1. The Monster and The Lost Princes

346 11 0
                                    

[ERYKKA]

KANINA PA ako nagdu-doorbell sa gate ng malaking bahay na ito. Ito na daw ang bahay na hinahanap ko sabi ng napagtanungan kong babae kanina.  Ito daw ang Safar Estate. I may appear impatient but it's the least of my worries now. Ang mahalaga, makapagtago ako. At dito sa bahay na ito nakatira ang kaibigan kong si Hazel.

I met Hazel in New York noong nag-aaral pa lang ako doon kaya alam kong hindi siya kilala ng kapatid ko na si Lauro. No one would suspect na sa lugar na ito ako magtatago. I have enough cash from the bank so hindi ko na kailangang magwithdraw pa sa susunod na mga buwan. I've got everything covered. Ang hinihintay ko na lang mangyari ngayon ay ang pagbukas ng malaking gate na ito.

Kaso mapupudpod na yata ang mga daliri ko sa pagdoorbell ay wala pa ring lumalabas na tao. Ito na nga kaya ang Safar Estate? Base sa structure ng bahay ay masasabing medyo modern ito. Bago rin ang pintura. Sa itaas ng kulay kremang gate ay may malaking arch na kulay dalandan.

"Ano ba naman kayo? Bakit ayaw ninyo akong pagbuksan? Maawa naman kayo sa'ken!"

I really need to see Hazel as soon as possible. Malayo na ako sa Manila kaso hindi pa rin ako napapanatag. I still feel paranoid. I can't help but be suspicious of the people around me. Nag-aalala kasi ako na baka may makakakilala sa akin at ituturo ako sa kapatid ko. Maraming tauhan si Lauro. Maimpluwensiya din siya. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang impluwensiya niya pero mas mabuti nang nag-iingat ako. The longer I stay on the streets, the more I am in danger.

Nakausap ko si Hazel noong nakaraang araw. Siya ang nagbilin sa akin na baguhin ko ang image ko habang nasa biyahe ako. Pinagsuot niya ako ng black ankle-length na palda at red fitting blouse na hanggang siko ang manggas. Nagsuot rin ako ng black rimmed oversized eyeglasses. And to complete my getup, nagsuot ako ng isang kulay itim na kumbong, isang head scarf na ginagamit ng mga babaeng kabilang sa isang ethnic group na naninirahan malapit sa Safar Estate.   Para daw makapag-blend ako sa mga tao doon. Halos lahat kasi ng mga babaeng nakasalubong ko kanina sa daan ay ganoon ang suot. Hazel said it's the only way I can hide my identity. And I belived her.

I shivered when I felt the cool wind caress my body.

Bakit ba hindi sinabi ni Hazel na kasing-lamig pala ng Bagiuo itong lugar nila? Hindi man lang ako nakapagsuot ng jacket!

I sighed. Unti-unti nang nauubos ang pasensiya ko. Pagod ako sa byahe at restless pa ako. Sa inis ko ay sinipa ko ang gate na yari sa bakal.

"May kailangan ka ba Miss? Kung hysterical ka, sa ibang lugar ka na lang maghuramentado. Baka masira pa ang gate namin sa kasisipa mo."   

I jumped when I heard a man's voice. Na-trauma na siguro ako sa mga lalaki dahil sa pinagdaanan ko kaya automatic akong napa-defensive pose. Saka ko hinarap ang lalaking bigla na lang nagsalita. Nasa loob siya ng bakod ng Safar Estate.

I sighed in relief at smiled at him. May tao pala sa Safar Estate! Thank Goodness!

Kaso he didn't look happy to see me. In fact it was the complete opposite. He was looking at me so intently with a knot on his forehead.

I think nasa late twenties siya or early thirties. He was lean and tall. At makinis ang kulay kayumanggi niyang balat. And that face! Parang agad napawi ang pagod ko when I saw his handsome face. Sulit din pala ang pagbiyahe ko ng napakalayo kung ganito kaguwapo ang mukhang sasalubong sa akin. Saglit kong nakalimutan ang problema ko dahil sa guwapo niyang mukha. 

Bumaba pa ang tingin ko sa kabuuan niya. He was...sinfully gorgeous. It was as if I was marvelling at a precious masterpeice. 

"Naririnig mo ba ako?"

Once Upon A Twilight [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon