BILANG II

40 6 8
                                    

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, dahil ang sabi nila ay hindi nage-exist ang oras dito. Pero dumating na rin ang araw na hinihintay ko, ang aking reincarnation

After finding out that I only have one remaining life to spend, ang tagal ko rin nagmukmok sa realm at nag-self reflect na bakit 'yung pusa may siyam na buhay tapos ako isa na lang.

Ang saklap na nga nang nangyari sa akin noong namatay ako tapos malalaman ko ganito pa? Lord, may nagawa ba akong masama?

I got over it naman sa tulong na rin ng mga white lady kong kasama rito. Nalaman ko rin na after matapos ng natitirang life ko, babalik ako rito para maging eternal keeper.

Hindi ko alam kung magiging malungkot ba ako o matutuwa dahil makikita at makakasama ko ulit sila Elara.

Nanghihinayang lang talaga ako dahil pakiramdam ko sinayang ko lang ang nakaraang life ko sa pagta-trabaho. Hindi ko man lang naranasang mag-beach, sumama sa school tour, ma-inlove, magka-baby at malapla--

Dumaan din ako sa parehang cleasing process at hanggang next life ko ay maaalala ko ang lahat ng nangyari sa akin dito at sa nakaraan kong buhay.

Sa tinagal ko rito, naka-close ko na halos lahat ng eternal keepers bukod doon sa menopausal na nag-assist sa akin throughout the process of cleansing. Isang tanong isang sagot naman ang lalaking 'yon at may ismid pa na kasama. Ewan ko ba kung paano naging keeper ang isang 'yon, eh ang sama naman ng ugali-- charot, sorry Lord.

I should really control my anger issues.

Napaka-simple ngunit napaka-sacred ng cleansing na nangyari. Ang paglubog ko sa Ethereal Waters, ay isa sa pinaka hindi ko malilimutan dahil tinanggal nito lahat ng bigat, problema, at trauma na dala ko galing sa recent life ko. Totoo nga na parang naging bagong tao ako. Ramdam ko ang purity sa katawan ko at ang kabaitan na nananalaytay sa buong pagkatao ko--

"Paki-bilisan mong mag-lakad, kaluluwa. Marami pa akong gagawin." natigil ako sa pag-iisip nang mag-reklamo na naman ang nasa tabi ko. Ang sarap kurutin sa esophagus ng lalaking 'to talaga! Naku talaga kung tao lang 'to at nasa kalupaan kami baka dati pa nakaisa ang ito sa akin.

"Ano pa bang bilis ang gusto mo? Tumakbo ako papunta sa gate? Sabi nga huwag madaliin!" I irritatingly said. Kasama kasi ng souls ang eternal keepers na may mga hawak na kandila sa pagtawid sa tulay patungo sa Soul's gate kung saan papasok kami upang ma-reincarnate.

"Tsk." nakita ko ang pag-ismid niya. Bwisit talaga 'to!

"Shh.. Sagrado ang pag-tulay na ito, iwasan ninyo ang mag-ingay." bulong ni Elara na may itinatawid din na kaluluwa.

Tumahimik na lang ako at pumikit. "Lord, hindi naman sa pagiging sakim pero sana maging anak ako ng mayaman sa susunod kong life. Kahit na hindi na ako mahalin ng pamilya ko, sanay naman na po ako. Pwede na ako doon sa life na kapag malungkot ako, lilipad ako sa Japan para bumili ng tissue, 'yung ganon ba. Sige na, oh, last life ko naman na." nakarinig ako ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano na naman? May say ka na naman diyan. Palibhasa kasi hindi ikaw ang mare-reincarnate kaya hindi ka nag-aalala! Hmp! Tsaka masama bang mag-request?" ismid ko sa kaniya.

"Wala naman akong sinasabi." sagot niya. Inirapan ko siyang muli at hindi na sinagot pa. Ilang sandali pa ay nagsalita siya ulit. "Wala kang dapat na ipag-alala. Alam niya kung sino ang karapat-dapat na magkaroon ng magandang buhay at sa hindi." hindi siya nakatingin sa akin habang binabanggit niya 'yon.

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon