Yhasmine's POV
"You're awake and you didn't bother to call us."
Iyon na ang mataray na boses ng nag iisa kong ina dahil wala naman akong choice. Narito sila sa k'warto ko at kumpleto, kasama pa si Papa. Gising na rin si Khari matapos niyang matulog ng halos apat na oras, kanina pa umalis si Von, siya siguro nagbalita sa mga 'to na gising na ako. Ayoko pa naman sila harapin ngayon dahil alam kong sandamakmak ang mga itatanong nila sa akin dahil sa letseng dila ni Pula.
"Nandito naman na kayo." Naka ngiwi kong sagot habang nakaupo at hawak-hawak ang braso, namanhid dahil sa tagal na nakapatong ang ulo ni Khari roon.
"Funny, Yhasmine Ley, that is so funny of you." Sarkastikong sabi ni Kuya Rach.
"How are you, Anak?" Sabay na lumapit sa akin ang mga magulang ko.
"Sa rami niyong kini-kilalang magulang ko, hindi ko alam kung sinong una kong sasagutin at titignan." Napakamot ako ng batok. "Pero ayos naman na, hintayin ko na lang mag fully healed 'tong mga tahi ko para bakbakan na ulit." Naka-ngiti kong sagot, tinaas ko pa ang palad ko para makipag-apir pero tinignan lang nila ako ng masama.
"Ayos ka na talaga. Ngayon dahil hindi naman apektado 'yang bibig at dila mo, mag paliwanag ka sa amin." Ma-awtoridad na sabi ni Kuya Rach at naupo sa sofa, nagsi-upo nga sila roon, si Jase lang ang may kapal ng mukhang umupo sa paahan ko, sinamaan ko siya ng tingin pero hindi iyon naging dahilan para umalis siya roon, sa halip ay hinawakan niya pa ang paa ko at sinimulang i-masahe iyon at ngi-ngiti ngiti sa akin ang loko.
"Napanood niyo na 'yung video, need pa mag-explain? Kaintriga mga looks niyo sa akin, ha. Ano 'to Tonight with Sanchez Family?" napakamot ako sa leeg.
"H'wag mo akong pikunin, Yhasmine, ha. We're not joking here, we're talking about your murder." Seryoso na talagang sabi niya.
Maka-murder naman, sakit sa feelings.
"Anong murder?" Maang-maangan kong tanong, nakatingin sa mga kuko, kinukutkot ko iyon kahit hindi naman mahaba at walang hacienda roon.
"Tch, you don't get amnesia by just a random guy slicing your back, Yhasmine." Inirapan ako ni Kuya Rach.
Ano ako, cake? P'wede niya namang sabihin na 'samuraizing your back' instead slicing! Kung tratuhin naman ako nitong lalaki na ito!
Nag-e-exist ba ang word na "samuraizing"?
"Check mo nga kung may tumatagos na chocolate." Tumagilid ako para makita ni Jase ang likod ko, sabay naman kaming tumawa.
"Gosh, Hija stop joking around. You almost died there!" Nag aalalang sita ni Tita Rachelle kaya naman ngumuso na lang ako at umayos ng p'westo."You could have just push him off instead facing your back to him, Anak." Hinilot niya ang sentido.
Eh, bakit ba. Main charater things nga kasi.
"Prolly, she thinks she's a main character." Irap ni Kuya Rach.
"Talaga! K'wento ko 'to, eh." Irap ko rin sakaniya.
"Hindi ka talaga maka-usap nang maayos, kahit kalian kang bata ka." Napapakamot na rin ng patilya si Mama.
"Hahahaha! Anak ko 'yan, eh." Nag-fist bump pa kami ni Papa dahil nasa gilid din pala siya ni Jase.
"Tatay kita, eh!" Nakipag-apir pa ako sakaniya.
"Kapatid ko 'to, eh! Hahahaha!" Nagyakapan naman kaming tatlo nila Jase.
"I am just thankful that you survived. Pero sana naman bawasan mo ang pangga-gago mo sa amin, Yhasmine Ley." Dinuro pa ako ni Kuya Rach, pinalo naman ni Jake ang daliri niya.
BINABASA MO ANG
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]
Teen FictionPaano kung ang tinuturing ni 'yong kaibigan ay hindi niyo pa lubos na kilala? Paano kung ang pinoprotektahan ni' yong kaibigan ay kayo dapat ang mag inggat sakaniya? Tunay nga bang kilala niyo na siya? What if she's just not you knows? Will you able...