Humihikab na lumabas si Skyler sa building ng tinitirahan nyang dorm. Napuyat kasi kagabi si Skyler dahil inumpisahan nya na gawin ang final project nya. Ang ginawa lang naman nya ay plinano kung anong mga tela ang kakailanganin nya. Saka wala pa syang makinang pantahi para mag umpisa sakanyang project.
Ang plano din ni Skyler baka sa bahay nila Kurt nya gawin ang project nya dahil may sariling makina ang Nanay ni Kurt na si Mrs.Katrina. Kung bibili kasi sya ng sariling makina ay hindi kakasya sa dorm at sa malamang makakaistorbo pa sya sa mga ka dormmate nya kapag dun sya gumawa.
Nung nakaraang araw naman ay nag paalam sya kay Mrs. Katrina na kung pwede makigamit sa makina nito. Pumayag naman si Mrs. Katrina at sinabi pa nito sakanya na gamitin nya lang kahit kailan nya gusto. Na sobrang pinasasalamatan ni Skyler swerte talaga sya sa kaibigan.
At ngayon ay papasok si Skyler dahil may morning class pa sya sa T University. Kahit minsan ay sumusuko na ang katawan ni Skyler sa pagod sa pag-aaral at pag tatrabaho ay lalaban pa rin sya para sa pangarap.
Napatigil si Skyler sa tuluyang paglalakad papuntang Bus stop nung makita nya ang kinamumuhian nyang tao na nasa harapan na naman nya ito ngayon.
Eh sino pa ba ang taong gumugulo ngayon sa tahimik nyang buhay?
Walang iba kundi si Scott Dela Vega na nakasandal na naman sa pulang kotse nito. Naka suot pang shades at may mga ngisi sa mga labi nung makita sya nito.
Paano nito nalaman kung saan sya nakatira?
"Bakit ka nandito?"-mabilis na naglakad na lumapit si Skyler dito. Kay aga-aga ay binubwiset sya nito. Hinubad ni Scott ang suot nitong shades at saka isinabit sa suot nitong gray shirt.
" Sakto naman na wala akong pasok today sa University kaya nandito ako para totoong sunduin na kita ngayon.Kagabi kasi pinagbigyan na kita."-biglang lumapit ang mukha ni Scott sakanya kaya napaurong sya dito. "Pero ngayon hindi na."
Tuloy na sabi ni Scott na hindi parin mabura ang ngisi nito. Lumayo si Skyler dito at umayos ng tayo saka hinawakan ni Skyler ng mahigpit ang dalawang strap sa bagpack nya.
"No. Thank you."-hindi umabot sa matang ngiti nya dito at nilagpasan na ulit si Scott.
"Okay."-rinig ni Skyler na suko nito. Nakahinga naman sya ng maluwag dahil akala nya ay kukulitin pa sya ni Scott. At mabuti na naiintindihan sya nito na ayaw nyang makipag laro dito.
At sana din ay hindi na sya pagtripan pa ni Scott kahit kailan dahil marami na syang problema sa buhay at ayaw nya na dagdagan pa yun.
*Brooom~ Brooom~*
Napatigil ulit si Skyler sa paglakad nung marinig nya ang malakas na tunog ng makina sa sasakyan mula sakanyang likuran. Kaya lumingon sya sa pinagiwanan nya kay Scott. At unti-unting nanlaki ang mga mata nya nung makita ang sasakyan nito na handa na banggain ang building kung nasaan ang dorm nya!
"Hoy! Anong binabalak mo?!"-sigaw ni Skyler saka dali-daling pumunta sa sasakyan ni Scott at pinagpapalo ang bintana.
"Buksan mong tong bitana ng kotse mo! Anong gagawin mo?! Scott Dela Vega!"-kalampag parin ni Skyler sa bintana nung sasakyan ni Scott parang mababasag pa ata nya ito.
Humina naman ang makina nung sasakyan ni Scott at binuksan nito ang bintana.
"Baliw ka ba?! Bakit mo babanggain yung building?!"-singhal na tanong nya dito. Nag simula na rin hingalin si Skyler dahil sa galit kay Scott. Lumingon sakanya si Scott at ang laki na naman ng ngisi nito sa mga labi. Gustong-gusto na burahin ni Skyler ang nakakainis na ngisi nito lagi sakanya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Skyler Perez [BL | Tagalog] HIATUS
RomanceGumuho ang mundo ni Scott Dela Vega nung malaman nyang hindi sya ang totoong anak ng kanyang kinalakihang Pamilya. Paano na ang kanyang mala buhay Prinsipe?! Paano na ang mga mamahalin nyang kotse?! Paano na ang dapat nyang mamanahin na kompanya at...