Margaret's POV
"The wounds are healing perfectly." Narinig kong sabi ng kapatid ni Craig. Edward ang pangalan niya. He is a healer.
Alam kong gumagaling ng maayos ang mga sugat ko. Medyo hindi na rin ito masyadong sumasakit. In under normal circumstances, it won't take an hour to heal and my body will be as good as new Pero dahil Shadows ang may kagagawan ng mga sugat kong ito, it takes longer.
Ito na yata ang pinakamatagal kong healing process. Three days. Three miserable days. The pain is too much. Kinailangan ko pang uminom ng pampamanhid para malabanan ang sakit. At sa lumipas na tatlong araw hindi pa din ito lubusang magaling.
The bandages were replaced slowly and carefully. I was consciously aware of the pair of eyes watching me.
Amara is standing at the foot of the bed. Dressed in her usual white long sleeve shirt and dark pants with the ascending gun and a blade strap on her hips. This woman is ready for war.
Seriously, we are in a well protected mansion. Bakit naka-full battle gear ang babaeng to? Hindi ko tuloy maiwasan ang mapa-isip ng tungkol sa tunay na sitwasyon ngayon.
"Inalok ako ni Craig ng kasal." hindi ko napigilang sabihin. Halatang nagulat si Amara sa sinabi ko. Kaagad siyang lumapit sa akin.
"Ano ang isinagot mo?"
"Hindi ko alam..."
"Ha?! Anong hindi mo alam? Hindi ba't sugatan ka ngayon dahil sa kagustuhan mong makasama siya?" naguguluhang tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mahiya sa klase ng tanong niya. Totoo naman kasi ang tinuran niya. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ako nag-aalangan sa alok na kasal ni Craig.
"Wag mo naman sabihin yan. Hindi ko naman kasi iyon inaasahan, at tsaka nabigla talaga ako. " I know I am bluffing nonsense. Halata naman iyon sa bored na itsura ni Amara. Hindi siya naniniwala sa mga dahilan ko.
"Ano bang nais mo? magpa-party si Craig?"
"Hindi naman sa ganoon pero kasi--"
"Haay. Sa madaling sabi ganoon na nga? Nag-iisip ka ba? nasa gitna tayo ng digmaan laban sa mga Shadows. Natural lang sa isang Elysian na katulad niya ang isipin na pakasalan ka. Maaaring iniisip niya ang mangyayari sa hinaharap, nais niyang maka-tiyak."
"Amara... Hindi naman--" natigilan kami ng marinig namin ang halakhak ni Edward. Nakalimutan kong nandidito siya at kasalukuyang inaayos ang bandages ko. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil paksa ng pag-uusap namin ang kapatid niya.
Saglit kaming natigilan. Ngumiti siya at bahagyang tumikhim.
"Pasensya na. Hindi ko lamang mapigilan ang matawa." sabi niya tsaka tumayo dala ang ilang gamit. Saglit niya akong pinagmasdan bago muling nagsalita.
"Pagpasensyahan mo na din si Craig. Mahusay siya sa lahat ng bagay maliban sa pakikitungo sa mga babae. Hindi niya alam kung paanong pakikitungo ang gagawin niya sa iyo. Isa lang ang natitiyak niya, totoo ang nararamdaman niya para saiyo. Ikaw na ang bahalang umunawa."
Pagkatapos noon ay lumabas na siya at iniwan kami ni Amara na kapwa natulala sa sinabi niya. Ilang saglit kaming natahimik ni Amara bago siya muling nagsalita.
"Sinasabi niya ba na ang isang katulad ni Craig ay hindi marunong manuyo ng babae? Iyong itsura niyang iyon?" Manghang tanong ni Amara.
It was kind of hard to believe as well. Hindi lang makisig at matikas si Craig. Sadyang gwapo talaga ang lalaking iyon. In fact, hindi mo iisipin na totoong may nabubuhay na ganoon ka-gwapong nilalang sa mundo. At ang hirap din paniwalaan na ang nilalang na iyon ay siya ding nag-aalok sa akin ng kasal.
BINABASA MO ANG
The Elysian Prince Series: Neo Of The Battlefield
General FictionI exist for one sole purpose, to serve the gods. In serving the gods, I must serve the throne. My loyalty lies only for the throne and for those whom the gods have chosen to rule this realm. The crown of the highest prince, the sovereign is where my...