BILANG VII

53 3 0
                                    

Malakas ang pagkabog ng aking dibdib habang desperadang tumatakbo sa isang napaka-dilim na lugar na ni-isang anino'y wala akong matanaw. Basta't ang alam ko lamang ay may humahabol sa akin at gusto ako nitong patayin. Isang napaka-pamilyar na sitwasyon.

Papalapit nang papalapit ang yapak nito at napatili na ako nang madapa ako at mabilis ako nitong sinakal at itinaas sa ere. "Hah.. ackk!" sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ito natinag.

Isa siyang isang dilim na galit na galit.

Nararamdaman ko na ang pagkahina at malapit na akong mawalan ng malay nang bigla itong magsalita gamit ang malaking boses at may panggigigil.

"SIRA.. SINIRA MO..!!" mas lalong humigpit ang kapit nito sa aking leeg.

"Gising.." a familiar voice echoed. "Gising, kaluluwa..!"

Napasinghap ako't hiningal nang bigla akong magising. Napahawak ako sa aking dibdib at naupo sa kama. Pawis na pawis ako na parang totoo ang napanaginipan ko.

"Mabuti't gising ka na. Akala ko magkikita tayo sa realm nang maaga. Although, I'd prefer that more." napahawak ako sa ulo ko nang biglang magsalita si Arianth.

Hindi ako nakakibo dahil sariwa pa rin ang napanaginipan ko. "Alam mo ba ang ginawa mo?"

I sighed at napasuklay ng buhok. "Ano na naman ba?" walang sa mood kong tanong. Ang aga-aga mag-sermon. Daig niya pa nanay ko.

Tumingin ako sa orasan. It's six o'clock in the evening, kaya pala ang dilim na.

"Ano'ng ano na naman? Dahil sa kagagawan mo, muntik na rin akong mapahamak. Bakit ba kasi hindi mo ma-control ang temper mo? Subukan mo kayang maging calm at soft spoken kahit minsan."

Napakunot ang noo ko. "Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, inay." diniin ko pa ang pagkakasabi ng 'inay' at sama umirap sa ere. "At saka paanong ako magiging soft spoken kung lahat kayo nakakairita?"

"Tch. Huwag mo nga akong pinipilosopo ngayon, kaluluwa. You put both of our lives at risk." he said. "Your mana woke up and got out of control. Hindi mo ba naaalala?" tanong nito.

Napatigil ako at mas lalong nag-taka."What do you mean? Ang huling naaalala ko ay kausap ko si Thaddeus at nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang bigla akong mahilo at pagkagising ko nandito na ako." seryoso kong sabi. May nangyari pa bang iba na hindi ko alam?

Saglit siyang hindi nagsalita. "Wala kang naaalala na pagwawala ng iyong mana?" tanong nito muli.

Umiling ako. "Wala. Nahimatay ako at gumising dito, ayun na." I sincerely said.

Saglit siyang hindi naka-imik. "That's weird, dahil ako rin."

Hindi ako makapaniwalang napa-nganga. "Siraulo, seryoso ka ba? Tapos kung makapag-salita ka sa akin parang alam mo ang lahat ng nangyari." napairap ako.

"That's why I'm asking you because I don't know." parang tumaas ang dugo ko sa sinabi niya.

"Ang sarap mo rin kausap, eh, noh? Bosit ka." sarkastiko kong sabi at saka napailing. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako nang pananakit dito.

"I know." napairap akong muli. "Any way, as I was saying, you almost put both of our lives in danger. You did not just pass out. Your mana woke up because you got angry at someone and it got out of control. And because my essence is with you, I felt the impact of your mana too, and I passed out for the same reason as you." he explained.

"Wait, ayan ang sinasabi ng mga kapatid ko.." I murmured. About my mana being rare. "Pero bakit wala akong naaalala sa mga nangyari na 'yan?" I asked, curiously.

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon