DROPPED OUT
Ajax Draven's POV
12:09 pm na nang magising ako kinabukasan. Dalawang subject ang hindi ko napasukan ngayong umaga. Matapos kasi ng isa kong target kahapon ay may lumitaw muli na siyam pang mga target sa magkakaibang oras at magkakalayong lugar. Umaga na nang makarating ako sa bahay at tila binawian ako kaagad ng ulirat nang humiga ako sa kama.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, bago tuluyang tumayo para maghanda na sa pagpasok. May tatlong subjects pa naman ako ngayong hapon at balak kong pasukan na lahat dahil maaring anumang araw ay makatanggap na ako ng expulsion dahil sa absences at continuous late attendance ko.
Nakapikit ako habang dumadaloy sa balat ko ang tubig na nagmumula sa shower. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi pa rin ako kumakain ng maayos na meal simula noong isang araw. Halos napapabayaan ko na rin pati ang kalusugan ko dahil sa responsibilidad na iniatang sa akin ni Thanatos. Nakakapagod pagsabay-sabayin ang iba't ibang mga bagay lalo na't pare-pareho itong mahalaga para sa akin.
Tinapos ko na ang paliligo at agad na nagbihis. Nagpalaman lang ako ng peanut butter sa dalawang slices ng tinapay bago lumabas ng bahay. Tila ba nagiging tulugan ko na lamang ang bahay na ito dahil halos sa gabi na lamang ako umuuwi rito. Mas matagal pa nga ang oras na iginugugol ko sa labas ng bahay kaysa rito.
Madilim ang kalangitan sa mga oras na 'to. Tila ba nagbabadya ng isang malakas na pag-ulan. Malakas at malamig din ang ihip ng hangin. Parang hindi magandang pangitain ang isang 'to.
Ipinagpatuloy ko lamang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang gate ng school. Nag-uuwian na ngayon ang ibang estudyante at ang iba ay ngayon pa lamang papasok sa paaralan.
Nang akmang tatapak na ako sa loob ng school ay nakaramdam ako ng isang malakas na pwersa mula sa kanan ko. What in the underworld...
Napapikit na lamang ako dahil sa inis at lumingon sa direksyong pinanggagalingan nito. Isang pulang pisi ang bumungad sa akin. Mapulang-mapula na ito kaya kailangan nang putulin.
Lumiko na ako at tinakbo ang daan patungo sa nagmamay-ari ng string. Walang hiya, absent na naman ako. Sawang-sawa na akong gumawa ng excuse letters. Halos lahat ata ng pwedeng excuse ay nailagay ko na.
I saw a girl on the street, bathing in her own blood coming out from multiple stab wounds on her chest. I quickly summoned the sword and did what I was bound to do. After a flawless accomplishment, I returned to my tracks.
I looked at my school through the gates. I will surely miss this. A sigh once again escaped my mouth before I turned my back against it.
Pumunta ako sa pinakamalapit na computer shop at pumikit para mapagdesisyunan nang maayos ang bagay na gagawin ko. Isang sign lang ang hinihingi ko...
Like I was heard by someone, a cold gust of wind enveloped me. That's it. I'm doing this.
I typed a formal letter, and once again, I found myself standing outside the school gates. This time, I entered the school and headed towards the room of our faculty head. Kumatok ako nang ilang beses bago bumukas ang pinto ng office. Laking-gulat ko nang makita si Aliyah na nakaupo sa harap ng table nito.
"Good afternoon, Mister. What brings you here?"
"Good afternoon, Ma'am. I'm just here to drop something." Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin.
"Which is?"
'My subjects,' sagot ko sa isip ko. I handed her the envelope which she gladly accepted. Nang buksan niya ito ay napataas nang bahagya ang kilay niya.
"I'm leaving school, I'm dropping out."
"Very well. You two can go. That realm needs you more," she said and winked. Huh?
Naguguluhan man sa huling sinabi niya ay lumabas na ako ng office. I should just head to the Stellars Quarters, wala pa naman akong target sa ngayon. I need to read books from their exclusive library. Sasabay na lamang siguro ako kay Aliyah dahil doon din naman siya pupunta.
Pagpasok ko ng sasakyan ay nagulat ako nang makita ang iba pang stellars sa loob.
