Yhasmine's POV
Mabilis na lumipas ang araw at pasko na, masaya ang lahat habang ako ay kumakaih lang ng noche buena. Ewan, i don't feel the excitement anymore the way i felt before.
Ibang iba na, eh. Madami na ang nag bago kasama na ro'n ang damdamin ko. Kung dati taon taon kong inaabangan ngayon hindi na. Kung dati halos maiyak ako sa kaka isip kung anong ire-regalo ko kay Jase, ngayon wala na akong pakialam, kuntento na ako sa prensensya nila.
Naroon sila sa sala at nag papalitan ng kani-kaniyang regalo, sumandal na lang ako sa pader at pinanood silang mga tuwang tuwa, narito pala si Lola, lagi naman siyang narito pag pasko at bagong taon.
"Merry Christmas Baby!" tumakbo si Jase sa p'westo ko, malaking ang ngiti at sinalubong ako ng yakap. Halos mawalan ako ng balanse sa lakas ng pag kakayakap niya, parang bata.
"Hmm, Merry Christmas." nag dalawang isip pa ako kung yayakapin ko siya pabalik, pero tinapik ko na lang nang ilang beses ang likod niya at humiwalay sa pag kakayakap niya.
"Nasaan ang regalo ni Kuya?" naka ngiti niyang tanong.
"Wala." nilagpasan ko siya kaya nawala ang ngiti niya. "Merry Christmas h-ho." iniwas ko agad ang tingin ko matapos kong batiin sila Tita Rachelle, dumiretso agad ako sa hagdanan para umakayat, nang makasalubong ko si Kuya Rach sa hagdanann ay nilagpasan ko siya at nag tuloy tuloy lan sa pag lalakad. Narinig ko pa ang pang aasar sakaniya ni Jase, na hindi ko raw binati si Kuya Rach habang siya ay yinakap ko pa, hindi yakao 'yon, parang tanga.
Naupo ako sa kama at may umagaw sa atensyon ko roon sa study table ko, isang box na naka gift rap. Kinuha ko 'yon at naupo sa kama, tinitigan 'yon, binasa ang letterro'n.
'Merry Christmas, Yhasmine.
Mahal ka namin.' Jake S.
Napangiti ako sa nabasa ko, he's really trying. Binuksan ko 'yon at nag salubong ang kilay ko, baril? Kinuha ko 'yon at ang bigat! Tinapat ko sa bintana at pinaputok, kaso apoy ang lumabas sa nguso ng baril, natatawa akong tinignan 'yon. Lighter ampota.
Kumuha ako ng sigarilyo at ginamit ang baril na 'yon pansindi, p'wede na panakot 'to sa mga bata.
Hindi naman sa ayokong makihalubilo sa baba. I just felt I'm not belong, ewan, sa ngayon ito ang nararamdaman ko, baka bukas hindi na, hindi ko alam.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, matapos kong mag ayos ay matagal kong tinignan ang sarili sa salamin, okay lang naman siguro 'tong suot ko, no?
Blue dress, hindi siya fitted, para siyang palda sa bandang ibaba at sando sa itaas, terno no'n ang suot kong heels, blue rin ang kulay, naka lugay rin ang buhok ko at nakapaharap 'yon. Sinubukan kong ngumiti p[ero nawala rin 'yon agad.
Hindi talaga bagay sa' kin ang mga ganitong damit.
BINABASA MO ANG
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]
Teen FictionPaano kung ang tinuturing ni 'yong kaibigan ay hindi niyo pa lubos na kilala? Paano kung ang pinoprotektahan ni' yong kaibigan ay kayo dapat ang mag inggat sakaniya? Tunay nga bang kilala niyo na siya? What if she's just not you knows? Will you able...