Chapter 121

2.2K 137 25
                                    

Yhasmine's POV



Napahawak ako sa ulo ko pagka gising. Sakit ampota. Nang subukan kong tumayo at mag lakad ay umiikot ang paningin ko ayon at bumagsak ako, muntikan pang tumama ang ulo ko roon sa kanto ng mesa.



Pumikit muna ako ng ilang minuto bago ibuka ang mata, ayon ayos na hehe. Dumretso ako sa banyo para maligo, mahismasmasan man lang ba.



Habang nag pupunas ng buhok ay napatitig ako sa sarili ko roon sa salamin sa harapan.



Napangisi ako nang maalala ko ang kagabi. Sinabi ko ba talaga 'yon habang umiiyak? Sa harapan niya pa? Nakakahiya.



Tita Ivy.



Ang tagal kong hinintay na pahintulutan mo ako na tawagin ka niyan. Nasanay ako sa President. Nakakatawa nga lang dahil noong mga panahong inaasam at iniisip ko kung kailan ko siya matatawag niyan ay puro 'President', ngayong wala na kami ng anak niyo ay tsaka niyo lang ako binigyan ng karapatan.



Hindi naman siya naging masama sa'kin pero hindi siya naging mabuti, mabait? P'wede pa. Noon ilang beses niya akong tinulungan. Napangiti ako nang maalala ko 'yong pinag bintangan akong nag nakaw ng bubble gum sa mini market, pinakulong pa ako, parang tanga. Pero tinubos ano no'n ni Tita Ivy sa police station tapos sabay naming binalikan 'yong may ari ng mini market. Grabe yung banta na sinabi niya roon, hanggang ngayon nga ay iniisip ko kung tinotoo niya ba 'yon o tinakot niya lang.



Mapuntahan nga pag may free time, sisiguraduhin ko lang, at kapag naroon pa 'yon bibilhin ko lahat hindi lang bubble gum at siya pa ang ipapakulong ko kapag nag kulang ang stocks niya.



Anong learn to forgive and forget, gumanti ka tanga.



Hindi uso sa'kin ang patawad lalo na kung mali ang binintang sa'kin noh. Madalas kaya akong pag bintangan sa mga hindi ko naman ginagawa, na bad shot tuloy ako sa pamilya ni Von. Pag bintangan ba naman akong binugbog ko 'yong muntikan ng ma-rape noon? Tapos ako pa ang binalikan ng mga kaibigan? Makita ko lang ulit ang mataba na 'yon ay nako, humanda siya dahil malapit na ang disyembre, magiging litson siya sa noche buena, sinasabi ko sa'yo.



Si Von naman, hindi naman siya na bad shot kila Tita at Tito, as long as uuwi akong buhay kahit sugatan galing bakbakan okay raw 'yon. Kaysa naman raw sugatan na nga hindi pa humihinga. Pero talagang may sama kami ng loob kay Kuya Rach noon eh, lalo na ngayon at nalaman ko ang pinag gagawa niya kay Von. Kaya pala biglang bait at todo alaga sa'kin noong mag hiwalay kami ni Von. Ano kayang dahilan no'n?



Halos sampalin ko ang sarili kong mukha nang may pumasok sa loob ng mata ko na hibla ng buhok! Tama nga sila, masyado ng mahaba ang buhok ko. Paano ay hindi ko na 'to ginupitan noong iwan ako ni Von. Kumuha ako ng gunting at ginupit ang buhok ko hanggang sa umikli. Parang apple cut na may pag ka wolf cut 'yon, katulad ng gupit ko noon.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon