9. Tamed

486 17 3
                                    

[MATTHEW]

HATINGGABI na nang ipinarada ko ang golf cart sa garahe. Kanina pa dapat ako nakauwi kaso napahaba ang kwentuhan namin ni Rasheed sa Safar Hotel. As usual, it was about Hazel's special guest. Si Erykka.

Nang iwan ko siya sa silid niya kanina ay muntik na akong bumalik sa tabi niya upang yakapin siya. She looked so alone. So broken and vulnerable. Alam kong mali na ikulong siya sa bahay ko. But there was something about her that smelled trouble. Iyon ang gusto naming matiyak ni Rasheed.

"Gusto kong isiping wala siyang binabalak na masama laban sa atin. Nakita ko kung gaano sila ka-close ni Hazel kaso hindi pa rin tayo nakakasiguro. Isa pa, bakit gusto niyang umalis agad? Ang alam ko, may gusto siyang ipinta sa lugar na ito. Pero hanggang ngayon ay hindi ko siya nakitaang humawak man lang ng paintbrush o kahit na anong art material," sabi ni Rasheed kanina.

"Hindi ko alam, pare. Naguguluhan na nga rin ako. But I just can't choke the truth from her. Nasaktan ko na siya nang pilitin ko siyang ikulong sa bahay. Hindi ko na kayang dagdagan pa ang problema niya."

"Paano mo nalamang may problema nga siya?"

Huminga ako ng malalim. I knew Rasheed would grill me about it. "Nang dalhin ko siya sa suite ko last time, she said something about someone trying to hurt her.  She looked terrified and helpless."

"Anyone can act, Matt. And don't be taken by a pretty face," maagap niyang sagot. 

"For crying out loud! She was drunk that time, Rasheed.  She couldn't probably act!"

Hindi ko alam bakit kailangan kong depensahan si Erykka. Pero tama si Rasheed. Ano ba talaga ang dahilan kung bakit nandito si Erykka?

"It's up to you.  But be careful.  Too many men have fallen just because of a pretty face." 

Bigla akong na-guilty sa sinabi niya. Because for the life of me, I couldn't understand why I was so drawn to her. Mula nang dumating siya sa Safar Estate ay hindi lumilipas ang limang minuto nang hindi ko siya naiisip. That was how screwed up I am right now. Alam kong galit siya sa akin. I couldn't blame her for hating me. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko ma-control ang temper ko pagdating sa kanya.

Patay na ang mga ilaw sa loob ng bahay pagpasok ko.Tanging ang emergency light na lang ang bukas. Tulog na yata si Aling Isadora at ang babaeng iyon. Umakyat na ako sa daan. Nadaanan ko ang silid niya pagkapanhik ko sa itaas. Magkatabi lang kasi ang silid namin. Sinadya ko iyon para ma-monitor ko siya.

Papasok na sana ako sa room ko when I heard an eerie sound.

Sa mga horror scenes ko lang naririnig ang ganoong taghoy na tila ba naghihinagpis. At galing iyon sa silid na ginagamit ni Erykka.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Hindi naman siguro ako minumulto. Ang tagal ko nang nakatira dito hindi ko pa naranasang makaramdam ng kahit na anong ligaw na kaluluwa.

So, kung hindi ligaw na kaluluwa ang naghihinagpis, posible kayang si Erykka iyon?

Gusto kong makasiguro. Kumatok ako sa silid niya. "Erykka?"

Walang sagot. Pero naririnig ko pa rin ang mga ungol niya.

Hindi na ako nag-isip. Pumasok na ako sa silid niya. Buti na lang at hindi niya ini-lock ang pinto. When I stepped inside her room, I  immediately saw her on top of her bed. I rushed to her side. Magulo ang kama niya. Ang ilang unan ay nagkalat sa sahig. Pero wala nang mas disturbing pa nang mga sandaling iyon kundi ang anyo ni Erykka. Pabaling-baling siya sa kama. Puno ng pawis ang kanyang noo.

Once Upon A Twilight [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon