8. Failed Escape

180 5 2
                                    

[ERYKKA]

SINILIP ko si Hazel mula sa bintana. Sabi niya may kotse daw na naghihintay sa kanya sa labas. Mula sa pwesto ko sa bintana sa second floor ay nakikita ko ang sinasabi niyang kotse. May tatak na S.E. na siyang initials ng Safar Estate. Lumabas si Hazel ng gate. Ilang sandali pa ay isinara niya ang gate at umalis na ang sasakyan.

Tamang-tama. Pagkakataon ko na para isakatuparan ang plano ko.

Nagbilang muna ako ng isang daan bago ako lumabas ng bitbit ang maleta at hand carry ko. Dahan-dahan akong naglakad tungo sa gate. Palinga-linga pa ako sa paligid kasi baka may makakita sa akin. Kung tutuusin, ang lapit lang ng gate mula sa pinto ng bahay. Kaso parang ang layo dahil sa nag-uunahang tibok ng puso ko. Gusto ko nang tumakbo kaso baka may makakita sa akin at mapagkamalan pa akong magnanakaw. Kaloka.

Iba ang hitsura ng gate nina Hazel kumpara sa gate kung saan una kong nakita si Matt. Ang gate nila Hazel ay gawa sa matibay na bakal na pinagdidikit-dikit. Walang rehas kaya imposibleng makita ang daan sa labas, pwera na lang kung kusang bubuksan iyon. Nabubuksan lang iyon mula sa loob gamit ang isang espesyal na susi. Fortunately, Hazel gave me a duplicate key. Mapapadali ang pagtakas ko.

Finally, narating ko ang gate nang matiwasay. Binuksan ko yung gate at sumilip ako sa labas. Mukhang wala namang tao. Nilingon ko muna ang bahay na pinanggalingan ko. Hindi na siguro ako makakabalik pa dito pagkatapos ng araw na ito. Babaunin ko na lang ang magagandang ala-ala sa lugar na ito. Sandali lang ako dito pero pakiramdam ko ay mami-miss ko ang bahay na naging kanlungan ko sa maikling panahon.

At si Matt.

I smiled at the bittersweet memories. Hindi pa ganoon katagal nang magkakilala kami. Pero parang tumatak na siya sa isip ko. But I have to be strong. Kahit pa pinapakaba niya ako nang bongga ay hindi pa rin sapat na dahilan iyon para manatili ako dito. His kisses are too intoxicating for my peace of mind. Nakakalimutan ko ang problema ko kapag hinahalikan na niya ako. Iyon ang hindi ko gusto.

Because I don't want to forget. Ayokong ma-sorpresa na lang ako isang araw dahil nahanap na ako ni Lauro. I can't let my guard down.

Besides, I don't belong here. These people doesn't deserve any trouble that would befall on them once they realize who I really am. They might be rich but Lauro is cunning. That's why I have to go.

Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang bakal na gate. Inilabas ko yung mga gamit ko bago ko isinara uli iyon. Awtomatikong nag-lock agad ang gate mula sa loob.

"Akala ko hindi ka pa lalabas. What took you so long?"

Halos mabali ang leeg ko dahil bigla akong lumingon sa pinanggalingan ng malumanay na boses na iyon. I gasped out loud when I saw a familiar face. To my horror, the voice belonged to none other than John Matthew Sandoval!

Nandoon siya sa isang sulok. Kampante pa siyang nakaupo sa hood ng sasakyan niya. The color of his Landcruiser seemed to blend with the background. Tila kasing-berde ng mga dahon sa paligid ang kulay ng sasakyan niya. Halos kasing-kulay din ng maalikabok na daan ang ang suot niyang polo. Pati ang suot niyang maong ay tila faded na rin. Pinaresan iyon ng sapatos na sa tingin ko ay pure leather.

'Yun siguro ang dahilan kung bakit hindi ko siya napansin agad. His car and his outfit served as a camouflage. Siguro kung nagkataong wala kami sa ganitong sitwasyon ay hahangaan ko siya sa kanyang fashion sense. May pagka-boring ang mga colors na pinili niya pero dahil marunong siyang magdala kaya mas lalo siyang naging kahanga-hanga sa paningin ko.

Oh no. Hindi ko siya dapat hinahangaan. I'm trying to get away from him, remember? Admiring him should be the last thing on my mind right now.

Tumikhim siya. I looked at him again. He was currently flipping the pages of the newspaper and by the looks of it, he might have been waiting for me to come out. I silently cursed him. How did he know I was planning to escape? Not even Hazel knew of my plans and yet, this man showed up at the exact moment just when I was leaving.

Once Upon A Twilight [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon