Chapter 123

2.3K 143 43
                                    

Yhasmine's POV


Mabilis na lumipas ang buwan at december na, ilang araw na lang ay pasko na. Mabuti na lang at wala akong naging problema sa mga dumating na araw kaya payapa ang buhay ko. Christmas break kaya naman walang pasok at puro tambay lang ako sa bahay, minsan pag nabuburyo ay yinayaya ko si Von mag ride.


Malapit na ang pasko at masaya lahat ng nasa paligid ko, pero heto ako't hindi nakikihalubilo sakanila. Kumpleto kami rito sa bahay, narito si Lola.


"You won't help us here, Yhasmine?" nakangiting tanong ni Mama sa'kin pag kababa ko ng hagdan. Naroon sila nila Jase at Kuya Rach nag aayos ng christmas tree at ng iba pang decorations sa bahay, kulang na lang ay mag lagay sila rito ng snow sa sobrang excited nila.


"Ano ako bata?" inirapan ko siya at nilagpasan, pumunta ako sa kusina para uminom, nang kakausapin na ako ni Tita Rachelle ay umalis agad ako at lumabas ng bahay, roon ako sa bakuran tumambay at naupo, nag sindi rin ako ng sigarilyo at pinanonood ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan, iniisip kung may noche buena rin kaya ang mga ibon? 

Ano kayang handa nila? Uod o manok?


Napatingin ako sa pintuan nang makita ko si Jake na nag aayos roon ng karatulang nag sasabing merry christmas. Pinanood ko siya mainis roon sa pag kabit dahil nahihirapan siya, parang si Jase pag hindi magawa ang gustong gawin, mabilis mainis. Parang nakatingin tuloy ako kay Jase ngayon dahil simple lang ang suot niya ngayon.


Nitong nag daang buwan ay madalas na niya akong nginitian, nag tataka nga ako no'ng una dahil hindi ako sanay pero no'ng nasanay na ay pag nasa mood ako ay nginingitian ko siya pabalik, mukhang hindi tuloy ang divorce nila, ah? Mabuti naman.


Ilang minuto niya 'yong inayos bago nakabit at nilingon ang gawi ko, bahagya pang nanlaki ang mata niya dahil nakita ako, tinaasan ko lang siya ng kilay at pinag patuloy ang pag hipak ng sigarilyo.


"You're still smoking?" tanong niya sa'kin.


"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon? Ngumangata ng kendi?" pilosopo kong sagot at tinapakan ang upos ng sigarilyo ng maubos 'yon. Sumama ang mukha niya at tumalikod na, papasok na sa bahay pero nag salita ulit ako.


"Alam kong mahirap akong tanggapin para sa'yo pero salamat at isa ka sa bumuhay sa'kin. Pasensiya ka na sa mga pang babastos ko. Pasensiya ka na sa lahat ng ginawa ko at nagawa, hindi ako magbabago pero sisikapin kong maging magalang pag dating sayo." nag iwas ako ng tingin pero naramdaman ko naman ang pag harap niya sa'kin.


"It's okay. Napatawad na kita at tanggap na kita ngayon, hindi mo kailangang maging magalang sa harapan ko, alam kong sanay ka sa kung ano ka ngayon." nilingon ko siya at ang ganda ng ngiti niya, parang si Jase lang. Kung hindi lang mas malaki at may katandaan 'tong si Jake ay mapagkakamalan kong siya ang kapatid ko.


"Paano ba 'yan, naiilang na akong tawagin kang papa, hindi naman ikaw ang tatay ko."


"P'wede mo naman akong tawagin sa kung anong gusto mo, kung saan ka kumportable."


"Noted Jake."


Iniwan ko siya roong nakatulalala sa'kin, gulat sa narinig. Ngingiti ngiti akong pumasok sa loob pero nawala rin 'yon nang makasalubong ko ang kapatid kong malaki ang ngiti. Tinitigan ko siya ng pag katagal tagal at ganoon rin siya, anong trip nito sa buhay?


"Bumili ako ng paborito mong chocolate, sabay nating kainin." pinakita niya sa'kin ang madaming box na bitbit niya.


"Pakakainin mo ba ako ng diyabetis? Ibigay mo 'yan kay Kiel at Nica, mas matutuwa pa ako." naka ngisi kong sabi at tinapik ang balikat niya tsaka siya iniwan roon.


Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon