At Fault

25 0 0
                                    


"WHAT THE—" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang madatnan kong wala na si Erykka sa loob ng silid. It was just the usual mess when I  left it but my gut feeling tells me something was amis.

"Erykka? Erykka!" Ilang beses ko tinawag ang pangalan niya. Nang hindi ito sumagot ay samut-saring damdamin ang agad nag-uunahan sa puso ko.

Nasaan ang babaeng iyon? Tama ba ang natuklasan ni Rasheed sa pagkatao nito? Tama ba ang hinala niya? But something tells me na hindi iyon totoo. Base na rin sa pakiusap ni Erykka kagabi, something about someone trying to hurt her. Was is true?

But damn! Where the hell is that woman? Agad akong lumabas ng silid at nagtanong sa dalawang katulong na naglilinis ng sala.

"Po? Eh...wala naman po kaming napansin eh..." natatarantang sagot ng mga ito.

"What? Ano'ng ibig mong sabihing wala? Hanapin n'yo!"

Kailangang kong malaman kung nasaan si Erykka. She is supposed to be sore, right? After...after we made love. I closed my eyes at the sweet memory. 

Tumunog ang aking celphone. Si Rasheed ang tumatawag. "Na-kuha ng camera na sa golf course ang punta niya. Mukhang balak niyang dumaan sa property nina Nathan at—"

"Shit!" Lalong uminit ang ulo ko. Hindi na ako nag-isip. Basta na lang ako tumakbo papunta sa direksiyong sinabi ni Rasheed. Ano ba ang problema ng babaeng iyon?

As much as I love my brothers and cousins, Nathan is notorious as hell pagdating sa babae. I couldn't bear the thought of someone looking at her with even a hint of malice. She's perfectly beautiful in my sight and I didn't want to share.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na itong nakaupo sa ilalim ng firetree sa pinaka sentro ng golf course. Mabilis ko syang nilapitan ngunit agad din akong napahinto nang makitang umiiyak ito. Alam ba ng babaeng ito kung gaano ako nagpipigil na ikulong ito sa bisig ko ngayon? 

"What the hell are you doing? Anong stunt ba ito, Erykka? Are you running away from me? Again?" 

I winced inwards when I saw her tears. Does she even have any idea how much I was trying to act so tough even though I'm weakened by her tears?

Gusto kong magalit rito but her tears kept me offguard. Dahan-dahan akong lumapit. She must be in pain to cry like that and I blamed himself for it.

"W-what are you talking about, Matt? Sinusundan mo ba ako?" sagot nito at mabilis na pinahid ang mga luha.

"Oo! Because you are not supposed to leave!" singhal kong muli. It's the only way I know para maitago ang matinding pag-aalala ko sa kanya. Damn this woman. Never akong nagkaganito dahil lang sa babae. 

"I am a guest in this estate and not a prisoner! Nasisiraan ka na ba? Wala na ba akong karapatang lumayo sa iyo? Kahit pansamantala?" Muli na namang kumislap ang mga mata sa namumuong mga luha.

"Nag-iwan ako ng mensahe para sa'yo. Alin doon ang hindi malinaw?"

All I wanted was to enjoy a nice breakfast with her. And yet, here she was, running away from me again na para bang walang namagitan sa amin. Hindi ba dapat babae ang naghahabol? Bakit parang may role reversal na nangyayari? This girl is a walking contradiction. Kagabi lang ay matindi ang kahilingan nito na ikulong ko sa mga bisig ko at huwag ko siyang iwan. But now...

"Ayoko nang makasama ka pa at kung anu-ano na ang iniisip ng mga tao tungkol sa atin! This is so humiliating! Ano na lang ang sasabihin ni Hazel? Ni Aling Isadora?" Anito at mabilis na tumayo. Anak ng...What?!

I could only shake my head. Women! Ang hilig mag-overthink. Yan tuloy, kung anu-ano ang pumapasok sa isip. 

"Fine, ihahatid kita kina Hale but let's have breakfast first and..."

"No! Babalik na ako sa bahay ni Hazel ngayon din," sagot nito.

"I don't want to constantly chase you, Erykka," diin ko at matamang nakatitig sa mga mata nitong kasing berde ng damuhang kinatatayuan namin.

"Then don't! Nagsasayang ka lang ng oras Matt. Masasaktan lang ang pride mo dahil hindi mo ako obligasyon."

"You're wrong! Sa akin ka ipinaubaya ni Hazel because she is currently busy trying to fix her lovelife!" singhal ko rito. Matagal bago sumagot ang dalaga. Nakapameywang ito at pinuno ng hangin ang dibdib.

"Nakakaasar ka rin ano? Noong una, pinapalayas mo ako. Ngayon naman halos ikulong mo na ako sa silid mo. Para ano? Para gawing laruan? What would I be, Matt? A sex toy? A sex slave?"

"What? At saan mo nakuha ang ideyang iyan ha?" tanong ko at at halos bumaon ang mga kamay ko sa braso nito. "Hindi ba't ginusto mo rin ang nangyari? I gave you an option and you didn't stop me, honey, you even enjoyed it!" I said in between gritted teeth. Napasighap ito and then stared back at me coldly.

"Fine! It's all my fault! Everything is my fault. Will you let me go now? Tutal naman, nakuha mo na ang gusto mo. Your curiosity is sated so ano pa ba ang kailangan mo sa akin? Pabayaan mo na ako. Ibigay mo naman sa 'kin ang kapayapaang pinapangako ng lugar na ito."

Hindi ako nakasagot agad. The intensity in her eyes and the pain in her voice nailed me. Perhaps, she never really wanted what happened between us. Nakikita ko ang pagkamuhi sa mga mata nito at hindi ko makayanan iyon. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso nito hanggang sa tuluyan ko nang hinayaang tumalikod sya sa akin.

"Pababayaan kitang manatili sa bahay ni Hale. Ngunit hindi ka maaaring lumabas ng estate. I hope I made that clear," sambit ko. She stopped on her tracks and nodded. She didn't even looked back at me.

Samantalang heto ako, tanaw ang papalayong anyo nito hanggang sa tuluyan na itong nakalayo. She took a piece of my heart without even knowing that she did.


====


A/N:

Hirap akong i-edit ang part na ito haha senxa na eto lang ang nakayanan. Right now, it's a struggle to write in Tagalog kasi most of the content I write for work are in English haha so I really have to brush up my Tagalog skills for this LOL. 

See you next update, ndi ko lang sure kung when ulit haha 

xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Upon A Twilight [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon