Yhasmine's POV
"P'wede bang wag kayong haharang harang riyan? Kita niyo? Hindi ako makakuha, eh."
Inis kong sabi roon sa mga kalalakihang nakaharang sa ref rito sa 7/11. Paano ay nag tatawan pa sila at nag papansin roon sa mga grupo ng kababaihan malapit sakanila.
"Hindi kayo aalis? Babatukan ko mga utak ni'yo." banta ko pa roon, ayan at nag uunahan sa pag alis, inismiran ko pa sila ago ako kumuha ng mga alak roon sa ref.
Dumiretso ako roon sa hotel room na tinutuluyan ko.Hindi naman mabilis mahanap iyon dahil medyo tago ang lugay na 'yon lalo na sa syudad.Wala ako sa probinsya pero malayo ako sa syudad, mga nasa gilid gilid lang, gano'n.
Saan ako kumuha ng pera?Nag nakaw ako sa bangko, gipit, eh.
Joke lang. May card ako na nag uumapaw ang laman, saan galing? Kay Lolo.Simula bata ay iniipunan niya na raw 'to para sa'kin dahil balang araw ay kakailanganin ko raw. Nagagamit ko naman ngayon.Salamat po.
Dumaan ang ilang araw at natagpuan ko na lang ang sarili kong nag papakalunod sa problema kasama ang alak na kailan man hindi mawawala.
Hindi ako masaya. Hindi ako okay. Wala akong nararamdaman sa mga oras na 'to. I felt empty.
Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko, parang namamanhid ang buong pagka tao ko.
Nakaupo ako sa lapag habang nakasandal ang likod sa kama rito sa hotel room ko. Tumutungga ng alak kasabay nang pag iisip. Ano nang mangyayari sa buhay ko? Gayong narito na naman ako sa sitwasiyon na ito?
Sitwasiyon na wala akong maramdaman at ang tanging gusto ko lang ay alak? Mag paka lunod sa alak hanggang sa maka tulog. Iyon ang gawain ko noon, at hindi ako makapniwala na ginagawa ko ulit ngayon.
Mag kaiba ang dahilan pero iyong sakit ay nag uumapaw.
Kahit gusto kong sabihin lahat lahat.Ilabas lahat ng sama ng loob pero hindi ko kaya. Bukod roon ay may parte rin sa'king ayaw ko. Ewan ang gulo ko na naman.
Kinakailangan ko pang uminom ng sleeping pills sa tuwing hindi tumatalab sa'kin ang alak, makatulog lang.
Alin sa mga iyon ang una kong daramdamin? Iiyakan? At kagagalitan ng lubos? Ang dami nila. Parang sasabog ang ulo ko sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga bagay na iyon.
Hindi na naman ako masaya. Sa lahat nang ginagawa ko at nagawa ko hindi ko na alam kung masaya ba ako sa mga iyon, oh kahit manlang makaramdam ng tuwa? Hindi ko n naman maintindihan ang sarili ko. Naging masaya nga ba ako?
Karapatan ko namang malaman ang lahat, pero sana sinabi nila sa'king masasaktan ako ng ganito. Pakiramdam ko wala akong kakampi. Lahat sila nag sinungaling sa'kin.
Noong mga panahon na wala akong ibang inisip kung paano akong magiging top 1 at makaka kuha ng highest score na pamilya ko ang dahilan para lang maramdaman ko 'yong pag mamahal na pinararamdam nila kay Jase, nag mukha akong tanga dahil ang akala ko ay baka mas matalino at mas magalang lang si Jase kaya ganoon ang treatment nila sa'kin, lahat pala iyon ay iisa lang ang dahilan. Dahil anak ako sa labas.
Iyong mga pinakita nila sa'kin at pinaramdam na parte rin ako ng section nila ay hindi rin totoo. Iyong pinakita niya at pinaramdam sa'akin ay pulos kasinungalingan lang rin. Iisa lang rin ang dahilan. Galit sila kay Jase at dahil anak ako sa labas.
Hindi ko na alam kung sino pa ang mapag kakatiwalaan ko sa pumapaligid sa'kin. Lahat na lang pulos kasinungalingan.
Paano naman ako?
BINABASA MO ANG
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]
Teen FictionPaano kung ang tinuturing ni 'yong kaibigan ay hindi niyo pa lubos na kilala? Paano kung ang pinoprotektahan ni' yong kaibigan ay kayo dapat ang mag inggat sakaniya? Tunay nga bang kilala niyo na siya? What if she's just not you knows? Will you able...