[ERYKKA]
PAGKATAPOS naming mag-usap ni Hazel kanina ay nagpahinga ako. Sobrang relaxing kasi ng room na pinagamit niya sa akin. Tinanong ko siya kung bakit kaming dalawa lang ang nasa bahay nila. Sinabi niyang nasa ibang bansa daw ang mga magulang niya at matagal pa bago makakauwi ang mga ito. May business trip daw sa iba't ibang branches ng negosyo ng pamilya nila.
Hindi na lang ako nag-usisa. After my nap ay nagpasya akong magpalit ng damit at maglibot sa buong lugar, particularly doon malapit sa lawa. I just wanted to sit by the shore and wait for the sun to set. Habang nandoon ako at nagtatago ay napagdesisyunan kong magpinta na lang. Para naman hindi ako ma-bored. Sayang naman ang fine arts degree ko noon sa New York kung hindi ko gagamitin. At least habang nasa hibernate mode ako ay maipagpatuloy ko ang hilig kong iyon.
Besides, napakaraming magagandang tanawin doon na pwede kong ipinta but I wanted to start with the mountain called Sleeping Beauty. Isa iyon sa dahilan kung bakit gusto kong umupo sa baybayin ng lawa. To see the mountain upclose.
Ang ganda talaga. Parang nasa pelikula ako kung saan sisigaw sa dagat ang bidang babae at isisigaw niya ang pagmamahal niya para sa boyfriend niya. Kaso kung sumigaw ako, para kanino naman? Eh wala naman akong boyfriend. Hindi pa ako na-in love. Never pa akong sobrang nagkagusto sa isang lalaki to the point na hindi na siya naaalis sa isip ko. Hindi ko pa naranasang magkataghiyawat sa mukha, ilong o bibig dahil sa sobrang pag-iisip sa isang lalaki. Ang corny kaya nun. Hindi lang corny. OA pa.
Isa pa, dahil sa nangyari sa akin recently ay parang napakahirap nang magtiwala sa isang lalaki. Ang dami ko pang hinaharap na problema. Kailangan ko munang magtago habang naghahanap kami ni Hazel ng taong pwedeng tumulong sa akin para malutas ang problema ko. Ang bilin sa akin ni Aling Minda ay huwag ko daw kokontakin ang kahit sino sa pamilya ko. Not even my dad. Habang nag-iisip ako, hindi ko maiwasang magduda kung sangkot ba si Dad sa kalokohan ng half brother ko.
Posible kaya iyon? Hindi ko naman kasi talaga sila pamilya. Ang nakagisnan kong Daddy ay pangalawang asawa na lang ng Mommy ko. My real father died when I was still young. Kaso, gusto ng step father ko na gamitin ko ang pangalan niya when he married my mom. Kaya nakilala ako bilang nag-iisang anak na babae ni Senator Maximo Montemayor.
Wala naman na sanang problema until recently when my mother died. Ang sabi ng abogado ng mommy ko na si attorney Buencamino, pineke daw nila ang mga papeles ko. Pinalabas nila sa step father ko that I was adopted when in fact hindi naman pala. Hindi ko alam kung ano ang buong detalye. Basta nang mamatay ang mommy ko, naayos na rin ang mga papeles ko. Nagbayad siguro sila ng malaki para maisaayos ang records ko mula grade school hanggang college. Dahil nang ipinakita sa akin ni attorney Buencamino ang mga documents ko, ang original name ko na ang nakalagay doon. May mga detalye pang sinabi si Atty. Buencamino sa akin kaso ayoko na munang isipin ang mga iyon. Right now, kailangan ko ng magandang plano. Kailangan kong ipakulong si Lauro kaso wala akong tiwala sa batas ngayon dahil baka pati ang police department ay hawak na rin ni Lauro.
Nakakapanibago nga ang tunay kong pangalan. Parang hindi ako sanay na bigkasin iyon. Sa ngayon, kontento na muna ako bilang si Erykka. Maliban kay Hazel ay wala nang dapat makakaalam sa totoo kong pagkatao. Walang pwedeng makakaalam ng koneksiyon ko sa mga Montemayor. Maybe I need to think of a different surname. Para hindi ako ma-trace.
Hay. Ang gulo ng buhay ko. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganito. Pero posible din palang mangyari sa totoong buhay. Sana nanatili na lang ako sa New York. Kaso nangako ako sa puntod ng mommy ko na uuwi ako. May mga properties pa kasi ang mommy ko na nakapangalan sa akin. I need to make sure maibenta ko ang mga iyon bago ako bumalik sa New York.
Finally, pagkatapos ng mahabang paglalakad at malalim na pag-iisip ay narating ko din ang baybarin ng lawa. Uupo na sana ako sa nakausling malaking bato nang bigla ay may lalaking umahon mula sa tubig several feet away. I felt my body freeze. Mula nang mangyari ang muntik nang pag-rape sa akin ay ganito na talaga ang reaction ko sa tuwing may lalaking bigla na lang susulpot mula sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Twilight [ONGOING]
ChickLitErykka vowed to keep her identity secret nang pumunta siya sa Safar Estate. But destiny played a big joke on her because she met Matthew. Hindi ordinaryo ang pagtatagpo nila. Hindi rin normal na tumatak sa isip niya ang lalaki simula nang makita ni...