"It's good that the two of you are here already. We need to get Ajax registered officially to the ministry. We also need to attend the annual gracing ceremony." Akala ko ba ay kidlat ang kapangyarihan ng isang 'to? Bakit parang yelo sa lamig boses niya?
Pero ano raw? Gracing ceremony?
"Yearly, each group of demigods are rewarded by their accumulated points throughout the entire year, called merits. Merits can be gained by doing missions for the gods and for the ministry, like clearing domains, killing monsters, searching for something or someone, or even exploring the underworld. The three groups on top of the ranking receive better rewards from the ministry. Last year, we received this high-tech car from them, since we ranked first," Aliyah explained.
"Not only this ranking, we will also be given our pins indicating our individual rank. There are three classifications: Alpha, Beta, and Gamma. Tatlo lamang sila pero may iba't ibang levels ang bawat isa sa mga 'yan. Mayroong apat na levels sa Gamma—Gamma, Gamma I, Gamma II, Gamma III. Tatlo naman para sa Beta at Alpha. Gamma III ang pinakamababang rank na pwede mong makuha sa ranking, Alpha naman ang pinakamataas," dagdag ni Aidan sa mga ipinaliwanag ni Aliyah.
"I was ranked Beta II last year, Ali, Dillon, and Aidan was Beta I, while Deion was in Alpha II. They were so amazing!" Nakangiti si Eliora habang ipinapakita ang kulay silver na pin sa akin.
"Isa pa pala, ang tunay na ibig sabihin ng gracing ay ang pagtanggap mo ng graces or blessings galing sa parent god mo. Pwede kang bigyan ng pang-enhance ng blade mo, ng pera, o kaya naman ay kung anumang maisipan ng deity mo." Napatango na lamang ako. May magiging source naman pala ako ng pera. Wala na akong poproblemahin sa future ko.
"Fix yourselves. We're near." Katulad ng utos niya ay inayos ko na lamang ang damit ko.
Isang mamahaling restaurant ang tumambad sa akin nang makalabas ako ng sasakyan. Sa unang tingin pa lamang ay alam ko na kaagad na hindi ako nababagay rito. Mukha itong mamahalin ngunit bukod doon ay hindi naman ito mukhang kakaiba. Sigurado ba sila sa lugar na 'to?
Nang makapasok kami sa loob ay isang waiter ang sumalubong sa amin. "Did you reserve a table, Sir?"
Deion nodded. "May I ask which?"
"D80."
Huh? Umaabot ng 80 ang tables sa lugar na 'to?
Laking gulat ko nang sumilay ang ngiti sa labi ng waiter. "This way, Sir."
Sinundan namin ang lalaki hanggang sa marating namin ang second floor, ang floor for VIP reservations.
"That means deity, Ajax. A code we use to get there," bulong sa akin ni Eliora. Ah, kaya.
Tumigil ang waiter at binuksan ang pinto para sa amin. Nang pumasok kami sa loob ay tila pumasok kami sa ibang dimensyon. Nagbago ang paligid at ngayon ay narito kami sa isang Greek Hall na may nagtataasang columns. Mukha itong isang hotel na greek design ang interior.
The white marbled floor is almost glimmering because of the soft rays the sun above was emitting through the glass roof. There were stone pillars on each corner with fire dancing atop. Patterns and pictures were carved on the walls like they tell stories from Greek history. On the left and right side, twelve stone statues were standing. Their names written in Greek alphabet were engraved on the gold plate beneath them.
Isang babaeng nakasuot ng isang white chiton ang umakyat sa harap ng stage. Nakapatong sa ulo niya ang isang gintong wreath.
"Ang ganda talaga ni Madam Yvii ano? Ang fresh talaga niya!" komento ni Eliora.
"Good day, demigods! I am Yvii Mendez, an indirect descendant of Apollo. Today, we will celebrate the 213th annual gracing ceremony!" masiglang panimula ng babae.
"Starting off with the group rankings. The group who got a total merit score of 9823 and placed 93rd..."
⚔
BINABASA MO ANG
Unsheathe
Fantasy⚔ ONGOING ⚔ "Unleash your power through your sword." Ajax Draven is an orphan. His mother died seven years ago and his father, he doesn't know. He lived a normal life, he was normal, after all. That's what he thought all along. However, one night...