5

22 0 0
                                    

Nagising ako sa mahinang kaluskos. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iginala ang nanlalabong paningin sa buong paligid. The ceiling looks familiar and unfamiliar at the same time.

Una, kilala ko ang silid na ito. Pangalawa, hindi ito ang silid ko. Kumilos ako upang maupo nang biglang mapa-singhap ng salakayin ng matinding sakit ang likod ko.

"Madam!" Nag-aalalang tinig ng babaeng ngayon ko lang napansing nakaupo sa silyang katabi ng hinihigaan kong kama.
Mabilis siyang nakalapit sa akin at inalalayan akong muling mahiga sa mas kumportableng posisyon.

"Sonja?"

Isa si Sonja sa mga naninilbihandito sa mansyon. Siya at ang kanyang buong angkan ay naglilingkod sa pamilya ni Francois. Kung inaakala ninyo na isa siyang imortal, nagkakamali kayo, isa siyang tao.

Isa lang ang angkan ni Sonja sa maraming angkan na naglilingkod sa ilang imortal kagaya ni Francois.

"Dalawang araw po kayong nawalan ng malay dahil sa tinamo ninyong pinsala sa labanan, Madam." Pagpapaliwanag nito, pinagmasdan ko itong isalin sa tasa ang isang uri ng inumin, may inihalo din itong pulbos doon.

Alam ko kung ano ang inilagay nito, gamot upang mapabilis ang aking paggaling.

"Lubhang mapanganib ang tinamo ninyong pinsala, hindi sapat ang kakayahan ng katawan ninyo na paghilumin ang mga sugat na natamo sa pakikipaglaban. Mabuti na lamang at nakaligtas kayo kasama si Master Francois." Inilapit nito ang tasa sa bedside table. Saka niya ako muling inalalayan na maka-upo ng maayos at ipina-inom sa akin ang laman ng tasa.

Nang matapos, tumayo siya para magpaalam sa akin. Yumukod pa ito bilang pagtanda ng paggalang. Alam ko kung saan siya magtutungo, kay Francois. Marahil upang ipagbigay alam na nagising na ako.

Mabuti na lamang at nakaligtas kami. Ngunit kasabay noon ang di mapigil na pag-aalala. Si Craig, nakaligtas kaya siya? Nawalan na ako ng malay kaya hindi ko na nalaman pa ang mga sumunod na nangyari.

Hindi ako mapalagay. Paano kung may nangyari na sa kanya? Malubha ba siyang nasugatan? Hindi kakayanin ng katawan niya ang pinsala kung sakali man. Maaaring patay na siya sa mga oras na ito.

Nakaramdam ako ng pagguhit ng matinding sakit sa aking puso. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Pinigilan ko ang pagtangis. Kagat-labing pinigilan ko ang paghagulhol. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na bumabalot sa akin, ngunit sa kabila ng pagpipigil ko, pumatak pa rin ang luha mula sa aking mga mata patungo sa aking kamaong nanginginig dahil sa galit.

Naramdaman ko ang papalapit na presensya ni Francois, kaya mabilis kong pinahid ang luhaan kong mga mata. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang kaibigan ko.

Hindi ko man siya tingnan, alam kong pinagmamasdan niya lamang ako. I'm not about to break my silence. Pinili ko ang manahimik. Hanggang sa narinig ko ang marahan niyang pagbuntong-hininga.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi ko magawang magsalita nang hindi ipinagkakalulo ang tunay kong nararamdaman. Kaya ko ang sakit na dulot ng mga sugat na tinamo ng katawan ko, pero hindi ko kaya ang katotohanang maaaring wala na si Craig.

Nang dahil sa kapabayaan ko, napahamak siya. Dapat talaga ay lumayo na ako sa kanya ng tuluyan. Masyado akong naging pabaya. Hinayaan ko ang sarili ko ng ilang minutong pagpapadala sa kahinaan at ito ang naging kapalit.

Nagpupuyos ang kalooban ko, marahil pansin iyon ni Francois dahil muli kong narinig ang pagbuntong-hininga niya.

"Alam kong nahihirapan ang kalooban mo dahil sa mga nangyari. Hindi rin kita masisisi kung magagalit ka sa akin. Hindi ko siya nagawang iligtas. Tanging kapakanan mo lamang ang iniisip ko ng mga sandaling iyon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nagawa mo pang makagawa ng malakas na pag-atake bago ka nawalan ng malay. Hindi ko alam na kaya mo palang gawin ang bagay na iyon."

The Elysian Prince Series: Neo Of The BattlefieldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon