[ERYKKA]
"HOW LONG have you been sharing this property with them?"
I asked Hazel the following morning. Sinabi kasi niyang nakikishare lang ang pamilya nila sa lupain ng mga Sandoval na siyang nagmamay-ari ng halos buong Safar Estate.
Magkaiba lang ang gate nila kaya hindi ko namalayang nasa loob na ako mismo ng Safar Estate. Doon din sa Safar Estate matatagpuan ang katatapos lang na Safar Hotel and Country Club.
At hindi lang iyon. Sinabi din ni Hazel na ang halimaw na nagtaboy sa akin noon ay isang Sandoval!
All the while I thought I was already safe but the monster of the man was just within the premises. With dark eyes and gorgeous body.
Bakit ko pa kasi siya nakitang naked? Hindi ko tuloy maiwasan. Maya't maya ang naaalala ko ang treasures niya. My eyes can't unsee that thing and that's what I hate the most. Hanggang sa pagtulog ko ay hindi pa rin naalis sa isip ko ang nakita ko. Hindi lang iyon. Kahit sa panaginip ay nandoon siya, in his naked glory tapos hinahabol niya ako. Hindi ko na nga alam kung ano pa ang dapat kong gawin para lang makalimutan ang halimaw na iyon.
Tapos malalaman ko na isa siyang Sandoval?!
Lalo yatang kumulo ang dugo ko dahil sa taong iyon.
Sino ba naman kasing matinong lalaki ang maliligo sa lawa na nakahubad? Kung tutuusin matuturing na pampublikong lugar iyon dahil wala namang pader sa dagat. Kahit sino pwedeng makakita sa kanya habang naliligo siya. Tapos pagbibintangan niya akong trespasser. Asar!
Hmp! Manyakis talaga ang lalaking iyon!
"Close kasi dati pa ang mga pamilya namin. Ever since ay parang kapatid na ang turing ko sa mga Sandoval kasi kababata ko ang bunso nila. So far I never had any problem. Spoiled pa nga ako sa mga iyon eh," sagot ni Hazel.
"Hindi ba't delikado iyon? Paano kung pagtangkaan ka ng masama ng isa sa kanila?" I asked. Wala kasi akong tiwala doon sa manyakis na nakaharap ko kahapon.
"Anong delikado? Sabi ko nga sa'yo, sabay kaming lumaki ng bunso nilang si Nissa. Parang magkakapatid na nga kami dahil sa closeness namin at likas nang mababait ang mga iyon," sagot niya.
I arched my brow. Mababait? I doubt.
"Well, tungkol naman sa lalaking nagtaboy sa iyo kahapon, pagpasensiyahan mo na sana. May pinagdadaanan lang si kuya Matt kaya ganun iyon. Pero mabait naman talaga iyon."
Umismid ako. Sasabihin ko kaya kay Hazel na nakita ko ang sinasabi niyang Matt na naliligo sa lawa kahapon in his naked glory? Huwag na lang siguro. Baka isipin pa ni Hazel, big deal iyon for me.
Well, in a way big deal naman talaga kasi hindi na maalis sa isip ko ang nakita kong treasures at jingle bells ng lalaking iyon.
Ku, humanda talaga ang lalaking iyon.
"O, bakit bigla ka na atang natahimik riyan?" Bumaling ako kay Hazel. Nakatingin pala siya sa akin.
"H-ha? Ah, wala may iniisip lang ako." Ininom ko na lang ang juice na bigay niya.
"Hay naku, huwag mo munang isipin ang problema mong iyan dahil hanggat nandito ka sa Safar Estate, hindi ka mapapahamak, tandaan mo iyan."
Naibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa sinabi niya. Buti na lang busy siya sa tablet niya at hindi niya nakita ang reaction ko.
Napailing na lang ako. Hindi nga ako mapapahamak. Magiging kriminal lang ako dahil sa manyak na iyon.
"I-ipasyal mo na kasi ako at nang hindi na ako ma-bored dito," pangungulit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Twilight [ONGOING]
ChickLitErykka vowed to keep her identity secret nang pumunta siya sa Safar Estate. But destiny played a big joke on her because she met Matthew. Hindi ordinaryo ang pagtatagpo nila. Hindi rin normal na tumatak sa isip niya ang lalaki simula nang makita ni...