-kita ni Scott sa cctv video si Skyler at mukhang may kasama pa ito. Mahigpit na napahawak si Scott sa ipad na hawak nya nung nag middle finger pa sa huli ng video si Skyler bago eto umalis sa harapan ng cctv.

*Crash!*

At dahil sa gigil ay binato ni Scott yung ipad na hawak nya kaya nasira ito. Natakot naman ang mga katulong at butlers sa galit na ngayong Scott.

Ano ba ang gusto ni Skyler?!

Binigyan nya na ito ng mga mamahalin na gamit pero mukhang palpak nanaman ang kanyang plano.

Akala nya matutuwa si Skyler at papayag na itong pakasalan sya. Nag effort pa syang mamigay ng free food sa kanilang University at pinahanda pa ni Scott ang favorite steak ni Skyler, Nag arkila pa sya ng ice cream stand at libre nya din iyon pinamigay sa mga students para lang di magtaka si Skyler. Tapos binigyan nya pang bonus si Skyler sa part time job nito. Pero sa huli na sayang nanaman ang mga effort nya.

Hindi talaga alam ni Scott kung ano ba talaga ang gusto ni Skyler. Di ba ganun naman ang mahihirap? Gusto ng mamahalin na gamit o kaya madaming pera. Eh bakit si Skyler ayaw ng mga ito?

Akala nya ay nagtagumpay na sya makuha ang puso ng binata.

Napahawak tuloy sa sentido si Scott pakeramdam nya ay na nahihilo sya sa sobrang inis.

Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon