Chapter 40

42 1 1
                                    

PEAK

Ajax Draven's POV

"Let her go," Deion's voice echoed through the room. I know it was him. The moment he stepped inside this building, I know it was him. Kahit hindi ako tumalikod para tingnan siya, alam kong siya 'yon. Presensya lamang naman niya ang kakaiba para sa akin.

I stifled a laugh as I tightened the rope to restrain the mayor of this villa. "You mean, I should let the serial murderer go?" Why was he bothered again? What happened this time? He can solve this case within half a day if he wasn't. I sighed silently, fighting the urge to look back at him. I know that once I did that, I would not be turning back, and I can't. Because first of all, I am still on the search list. Kung tama ang pagkakarinig ko'y tumaas pa nga ang bounty ko. Isang bilyon? Ganoon na ako kaimportante sa realm na 'to?

"You're a descendant of the goddess of wisdom, you should figure it out. Listen, son of Zeus."

When I heard several footsteps approaching the room, I quickly summoned the portal to my hideout.

I missed them. I miss Deion...but I can't. Not for now. I still have a lot to learn, and I still have to deal with a lot of things. I need to train, because not long from now, I will be fighting, and I can't afford to lose. Because if I do, who would protect them?

"You're back," Atropos said, as gentle as the wind. Her purple eyes were focused on the cloth she was weaving.

"Opo, tapos ko na e. Ang tanga kasi nung siren, hindi man lang itinago ang masangsang niyang amoy," sabi ko pa at para bang nandiri ako nang maalala ang naamoy ko kanina noong marating ko ang office niya. Mabuti na nga lang din at nauna kong nalaman ang mga bahay na target niya ngayong gabi. Kasi kung hindi, mayroon na namang mga taong mamamatay na hindi pa dapat mamatay. Mula noon pa man ay salot na sa buhay ko iyang mga siren na 'yan.

"Nakita mo siya. Kinilig ba ang tumbong mo?" Dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang pag-angat ng dugo ko sa mga tainga at pisngi ko. "La, kung anu-ano na namang sinasabi mo. Isusumbong kita kay Thanatos e."

"Huwag mo nang itanggi sa akin. Alam mong alam ko kung nasaan ang dulo ng thread mo, apo." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. E kung busalan ko rin kaya siya para tumahimik muna siya? Pero sa totoo lang, sobrang miss ko na sila, sobrang miss ko na siya. Kanina nga ay sobra ang pagpipigil na ginawa ko para lang hindi tumakbo papunta sa kanya. Gustong-gusto ko nang tanggalin ang mask na suot ko pero ayoko pang mabuko kami. Hindi maaaring mabulilyaso ang plano namin. Tsaka sa ngayon, sapat na sa akin ang makita silang ligtas.

Maraming beses na akong nagmasid sa kanila at tinutulungan sila nang palihim sa tuwing natatapos ko nang maaga ang responsibility ko bilang anak ni Thanatos. Maraming beses ko na rin silang iniligtas sa mga panganib na lingid sa kaalaman nila. Hindi ko man sila nakakasama ay gusto ko pa rin silang maprotektahan sa mga paraang alam ko. Mukha namang nag-i-improve sila lalo. At kung nakakatakot sila noong makipaglaban e mas nakakatakot na sila ngayon. Parang humihinga na lamang sila tuwing nakikipaglaban at para bang ang bilis na lamang sa kanila na tumalo ng kalaban.

Sana pagkatapos ng lahat ng ito'y hindi pa ako nawawala sa isipan nila. Sana ay kilala pa nila ako.

Narito ako ngayon sa bahay ni Atropos. Dito siya naninirahan mag-isa, at umaalis lamang siya para sa trabaho niya bilang isa sa mga moirai.

Two months have already passed, and I can say that I have changed. Not only physically, but also demigodly. Huh? May ganoon ba? Pero totoong maraming nagbago sa akin. Naramdaman ko ang paglakas ng kapangyarihan ko, gayundin ang paglakas ng katawan ko.

Marami akong pinagdaanan na mabibigat na training mula kay Atropos at kung minsan ay kay Thanatos. Silang dalawa ang kasama ko simula noong makalabas ako sa dungeon. Hindi ko makakalimutan ang pagpapanggap nila sa ministry para maitakas ako sa nakakamuhing lugar na iyon. Puro demonyo ang tao sa lugar na iyon, lalong-lalo na iyong minister. Hinding-hindi ko rin makakalimutan ang mga ngiti niya habang walang habas akong hinahaplit ng latigo sa likuran. Sa tuwing naaalala ko iyo'y nagngingitngit ako sa galit.

UnsheatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon