RED, YELLOW, GREEN
Ajax Draven's POV
"Where are we really headed? This looks like an endless forest," reklamo ko. Kanina pa kasi kami nasa loob ng gubat na 'to. Sobrang liblib naman pala ng bahay ng fates, tapos parang mali-mali pa 'yung coordinates na binigay ng ministry. Buhay nga naman, oo, parang nananadya.
"We don't have much signal here. Wala akong ma-contact sa kanila," pagbibigay-alam ni Ali.
Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ang sasakyan. "Let's ask the members of that household." Lumabas si Deion sa sasakyan kaya't ganoon din ang ginawa ko. Tumambad sa amin ang isang lumang bahay na nasa loob ng isang kinakalawang na gate. It was a house made of old red bricks. The roof is dark brown in color, and I have no idea what was that made of.
Pinindot ni Deion ang doorbell at hindi rin nagtagal ay bumukas ang gate. Tila umiingit-ingit pa ang metal habang bumubukas ito. Akala ko ay katulad ito ng base ng Stellars noong una kong nakita, ngunit luma na pala talaga ang bahay.
Hindi pa man kami kumakatok ay bumukas na kaagad ang pinto ng bahay. Walang ibang nakalagay sa loob ng madilim na bahay bukod sa isang mesa na nasa gitna. Wala ring taong narito. Sinubukan ko nang i-activate ang ability ko ngunit wala talaga akong nakita. Safe kaya ang bahay na ito?
Kumuha ako ng flashlight at tinanglawan ang loob ng bahay. Puro kulay itim ang mga kurtina sa loob at nakasarado pa ang lahat ng ito kaya't walang liwanag na pumapasok sa loob. Malinis naman ang loob nito at parang mayroon ngang nakatira dahil walang alikabok o mga agiw man lang sa loob.
Nang makalapit kami sa mesa ay biglang umilaw ang dalawang kandila na nasa magkabilang gilid nito. Kasabay nitong umilaw ang ang mga linyang nakaukit sa surface. The lines formed a grid. There are sixteen grids in total. Ano namang gagawin namin dito? Improved XOX game ba 'to?
Pumunta sa kabilang side ng table si Aliyah at pinadaan ang kamay sa surface ng table. Mula roon ay umilaw ang grids at bigla na lamang lumitaw sa mga ito ang numbers. Halos lahat ay nagkaroon ng numbers, pwera sa isa—ang lowest, rightmost grid. Mayroon ding tatlong dots na umiilaw sa taas ng grid. Puzzle ba ang isang 'to? Ano ang dots na 'yun?
Hindi naman ako descendant ni Athena, siguro naman ay hindi ako magiging disappointment kung hindi ko ito sasagutan. Isa lamang naman akong hamak na demigod na anak ni Thanatos. God of wisdom ba ang ama ko? Hindi. Kaya hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko para magsagot nitong palaisipan na 'to.
"Dei, ikaw na 'to," naiiling na sabi ni Aliyah. Deion only shrugged and observed the numbers on each grid. He crossed his arms for a few seconds while squinting his eyes. Parang nakapikit na ang isang 'to dahil sa ginagawa niya. May nakikita pa kaya siya? Nakakunot na rin ang noo niya na para bang sobrang focused siya sa pag-iisip. Ako nga rin...
Paano ba 'to? Sigurado akong mathematical ang solving nito. Paniguradong may formula akong kailangang alamin para masagutan ito. Wala naman kasi akong makitang pattern sa horizontal at vertical orientation ng grids. 4, 6, 8—hindi naman pwedeng maging 10 ang kasunod dahil isang digit lamang kailangang ilagay.
BINABASA MO ANG
Unsheathe
Fantasia⚔ ONGOING ⚔ "Unleash your power through your sword." Ajax Draven is an orphan. His mother died seven years ago and his father, he doesn't know. He lived a normal life, he was normal, after all. That's what he thought all along. However, one night...