KILLING MELODY
Aidan Helios' POV
"Guys, here's what I found about the past case. My father wrote a paper about a dark magic that kills demigods in their sleep. He said that it already happened in the past, and it killed about four thousand people. It is basically a serial killing and murder case. It can even be considered a massacre. In the past, they called it the killing melody. Killing melody is a graceful song that is like a lullaby, but instead of leading people to sleep, this song leads people to their death," mahabang litanya ni Eliora na ngayon ay seryoso ang ekspresyon, hindi katulad ng normal niyang gamit.
"Nahuli naman daw ang pumapatay? Tsaka ano raw instrument ang ginamit?" tanong ko dahil interesado akong malaman ang kasong ito. Isa pa, kasama namin ngayon ang anak ni Aphrodite. Narito siya ngayon dahil bukod sa natatakot daw siya e pwede raw niya kaming matulungan.
"No. Until now, the perpetrators were not known. There were also no records of the main suspects of the past case. The paper said that the instrument sounds like a harp. However, none of them saw what the instrument looked like, but they heard it."
Nakuha ng case na ito ang atensyon naming lahat. Kanina pa namin ito pinag-uusapan. Hapon na ngayon at hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin kami tungkol sa details ng mission. Pinag-uusapan din namin ang mga nakalap naming impormasyon mula sa mga tao na tinanong namin kanina.
Dalawa ang bahay na inatake kagabi. Ang isa sa mga ito ay may limang miyembro, at ang isa naman ay dalawa. Mula sa dalawang bahay ay tigalawang tao lamang ang nakaligtas, ang iba ay nasawi na sa pagpatay. Ika nila, nagising sila bago sumapit ang alas dose ng hatinggabi. Pero noong sumapit daw ang alas dose, nagsimula raw tumunog ang isang instrumento na hindi raw nila alam kung ano. Pero malamlam daw ang musikang tinutugtog at para nga raw silang inihehele nito. Pero kasabay raw ng malumanay na tugtog e nagsimulang bangungutin ang iba nilang kasama sa bahay na tulog noong mga sandaling 'yon. Nagsisigaw raw ang mga ito at ang iba'y umiiyak at humihingi ng tulong. Pero isang minuto ang makalipas ay kumalma na raw sila. Kumalma sila pero tumigil na rin sila sa paghinga.
Ang dalawang nakaligtas ay parehong balisa at halos hindi na namin makausap sa mga oras na 'to kaya't minabuti muna namin na ihabilin sila sa head ng villa. Sino nga ba naman kasi ang mag-aakala na ang malumanay na musikang 'yon ay kasinglupit pala ng kamandag ng ahas? Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay. Isa lamang ang nawala sa akin pero parang gumuho na ang mundo ko, ano pa kaya ang nararamdaman noong isa na namatayan ng apat na kasama sa bahay?
It is already night time when the autopsy of the deceased victims were released. There were no wounds nor traces of chemicals and potions in their bodies. Wala raw kahit na anong galos ang mga biktima sa labas at loob kaya mas lalo lang tumindi ang suspicions namin na dulot nga ito ng dark magic na sinasabi ni Eliora.
"Tonight, we'll be patrolling the whole villa, the Stellars and the Pillars. Gaddiel, you can invite your teammates over here," sabi ni Deion.
"It's fine. I'll instruct them later about their roles. Ako na lang muna."
"There are four streets in this villa, and there are several houses on each street. Gaddiel, you cover Phase 1 and Phase 2, the rest would be on us. We can send three members for each villa, and when we find something, let us meet back here in the inn. If there's an emergency, send us a signal." Ibinigay na ni Deion ang designations ng dalawang grupo na sinang-ayunan din naman ng head ng Pillars na si Gaddiel, ang fiance ni Eli. Matapos nito ay nagpaalam na si Gaddiel at umalis na dahil bibigyan pa raw niya ng instructions ang members niya.
Si Deion naman ay nagpatuloy sa pagbibigay ng tasks sa amin. Nang matapos siya ay tumayo na rin siya at nagpaalam. "Prepare yourselves now, and meet everyone outside at exactly 11 o'clock."
BINABASA MO ANG
Unsheathe
Fantasy⚔ ONGOING ⚔ "Unleash your power through your sword." Ajax Draven is an orphan. His mother died seven years ago and his father, he doesn't know. He lived a normal life, he was normal, after all. That's what he thought all along. However, one night...