Chapter 133

2.6K 162 98
                                    

Wala akong ginagawa ngayon kaya nasingit kong I-edit 'tong chap. Although katatapos ko lang gumawa sa ilang subs and may binigay na new assignment ang Math teacher namin, na kaya pa namang mag UD haha!

Yhasmine's POV

"Kailan ka ba mawawala? Ang pangit mo sa leeg ko, eh."

Pag kausap ko roon sa sugat ko sa leeg, narito ako sa banyo, katatapos lang maligo at ginagamot ang leeg ko. Inaalala kung paano ko 'tong nakuha. Ang dilim kasi no'n kaya nabigla ako, na daplisan tuloy, tsk.

Binagsak ko ang katawan sa kama, nakatitig sa kisame. Ang aga aga ko magisingm hindi naman ako papasok. Ang M&M ay binabantayan si Khari roon sa hospital kaya ilang araw na silang hindi pumapasok, kung papasok ako, ano namang gagawin ko roon, kausapin ang mga upuan at utusang silang maging lamesa?

"Ay gago," mabilis akong napabangon nang maalala ko ang petsa, halos malaglag ako sa hagdanan makababa lang sa sala, agad akong dumiretso sa kusina at kumuha ng mga pagkain at naupo roon sa sofa, sa tapat ng malaking TV. Agad kong binuksan 'yon at pinunta sa ibang channel, buti na lang at mag sisimula pa lang.


Tahimik kong pinanood ang ibang players mag laro, nabulabog lang nang umupo si Kuya Rach sa tabi ko. Bagong ligo rin at tumutulo pa ang ilang butil ng tubig sa buhok niya, suot suot ang trausser black short at white t-shirt, kumuha pa ng cookies sa hawak hawak kong lalagyan.


"Ano, magaling na ba 'yang sugat mo sa leeg?" nilingon niya ako at may hinagis sa hita ko, pag tingin ko roon ay ointment para sa sugat.


"Tsk, pakialam mo. Hindi pa." irap ko at binalik ang tingin sa TV.


"Ang tanga mo naman kasi, alam mong tinatanggal ang parol, dumaan ka pa. 'Yan ang napapala ng hindi nag bubukas ng ilaw, sigarilyo pa, malapit ko ng gupitin 'yang nguso mo." sunod sunod niyang rebat, ang aga aga! Tumabi ba siya rito para sermonan ako?


"Nye nye nye." bulong ko pa, balak niya sana akong batrukan pero pinigilan ko siya. "H'wag kang magulo, nanonood ako." seryoso kong sabi.


"Yeana Morrigan Savarra representative of Philipines!"


Napangiti ako nang mag lakad sa gitna si Yeana at pumwesto, siya pala ang lalaban sa Olympics?


"Her sport was Archery?" ramdam ko ang paglingon niya sa akin.


"Oo, magaling pumana 'yan. Kahit patayin mo ang ilaw ay paniguradong tatamaan ka sa dibdib." naka ngisi kong sabi, iyon at ngiting ngiti siyang pinanood si Yeana sa screen ng TV. "Tinamaan ka na nga, eh." tawa ko pa, natawa rin siya. Luh ibang klase naman kiligin 'to? Hayaan na nga, first time ma in love, eh!


Muli akong nanood, napasuntok pa ako sa hangin nang tumama sa pinaka gitna ang palaso niya. Sunod sunod niyang inasinta ang board habang nag lalakad, nakapikit ang isang mata, umaasinta.


Nice, naka focus siya, nasa tutok. Seryoso kong pinanood at bawat tirang ginagawa niya, lahat sa gitna ng board ang punta ng palaso niya, walang kahirap hirap niyang tinapos iyon ng wala pang isang minuto. Saglit pa siyang ngumiti at kumaway sa camera bago naupo. Nahirapan ang iba niyang kalaban na maabutan ang score niya.


Nang lingunin ang katabi ko ay bumubulong bulong na siya, sinisiraan ang ibang kalaban ni Yeana. Kesyo raw hindi na nila maaubutan ang nakuhang score ni Yeana, na wala raw sila sa tutok, hindi raw sila marunong humawak ng pana. Napapa iling na lang ako, matindi talaga ang naging tama niya sa kaibigan ko, ah?


Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon