PROLOGUE

170 12 3
                                    

Isang madilim na daan ang tinatahak ko para lamang makalayo sa mga humahabol sa akin. Sumabay pa ang napaka-lakas na ulan at madulas na daan na animo'y sinusumpa rin ako dahil dumagdag pa sa kamalasang nangyayari sa akin ngayon. 

"HUWAG KA NANG TUMAKAS, MISS! MAULAN AT MADULAS ANG DAAN! BAKA MAPA'NO KA!" sigaw ng isang lalaki na humahabol. Sigurado akong sila ang grupo na pinagkakautangan ng tito ko at narito sila para kidnapin ako para makakuha ng ransom.

AS IF MAY IBABAYAD ANG HAYOP NA LALAKING 'YON?! BAKA NGA MAGPA-HANDA PA SIYA DAHIL NAWALA NA AKO SA BUHAY NILA!

"Oo nga! Sumama ka na lang sa amin na sumilong!" sabi ng isa na may dalang patalim at tumawa. P*TANGINA NIYO!

Hinahabol ko ang aking hininga habang mamatay-matay na kakatakbo, nagdidilim na rin ang paningin ko't nanlalambot ang mga binti. "Tang*na!" napamura ako nang bigla akong matapilok at mabali ang kanang paa. Kahit na namamalipit na ay sinubukan ko pa rin tumayo ngunit muli akong nabuwal. No..

"Tsk,tsk,tsk. Ayan, hindi ka kasi nakikinig sa amin, eh." napatili ako nang hatakin ng nakahabol na lalaki ang buhok ko't naramdaman ko ang isang matulis na bagay na madiin na nakatutok sa leeg ko. 

"H-huwag.." wala na akong lakas na murahin sila. Nanginging na ako sa takot at sumasabay na lang din sa ulan ang pagbuhos ng luha ko. 

Marami pa akong pangarap.. hindi ako pwedeng mamatay ngayon.. hindi pa pwede.. 

Idiniin niya 'yon sa leeg ko. "T*arantado kang babae ka, pinahirapan mo pa kami." nanggagalaiti sambit ng nasa likod niyang lalaki at saka biglang lumapit sa akin at sinipa ang tiyan ko. 

Namalipit ako sa sakit at nag-ubo ng dugo habang nakadapa sa basang daan. Nanghihina kong sinubukan na itinukod ang kamay ko para makatayo at makatakas ngunit taksil ito kaya muli akong nabuwal. 

"Tulungan ninyo ako.. p-parang awa niyo na.. ack!" may humatak ulit ng buhok ko at mahigpit niya itong hinawakan. 

"Kung hindi ka lang sana tumakbo, edi sana hindi 'to nangyayari sa'yo ngayon." hinawakan niya ang baba ko't sapilitan niyang ipinaharap ang mukha ko sa kaniya. Ngumisi siya. "Sayang ang ganda mo, miss.. kung hindi ka magbe-behave." nakaramdam ako ng pandidiri nang haplusin niya ang pisnge ko pababa sa labi ko. 

"P*tangina niyo!" sigaw ko't dinuraan ang mukha niya. 

Lumapit ang isa sa kaniya't hinawakan ang braso. "Pre, tama na 'yan. Ang utos lang naman sa atin ay kidnapin 'yang babae hanggang sa makuha natin 'yung ransom."

Pero hindi siya nakinig sa kasama't bigla na lamang ako sinampal, sinuntok at sinipa nang sinipa. "T*rantado ka, akala mo hindi kita papatulan, ha?! P*tangina mo!" Hindi pa siya titigil kung hindi pa siya hinawakan at inawat ng kasama niya. 

Namamalipit na ako sa sakit, hindi ko na rin masiyadong maidilat ang mata ko at anytime ay mawawalan na ako nang malay, nilalabanan ko lang. 

Panginoon, bakit ba nangyayari sa akin 'to?

"Tarantado ka! Baka mapatay mo 'yan!" 

"TALAGANG PAPATAYIN KO 'YANG T*RANTADONG NA BABAENG 'YAN!" inaamba niya sa akin ang hawak niyang kutsilyo habang inaawat siya ng kasama niya. 

Pare-parehas kaming napatigil nang makarinig kami ng sirena mula sa pulis. 

I-I'm save! Salamat sa Diyos!

"P*tangina! P*TANGINA!!" parehas silang nataranta. 

Nabitawan ng isa ang kutsilyo niyang hawak at tumilampon iyon sa tabi ko. "ANO'NG GAGAWIN NATIN?!" dahan-dahan ko iyong inabot.

Hindi siya pinakinggan ng kasama at dire-diretsong naglakad papunta sa akin. "Akala mo nakalimutan na kita?" huling sinabi nito bago mabilis na pinulot ang kutsilyo't isinaksak sa aking dibdib. 

At ganoon ang masaklap na nangyari sa previous life ko.. 

kaya how  did I end up in this situation?!

"Hindi ko maaaring gawin ang hinihiling mo, Lady. Weird rumors might spread if we are seen together." he said, calm and stern. 

Nakagat ko ang ibabang labi ko, nag-iisip ng iba pang paraan para mapalapit sa kaniya't magamit ko ang ability niya. 

"I'm leaving." nataranta ako nang bigla siyang tumalikod. Kaibigan lang naman ang hinihiling ko! This won't do, or else mauubusan na ako ng oras!

So, I did the unthinkable. 

I ran towards him and stopped him by grabbing his arm. Nangunot ang noo niya. "What are you doing?" he look confused and irritated ngunit hindi ako natinag. 

I looked in his eyes, serious and determined. "Pakasalan mo ako."

Napataas ang kaniyang makapal na kilay at napaawang ng konti ang kaniyang bibig pero agad siyang bumalik sa dati niyang kalmadong mukha at napailing. "You're crazy." hindi makapaniwala nitong sabi. 

I bit my lower lip, napipikon na ako. Ano ba, hindi niya ba type ang itsurang 'to?! Kamukha ko kaya si Shuhua ng Gidle!

"Seryoso ako." ilang segundo kaming nagtitigan bago siya umiwas at tinanggal ang kamay ko sa braso niya.

Naglakad siya palayo pero hinabol ko siya. "ANAKAN MO AKO!" walang hiya kong sigaw. Naging mabilis at malalaki ang yapak niya na parang tumatakbo mula sa akin. 

"GRAND DUKE!" hinihingal na sigaw ko habang hawak hawak ang dulo ng suot kong mahabang gown. "Grand du..ke- haah.. paisa lang..!" hingal na hingal na sabi ko. 

YAWA! PAANO KO BA MACO-CONVINCE ANG LALAKING 'YON!?

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon