CHAPTER 14

75 1 3
                                    

As usual, hinatid ko si Zac sa school niya since sa Lunes ay may pasok na ako. Ngayong araw ay babalik ako ng JZN for my ID gaya ng sabi ni Ria. I wore my my nude colored short sleeve top, jeans, and a pair of nude court shoe heel which is transparent ang gilid nito.


Since it's still early, I called Nix to take have breakfast together kung hindi siya busy. Alam kong may dinner date kami sa Saturday but I just needed to see her and tell her my experience at JZN lalo nan a kaharap ko si Jigs. Buti naman at pumayag siya pero kung pwede raw eh sa malapit lang sa NCFMC, I agreed naman since it will be a 15-20 minute drive from NCFMC papuntang JZN.


Naalala ko na may isang maliit na café malapit sa NCFMC that sells good coffee and serves delicious breakfast meal. I texted her the name of the café and she agreed to meet me there. From Zac's school, I drove to the café. She was already inside when I came dahil nakita ko na agad siya habang kumakaway sa glass wall ng café.


Nang pumasok ako ay binigyan kami ng menu ng waiter. Nag-order ako ng isang latte at club sandwhich. Nix ordered brewed coffee and pasta. Hindi pa masyadong marami ang tao kaya mabilis dumating ang inorder namin.


I was telling Nix about the things that Jigs said to me yesterday at pawang kinikilig pa siya. "All this time he still remembers you. Ganoon siya ka-satisfied sa nangyari sa inyo kaya hindi ka niya makalimutan." Natatawa niyang komento. Hinablot ang ilang hibla ng buhok nito, gigil sa pinagsasabi.


She just laughed at me. "What? Your baby daddy is still interested in you." She remarked.


Binigyan ko siya ng isang matalim na titig. "Yang bibig mo talaga Nicole! Tapos ito pa, di ba nagksabay kami sa elevator. So syempre dahil sa pagpanic ko, sabi ko sa kanya na nilolook forward ko na makatrabaho siya. At di ko alam kung seryuso ba ako doon or nadala lang ako para hind imaging akward ang elevator ride na iyon?"


Nix laughed. "Aminin mo na kasi, bet mo pa rin naman siya. Hello, kaya nga may bunga eh. Ano sagot niya sa sinabi mo?" Again, I stared at her with sharp eyes. "Hindi siya sumagot sa loob at nangiti lang. Pero doon sa parking lot, habang nasa kotse niya siya, tumigil siya sa harap ko at sinabing, "Looking forward to working with you too." Sinasabi ko sayo, Nix, para akong lalamunin ng lupa."


Tawang tawa si Nicole sa sinabi ko. "Hindi ako maaaring magkamali, Luna. The baby daddy is still very interested in you."


I rolled my eyes at her. "You and your imagination, Nix. May girlfriend na yung tao, ano ka ba? At matagal na rin sila ah. Kaya huwag ka nang mag-imagine diyan."


I drank my coffee habang tinititigan ako ni Nix na puno ng malisya. "Selos ka?" Hinampas ko ang kanyang braso. "Napipikon na ako sayo, Nicole."


Isa na namang tawa ang pinakawalan niya. "Ikaw na rin nagsabi na sabi noong HR niyo, wag magpapaniwala sa media. Baka naman hindi rin totoo yung tungkol sa kanila ni Cassandra." Komento niya bago isinubo ang pasta.


Nagkibit balikat ako. "They're always together. Sa mga pictures, parang ang sweet sweet pa nila. Kung hindi magkahawak kamay, para namang maghahalikan na sa mga photos sa social media. Hay nako. And you know Jagger's reputation. He is the Casanova of the Navaltas, right?"

Endgame (The Navalta Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon