Yhasmine's POV
"I could never forgive that fucking bastard for doing this to you, Ley."
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nasisilaw sa liwanag. Nang mamulat ko ng tuluyan ay nakita ko si Khari, nakatalikod at namimintana, dahil doon ay nagawa ko siyang pagmasdan, nakasuot siya ng hospital clothes, hindi ko matawag na hospital gown dahil hindi naman iyon ang suot niya, 'yung parang terno na pajama ang suot niya, ah basta naka damit siya. Pero sinong Ley muna ang kausap niya roon sa bintana, eh nandito ako at nakahiga?
"May iba ka pa bang Yhasmine Ley na kausap diya'n, Boi?" Tanong ko at sinubukang umubo kaso ay nahihirapan ako. Agad siyang lumingon at nanlaki ang mga mata noong makita ako, agad siyang tumakbo at inalalayan kong maka-upo.
"L-Ley....You're awake now. Should I call the doctor? V-Von? Your parents? Jase?" Nag-panic na nga, napa-irap na lang ako sa bilis niyang mag salita.
"Kumalma ka nga, nag r-rap amputa." Sinamaan ko siya ng tingin at umayos ng upo, naglagay siya ng unan sa likuran ko kaya sumandal ako.
"S-Sorry, was I was too loud? I'm just happy that you're gising na, I didn't mean to....." Tinapalan ko ang bibig niya ng nadampot kong maliit na mansanas sa mesa.
Muli ko siyang inirapan, huminga naman siya ng malalim at tinanggal ang mansanas sa bibig tsaka umayos ng tayo. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko kaya naman ganoon din ang
ginawa ko sakaniya, wala na 'yung mga sugat sa mukha niya na huling kita ko ay nagdurugo pa. Kaunting pasa na lang sa mukha niya ang tanging nakikita ko."Should I call Von?" Tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.
"Bakit naman?" Nagsalubong ang kilay ko.
"Because he's the only person you only want to see sa mga ganitong pagkakataon, especially since you are awake now. Wait I'll call him...." Pahina nang pahina ang boses niya habang nagsasalita, dudukot pa sana siya sa bulsa niya, kaso ay wala naming bulsa ang suot niyang pajama kaya natawa ako sa aking isipan. "Ah, I didn't bring my phone with me pala, do they have a landline? Rito ko na lang siya i-call." Lumapit siya roon sa lamesa, kabilang gilid ng kama ko at magtitipa pa sana ngunit alam ko naman na hindi niya alam ang numero ng landline nila Von. "Do you know their number?" Halos hindi siya makatingin sa akin, muntikan ko pa ngang marinig ang boses niya.
"Tsk. Bakit ba si Von ang bukam bibig mo? Narito naman ang gusto kong makita." Seryoso kong sambit. "Nandito lang sa kwarto na 'to ang kailangan ko." Seryoso ko siyang tinignan at ganoon din naman siya, linipat ko ang tingin ko sa mesa kung saan may baso ng tubig, nakapatong doon ang kamay niyang may kaunting pasa rin.
"W-Water? You want water?" Kinuha niya iyon at inabot sa akin, kinuha ko naman at inubos ang laman tsaka binalik sa kinalalagyan noon. "I'll go ahead, Ley. Just call me when you want to see m---whaen you want to see whoever you want to see." Pilit siyang ngumiti at tumalikod, akmang lalakad na siya palayo kaya naman kahit nahihirapan at masakit igalaw ang katawan ko at yinakap ko siya mula sa likuran at hinilig ang ulo ko.
"Ikaw ang kailangan ko at ikaw ang gusto kong makita sa mga oras na 'to, ikaw lang, Khari Miles." Mahinang usal ko ngunit sapat na iyon para marinig niya. "Hindi si Von o kahit sino, ikaw lang, naiintindihan mo?" Naramdaman ko ang paghawak ng mga kamay niya sa mga braso kong nakapalupot sa baywang niya, yumuko siya at sunod-sunod na tumango kasabay noon ay naramdaman ko ang suno-suno na pagpatak ng mga luha niya sa mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]
Teen FictionPaano kung ang tinuturing ni 'yong kaibigan ay hindi niyo pa lubos na kilala? Paano kung ang pinoprotektahan ni' yong kaibigan ay kayo dapat ang mag inggat sakaniya? Tunay nga bang kilala niyo na siya? What if she's just not you knows? Will you able...