[THE DEVIL'S LAIR]
"MAKE sure to find her, Lauro! Ikaw ang malilintikan sa akin sa oras na lumabas ang eskandalong iyon!" singhal ng matandang lalaking naka-upo sa likod ng mahogany desk nito. Nakapasak sa bibig ang isang tobacco. It's none other than my father.
"Masusunod, Papa."
Sa totoo lang nababagot na ako sa usapang ito. Ngunit wala akong magagawa. Kailangan ko ng pera. At mapapasa-akin ang limpak-limpak na salapi sa oras na mahanap ko na ang aking half-sister. Damn.
"Dala niya ang dokumento and God knows kung naibigay na niya iyon sa isang abogado! Idadamay kita kapag sumabit ang pangalan ko, Lauro. Kaya bilis-bilisan mo ang kilos mo," singhal uli ng matanda. Halata ang tension sa mukha nito.
"Huwag kang mag-alala, Papa. Kumikilos na ang mga tauhan ko sa buong Pilipinas. At nakumpirma ko sa kaibigan ko sa Embassy na hindi siya lumabas ng bansa," sagot ko upang kahit paano ay mapanatag ito. Deep inside ay nanggagalaiti na ako sa galit.
"Siguraduhin mo, Lauro. Or else..." hindi na nito naituloy ang sasabihin. I know what he meant. Kapag nagleak ang dokumentong hawak ni Gwen, sabay kaming maghihimas ng rehas. Shit!
Bakit ba hindi ko napuruhan si Gwen nung nagtangka syang tumakas? Nahihirapan tuloy kaming hanapin siya ngayon. Humanda ang babaeng iyon oras na mahanap ko siya.
"Lahat ng hotel at mga maliliit na paupahang establishment ay hinalughog na namin ng mga tauhan ko ngunit wala ni anino niya, Papa. Ngunit wag kang ma-alala. Nararamdaman kong malapit na natin syang makita. Wala siyang kawala sa akin sa susunod na makita ko sya ulit."
Hindi na sumagot ang matanda. Patuloy itong bumubuga ng usok mula sa tobacco nito. Halatang malalim ang iniisip.
"Saan kaya sya maaaring magtago? Sa gubat? Sa isang isla? Paano sya mabubuhay nang hindi ginagamit ang credit card? Ayon sa kaibigan kong manager ng bangko, ang huling araw na nagwithdraw sya ng malaking halaga ay noong araw din na nakatakas siya."
Damn that woman! At ang matandang babae. Bigla na lang itong naglahong parang bula. Kung saan-saang sulok ako naghanap ngunit ni anino nito ay wala. Malaki ang posibilidad na magkasama ang dalawa at kung hindi man ay maaaring alam ni Gwen kung saan ang matandang iyon.
Four weeks. Mayroon lamang akong isang buwan para kumilos. Halos lahat ng may posisyon ay binayaran ko na at handa akong siyang magbayad ng malaki sa kung sino ang makakapagturo kung nasaan ang suwail kong kapatid sa ama.
Akin ka lang, Princess. Akin ka lang. Walang ibang pwedeng magmamay-ari sa'yo.
=============
[MATTHEW]
"M-MATT..." Agad akong dumilat when she called my name. I got carried away with my thoughts at hindi ko namalayang tumahan na pala sya. Nananatili kaming magkayakap sa ibabaw ng kanyang kama.
Bahagya akong dumistansya and met her gaze again. I stared right into the most beautiful eyes I have ever seen. A combination of green and gold.
"M-Matt..." she whispered. I caught her staring at my lips. As if begging me to kiss her.
"Erykka..." Damn it. Muli kong inangkin ang naghihintay niyang mga labi. She welcomed my kiss. Hindi na baleng para syang tigre kapag nakikipagtalo sa'kin. Kung ganito naman sya kasarap humalik.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Twilight [ONGOING]
ChickLitErykka vowed to keep her identity secret nang pumunta siya sa Safar Estate. But destiny played a big joke on her because she met Matthew. Hindi ordinaryo ang pagtatagpo nila. Hindi rin normal na tumatak sa isip niya ang lalaki simula nang makita ni...