Epilogue

51 3 2
                                    

Ten Years Later

Nakatulala ako sa may garden, inaalala ang mga pangyayari sa buhay. Hindi ko aklaing mapupunta pala ako sa ganitong sitwasyon ngayon. It feels to good to be here. I feel blessed for what I have now. Hindi ko man ito ineexpect but still, I'm thankful for it.

"Hoy! Nag eemote ka nanaman? " Tapik sakin ni Nicole.

"Tsk, pabayaan mo nga ako. Sinusulit ko ang tahimik kong buhay hanggang nasa galaan pa yung dalawa. Mamaya babalik na yun at hindi na ako makakapag relax. " Saad ko at inirapan siya. She laugh.

"Gusto mo pala ng tahimik na buhay eh, bakit nag anak kapa? " Tatawa tawa nitong tanong. I groan.

"Dahil gusto ko at gusto niya. We want to build a family, it's not that stressful naman din na bantayan si Agenta pero syempre minsan I still need time to relax. " Sagot ko sa kaniya at sumandal sa upuan ko.

"Ay sus, whatever. " Irap nitong sagot. Napailing nalang ako.

Something had never change. Nicole still have her childish side.

Since the day I woke up from the hospital ten years ago, my life changes. Nakulong na si Claire dahil sa mga kasalanan na ginawa niya at si Emerald naman ay nasa mental hospital. She have an behavior and mental issues.

Binibisita ko siya minsan and she's getting better. Sadyang nabulag lang daw siya noon.  Naka graduate na din kaming mag babarkada.

Red is now a nurse, natupad na niya ang pangarap niya. Si Drake naman ay isang piloto. Sabrina is now a teacher, hindi ko inakalang magiging teacher yun dahil tamad yung pumasok. Si Kath ay naging psychologist. Aubrey is an engineer now and Christine is a lawyer. Iba iba na ang aming trabaho at buhay pero hindi parin namin nakakalimutan ang isa't isa.

"Mommy! " Rinig kong sigaw ng anak ko. Napatingin ako sa gawi nito. Nakuha niya talaga ang mata ng asawa ko. Ang buhok nito ay brown kagaya ng akin.

"Hi baby. " Bati ko dito at pinugpog ng halik ang kaniyang muka. She giggle at pilit iniiwas ang muka sa mga halik ko.

"Mommy stop it, I need to show you something ." She said between her laughs.

I pouted at tinawanan lang ako ng magaling kong anak bago tumakbo papasok ng bahay.

Napadako ang tingin ko sa lalaking papalapit saamin ni Nicole, may hawak itong supot na puti.

"Here! Dinalhan ka namin ng ice cream. " He said at iniabot sakin ang dala niya.

"Drake! Pinakain mo nanaman ng ice cream ang anak ko! " Saway ko sa kaniya. He held her hands up high at tumawa.

"I can't help it! She's too cute to resist. " Sagot nito. Nakasimangot akong napailing sa kaniya.

"Hay nako Drake, sinasabi ko sayo pag yan na hyper nanaman mamaya bubulabogin kita sa bahay nyo! " Banta ko dito. I heard him and Nicole laugh.

"Sorry na Xia baby... Ang cute lang kasi talaga niya. " Saad nito at niyakap ako. I roll my eyes at him.

"Mag tigil nga kayong dalawa! Jusko, nilalanggam ako. " Kantyaw ni Nicole samin.

"Pano ka hindi lalanggamin eh ang amos mo. Para kang bata kung kumain ng ice cream, mas malinis pa kumain si Agenta sayo eh!. " Saad ko dito. Nauna pa siyang kumain ng ice cream eh ako naman ang dinalhan.

"Talaga? Maamos? " Tanong nito at kinuha ang cellphone para gamiting salamin. Napailing nalang ako. I swear, mas bata pa to sa anak ko.

"Momma! Look what Daddy Drake bought me. " Rinig kong sigaw ng anak ko sa loob ng bahay. Napailing nalang ako at kumalas sa yakap ni Drake.

NOT ALL WE SEE IS TRUE {COMPLETE STORY}Where stories live. Discover now