[MATTHEW]
Finally alam ko na ang pangalan niya. Erykka. Pangalan pa lang ay halatang palaban na siya. Obvious naman na iyon. She looked like she wanted to murder me right now.Ilang beses kong nahuli ang matatalim na tingin niya habang nagmamaneho ako ng golf cart. Mula sa tower ay tutuloy kami sa katatapos lang na Safar Hotel. Ang pinsan kong si Alec ang may hawak ng Safar Hotels and Country Clubs all over the country. Recently lang ay naisipan niyang magtayo ng private Hotel and country club dito sa Safar Estate. Habang ako naman ang may hawak ng Safar Zultan Holdings at Safar Realty Inc. I also handle a team of lawyers working for Safar.
Lahat kami ay may mga responsibilidad sa negosyo ng pamilya. Lahat kami ay may mga obligasyon although masasabi kong maswerte ako dahil buhay pa ang mga magulang ko. Ibig sabihin, I can still have fun while my dad is being grilled in the boardroom.
Pero malapit na ring magretiro si Papa. Kaya dapat naghahanap na ako ng paraan ngayon kung paano ko pagbabayarin si Lauro Montemayor dahil sa ginawa niya kay Olivia.
But before anything else, kailangan ko munang masiguro that this Erykka is not a threat to us. Mahirap nang magtiwala ngayon. Kahit pa kaibigan siya ni Jade ay hindi ko pa rin siya palalampasin. I need to have her background checked. Iyon ang unang-una kong ipapaalala kay Rasheed when I see him later.
Sa wakas ay narating namin ang hotel. Ipinagyayabang ng pinsang kong si Alec ang first class swimming pool sa rooftop ng hotel. At dahil siya ang Showoff King sa pamilya namin kaya inimbitahan niya kami na mag-swimming doon ngayon.
I was tempted to look at Eryyka when she got out of the golf cart. Mukhang kailangan ko ngang ibabad sa tubig ang sarili ko especially after that kiss we shared. What was I thinking? Hindi ko dapat ginawa iyon. Kaso nilait niya ako and kissing her was the only way to punish her wicked tongue.
What a hypocrite. She insulted me and yet she responded to my kisses. Talagang marunong siyang maglaro. Her presence disturbed me. Kailangan kong malaman kung ano ang tinatago niya. Hindi kasi ako naniniwalang gusto lang niyang magbakasyon kaya siya nandito. Ang dami namang magagandang lugar sa buong mundo, bakit dito pa?
One of these days, Eryyka, I will uncover your secret.
I just hope she would remain distant and cold. At sana kaya kong umiwas sa kanya. Dahil oras na nagkakadikit kami, sparks seem to be flying everywhere.
Lust. Iyon lang ang nararamdaman ko para kay Erykka. It's something I can control. Wala kaming nararamdamang attraction for each other. At kung gusto kong malaman ang sekreto ng babaeng iyon, then I should get used to my body's reaction whenever she was near.
Kaso, kahit pa ata ilang dipa ang pagitan namin, nararamdaman ko pa rin ang presence niya. Just like now. I can feel her staring at me just a few feet away. I met her gaze. Hindi nga ako nagkakamali. There she was again, giving me that hateful stare as if she loathed the ground I walked upon.
"Thanks for the ride, kuya. Sumunod ka sa amin ha?" Hazel told me nang makababa na siya.
"Uh, maybe later. Enjoy Hale. And...take care," sabi ko pero hindi ako nakatingin kay Hazel. Kay Erykka ako nakatingin. Mukhang badtrip pa rin siya sa akin. Umismid pa siya bago tumalikod.
I shook my head. Ano ba ang ginawa kong mali para magkaroon ng ganitong trial sa buhay ko? I should be focusing on Olivia's case. Dapat wala ako sa Safar ngayon. Dapat naghahanap ako ng witness sa kaso niya. Kaso hindi ako pwedeng umalis without knowing who the real Erykka is. I don't even know her surname. Either Jade deliberately omitted such information or nakalimutan lang niyang banggitin.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Twilight [ONGOING]
ChickLitErykka vowed to keep her identity secret nang pumunta siya sa Safar Estate. But destiny played a big joke on her because she met Matthew. Hindi ordinaryo ang pagtatagpo nila. Hindi rin normal na tumatak sa isip niya ang lalaki simula nang makita ni...