Olivine's POV
"Game na?!" Sigaw ni Carl mula sa hindi kalayuan.
"In 3, 2, 1 Action!" Sigaw ko, They start to do their role while i'm here watching them quietly. Nag shu-shooting na kami for Music Video project at nasa kalagitnaan na kami.
I put a lot of efforts here so they need to do it well because this is the final retouch, edit nalang and we're done. Khalie is also here, watching at nag vivideo pa para pag tripan ang kapatid niya.
"Okay cut!"
Natigil sila at napatingin sakin "Break muna" tugon ko kaya nag hiyawan naman sila.
"Thankyou Boss Vine!" Natatawang tugon ni Mico kaya nginitian ko siya.
"Yeeey break time na, kainan na!" Tinignan ko si Khalie na excited habang kumukuha ng burger sa box kung saan nakalagay ang mga pagkain na inorder namin kanina.
Pabiro siyang siniko ni Loge nang magkatabi sila sa pag kuha "Hoy Alora kanina ka pa kain ng kain, akala mo ba hindi kita nakikita?"
"Hoy Luan, sino nag sabi sayong pwede mo 'kong tawagin sa first name ko ha? Gwapo lang ang pwede tumawag sakin ng ganon"
Napailing nalang ako at kumuha ng saakin bago mag punta sa hindi kalayuang pwesto, nadatnan ko ron si Shine na kumakain mag isa at malayo ang tingin. Tumabi ako sakanya pero hindi parin siya natitinag, malalim siguro ang iniisip.
"Ayos ka lang?"
Napatingin siya sakin.
"Ayos naman ako, Ikaw?"
Napatawa ako sa tanong niya, at bakit naman ako hindi magiging okay?
"Uhmm yeah, bakit naman hindi diba?" Sa pag kakataong ito siya naman ang natawa "Bakit?" Tanong ko pa.
"Hindi ka nasasaktan dahil may ka M.U na si Luan?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya at napaisip.
"Bakit naman ako masasaktan?"
"Hay Vine, sabihin mo nga sakin ano ba talaga kayo ni Luan?"
"Friends, friends kami" pahina ng pahina ang boses ko at hindi ko rin alam kung bakit, tumayo na siya at tinapik ako sa balikat bago umalis.
Sa totoo lang na we-weirdohan na rin ako sa sarili ko eh, hindi ko naman gusto si Loge pero nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko maipaliwanag, hindi ko rin ito mapag tuunan ng pansin dahil masyado akong maraming iniisip at inaasikaso, maybe next time.
Inubos ko na yung pagkain ko bago bumalik kung nasaan sila, kita ko si Khalie na nakikipag asaran kay Carl, Mico at Luan habang si Shine naman ay tahimik lang sa gilid at si Rine ay nag memake up.
"Carl, bakit tumatahol ang aso" Khalie asked, Carl think before answering it with another question "Bakit?"
Wala pa man sinasagot si Khalie ay tumatawa na agad si Loge kaya alam kong kalokohan lang yon.
"Kasi aso siya, hindi naman siguro siya tatahol kung hindi siya aso diba?"
Kung andito lang si Psyche alam ko na sasabihan niya "Wala ka talagang kwenta, Khalie" napatawa nalang din ako at tuluyang lumapit sakanila para makisali.
YOU ARE READING
The Gem in Celestial City
RomantizmHow do you value a gem? Did you tell someone that they are a real Gem for you? Like a beauty, durability and rarity. Are you willing to sacrifice everything and are you willing to fight the world just to save the gem in your own hands? "Yes" sagot...