BILANG V

50 4 0
                                    

[Year 532]

"During the Founding Anniversary of the empire, there will be an assassination attempt on the Emperor. The perpetrators will frame my Father for the attempt, as he concealed the truth about my awakening, leading people to suspect him of planning a treason."

Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Hindi rin ako makalunok dahil sa gulat at pagtataka. This is my handwriting kaya paniguradong ako ang nagmamay-ari nito 

Ang sabi ni maid Phoebe kanina ay January year 532 ngayon and 3 months from now magiging eighteen na ako.

So.. around this time anytime ay maaaring mag-invest si Father sa mine.

Binuklat-buklat ko ang libro. "Is this.. from the future?" pinilit kong maalala pero wala talaga. Para kong hinahanap ang isang bagay na hindi nage-exist.

"Hindi 'yan galing sa future."

"AHH!" napatili ako. "Ano ba?! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot?!" inis na sabi ko kay Arianth.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung bigla-bigla na lang may magsasalita sa utak mo?

"You should've expected that I'll be doing this from now and then since I told you before--"

"Na nasa subconscious kita nye nye blah blah." pagbi-bira ko sa kaniya at saka umirap.

"Tch. Masama talaga ugali mo, ano bang iniisip ko sa past at bakit ko binigay ang kalahati ng soul ko sa'yo." hindi ko man nakikita pero alam kong nakairap din siya ngayon.

Napamewang ako. "Aba! Bakit ako tinatanong mo? Sisihin mo 'yung past self mo kaya ka nandito ngayon!"

Tsaka, siya itong soul keeper dito pero ang sama ng ugali. Naligaw siguro 'to galing impyerno.

"Whatever."

Napailing na lang ako. "Anyway, ano bang sinasabi mo tungkol sa diary na 'to?" tanong ko.

"I said, that's not from the future."

Napakunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi? Tingnan mo 'yung year na nakasulat!" tinuro ko pa iyon.

"That's up to you kung ayaw mo akong paniwalaan. Pero, hindi 'yan galing sa future. That looks like it was written in the past, base na rin sa pinanulat dito." Mas lalo akong naguluhan. "Hmm, basahin mo ang pagkakasulat niya, it seems like she has already experienced it in the past at sinulat lang niya ulit to keep herself from forgetting it."

Binasa kong ulit ang nakasulat at tama siya dahil may quote ang bawat taon.

'Is this a dream? if it is, I don't want to wake up and see that nightmare again.'

Napatigil ako. Hindi ko alam pero nanginginig ang kamay ko habang hawak ang diary. "Ibig sabihin ba nito.. Alora came back from the future?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"No. YOU came back from the future."mariin na sabi niya. "In the first place, walang ibang soul ang nagmay-ari ng katawan na 'yan, because that's not how it works. It has only been you."

Nabitawan ko ang diary. "A-ano?"

How is this possible? I was Tana in my previous life!

"There's a possibility na hindi coincidence ang pagkikita natin sa realm at pagkakasama ko sa'yo rito sa mundo ng mga mortal."parang pati siya ay hindi makapaniwala.

"Pero malinaw ang naaalala ko, Arianth. I was Tana in my previous life! Alam kong hindi lang 'yon panaginip!" what happened to me there was vivid. Lahat ng pain and trauma na na-experience ko, 'yung pambubugbog sa akin ng tito at nanay ko, at 'yung pagkamatay ko ay masiyadong malinaw para lang maging isang panaginip.

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon