Chapter 148

405 14 1
                                    

Yhasmine's POV

Tatango-tango akong pinagmamasdan si Khari sa loob ng kwarto niya mula sa labas ng pinto niyon. Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang nakikipagtawanan sa M&M at kila Shiro, mukhang si Khari ang target nilang asarin.

"Siya 'yung bago mo?" Gulat ako napalingon sa nag salita, si Erin.

"Ano?" Paglilinaw ko.

"Siya ba kako 'yung ipinalit mo kay Von? 'Yang naka-upo sa hospital bed. Siya 'yon 'no?" Mapanukso niya akong tinignan at saglit pang tinusok ang tagiliran ko!

"A-Ano ba?!" Naglakad ako papalayo dahil baka marinig nila ako, sinundan niya naman ako habang nang-aasar pa rin ang mga mata kung makatingin sa akin.

"Naka-moved on ka na pala, eh! Apir!" Aya niya pa. Naiwan sa ere ang palad niya dahil nilagpasan ko siya at pumasok sa kwarto ko. "Oh? Parang hindi ka naman masaya na nakausad ka na sa first love mo?" Naupo sita sa sofa habang ako ay sa hospital bed ko.

"Hindi ko alam, Erin. Pakiramdam ko ay may kulang." Bumuntong hininga ako.

"Kulang?"

"Oo. Hindi ko alam kung sa isip o sa puso ko ba nagmumula 'yon. Pero masaya ako dahil hindi ko inakalang makakausad pala ako."

"Hindi ka masaya sa paningin ko, Yhasmine."

"Hmm, marahil nga hindi ngunit may saya talaga akong nararamdaman. At sigurado akong gusto ko siyang makasama sa isang relasyon."

"Yhasmine......"

"Ang buong akala ko ay panghabang buhay na ang sakit na natamo ko noong gabing iwan ako ni Von. Ngunit noong masaksihan ko kung paano akong ipagpalaban ni Khari sa sariling ama ay kakaiba ang aking naramdaman."

"Ipinaglaban ka rin naman ni Von sa ama niya, buong angkan pa nga, eh."

"Tsk, Magkaiba sila ng dahilan. Ayaw sa akin ng pamilya ni Von, at gusto naman akong patayin ng ama ni Khari. Kay malas ko naman, sawing palad ba ako sa pag-ibig kaya nararanasan ko ito?"

"Huwag ka na lang kaya mag jowa?"

"Tsk, kung p'wede lang. Pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman nito." Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ang puso. "At kung sinong iniisip nito." Tinuro ko naman ang ulo ko kung nasaan ang utak.

"Wala ka ng nararamdaman para kay Von?" Seryosong tanong niya, iimik pa lang ako nang masalita siyang muli. "Huwag mo akong sagutin ng wala na dahil hindi tutugma iyon sa ikinilos mo noong nakaraan."

"Erin....."

"Si Von ang lakas at kahinaan mo, Yhasmine. Hindi ko masasabing noon 'yon dahil nasaksihan ng mga mata ko kung paano kang nagmakaawa kay Pula noong araw na 'yon. Sabihin na nating nakasanayan mo, pero p'wede mong pigilan ang sarili mo dahil alam mo na may iba ka na." Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. "Naguguluhan ka ba sa nararamdaman mo, Yhasmine?" Hindi ako naka-imik sa tanong niya.

"Hindi ko talaga alam. May pakiramdam lang talaga akong may kulang." Yumuko ako.

"Ano ba kasing kulang? Saan may kulang?" Nauubusan na yata ng pasensya ang kausap ko.

"Sa dahilan ni Von noong nakipaghiwalay siya sa akin. At ang mga sinabi niyang dahilang noong magkita kaming muli. Pakiramdam ko ay hindi kumpleto ang mga sinabi niya kaya hanggang ngayon ay nararamdaman ko 'to, mahirap ipaliwanag."

"Nanghihinayang ka lang sa relasyon niyo, Yhasmine 'yun 'yon. Wala ng iba, nanghihinayang ka lang talaga." Mabilis niyang sagot.

"Sa tingin mo?"

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon