Chapter 11

7 0 0
                                    

Olivine's POV

"HAPPY BIRTHDAY PO!!"

Napatakip ako sa tenga sa sobrang lakas ng sigaw ni Loge at Khalie noong pinag buksan sila ng pinto ni Mama. Ang bunganga talaga ng dalawang to parang bulkan.

"Maraming salamat.....pasok kayo" agad na naunang pumasok si Loge na sinundan naman nila "Vine, ang mga kaibigan mo andito na" tawag ni Mama na para bang hindi ko narinig ang sigaw ng dalawa sa mga tinutukoy niya.

Lumabas ako ng kusina para salubungin sila. Si Psyche mukhang nahihiya dahil sa ginawang pag sigaw nung dalawa habang si Journey ay deretsong nag tungo lang sa dereksyon kung nasaan ako.

Kita kong iniabot ni Loge ang regalo nila kay Mama kaya napangiti ako, they're so thoughtful talaga. When Khalie turn her gaze to me nanlaki ang mga mata niya at oa na napatakip sa bibig kaya napapikit ako.

"Ang antaray! Tita akala ko ikaw ang may Birthday?" My mom laughed at her "Bhe tumatanggap ka ba ng magandang sister inlaw?" Dagdag niya.

Nasamid si kuya sa iniinom niyang juice habang ako ay nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya. Tinignan ko si Mama pero nakatingin lang siya sakin na may pag tataka ang mga mukha. Agad na siniko ni Eury si Khalie pero natawa lang ito at nag peace sign.

Sumingit naman sa usapan si Loge "Ahh...wag niyo na po siyang pansinin" pumalakpak ako para makuha ang atensyon nila.

"Kain na tayo!"

"Maaga po ata kami masyado, wala pa po yung mga bisita niyo?" Journey asked.

"Ay wag niyong intindihin yung mga bisita ko dahil mamaya maya nandito na rin sila. Kumain na kayo"

Iginaya na namin sila sa dining area para makakain na "Ganda mo today" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya "Today lang?"

"Yakult" kinunutan ko siya ng noo "Ano?" Tanong ko, ngumisi siya sakin.

"Everyday, okay" kumindat pa siya kaya natawa ako, Korni ng lalaking to.

Dahil tabi kami sa upuan, siniko ko siya "Anong pangarap mo?" Tanong ko, Kasi pwede siyang farmer ng maisan.

"Ikaw"

Sumimangot lang ako bago ibinaling sa iba ang atensyon, kita ko pa ang pag tingin ni Mama samin kaya awkward ko siyang nginitian.

"Kamusta ang pag aaral ninyo?"

"Ayos naman po, we're doing well in class po" si Psyche ang sumagot

Tahimik lang kaming kumakain ngunit paminsan minsan ay may nga bagay na napag kukwentuhan lalo na tungkol sakin dahil kakatransfer ko lang naman.

"Tita, pwede po ba kitang tawaging mama?" Agad akong nabulunan sa kinakain ko dahil sa tanong ni Loge, inabutan naman ako ng tubig ni Eury.

Siniko ko si Loge pero nginitian niya lang ako "Ano bang sinasabi mo?" Bulong ko "Kumain ka nangalang"

Natawa si Mama kaya gusto kong suntukin si Loge, baka kung ano na yung iniisip niya tungkol saming dalawa.

"Bakit? Boyfriend ka ba ni Vine?"

"Malay niyo po---aray!" Reklamo niya ng tapakan ko ang para niya, bwisit talaga ang isang to.

"Friends lang daw po sila tita, pero Kung ipipilit niyo po....." Tumikhim pa si Khalie "....pwede na daw po yung boyfriend" she even chuckled.

Napapailing nalang talaga ako sa magkapatid na to "May ipapakain ka ba sa anak ko?"

"Ma!" Reklamo ko pero hindi niya ako pinansin.

The Gem in Celestial CityWhere stories live. Discover now