BILANG VI

64 7 2
                                    

"You shall wait in this room, miss. The boss will be right here." sabi ng attendant na nag-dala sa akin sa isang malaking kwarto pagdating ko sa mercantile house kung saan nagaganap ang mga trading of goods for profits.

Ine-expect ko nga na sa madilim nila ako dadalhin para takutin akong mag-bayad, pero maraming displays sa paligid ang kwarto na ito na halata mong inilagay para ipakita kung gaan ka-successful ang business nila. This looks much fancier than the drawing room sa manor namin.

Inalok din ako ng tsaa ng attendant na tinanggihan ko dahil hindi naman sa pagja-judge, pero baka bigla na lang nila akong lasunin dahil hindi ako nagbayad on time.

I fidget with my fingers while waiting. I'm confident sa plano ko dahil nakatulong din ang nakasulat sa diary about how I can convince them, but hindi ko pa rin maiwasang kabahan, lalo na't ang makakaharap ko ay ang boss nila.

Thaddeus Firebane, also called the Devil Barbarian Tamer, is known for not showing mercy to anyone, being heartless, and cruel. That's why a lot of people are scared of him at kakaunti lang ang naga-attempt na sumugal sa business nila.

According to the diary, I have met him before, dahil siya ang nakausap ko nang mag lend ako ng pera. Pero ang problema hindi ko maalala ang nangyaring iyon.

Thaddeus is the wealthy owner of Astral Market, an independent market. They are known for having barbarians work under them, and marami ang hindi nakakaalam kung bakit hinahayaan ng Emperor na makapasok sa loob ng Empire ang mga ito.

They are also known for their strict and cruel contracts. Ang contract of agreement nila ay pinirmahan agad ni Alora at hindi binasa kaya eto ako ngayon, namo-mroblema sa kabaliwan na ginawa niya-- ako pala.

Napahilot ako sa sintido ko.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at iniluwal niyon ang isang bruskong kalbong lalaki na namumutok ang mga muscle sa suot na itim na damit. Nakakunot ang noo niya pagpasok at mukhang galit, hindi ko alam pero bigla akong napatayo pagka-kita ko sa kaniya.

Napalunok ako, hindi kaya lamunin ako ng buhay ng isang ito?

"Mr. Thaddeus?" Why am I stuttering?!

Mas lalong kumunot ang noo niya at saka ako nilagpasan at tumayo sa gilid. Takang-taka naman ako habang sinusundan ang ginagawa niya.

"What are you looking at?" my eyes directed to that voice at napanga-nga ako na may naka-upo na na isang bata sa sofa sa harap ko. His hair is crimson red, has a color milk skin, and have these piercing stares in his gray eyes.

He looks like he's seven, and may sinisipsip rin siyang lollipop habang mukhang bored na bored na nakatingin sa akin. "Tatanga ka na lang ba diyan? Ayoko sa lahat ang sinasayang ang oras ko." iritableng sambit nito.

Naisara ko ang sariling bibig at saka umupo. "Ikaw si Thaddeus? Thaddeus Firebane?" paninigurado ko. Even his voice is that of a child.

Tumaas ang isa niyang kilay. "That's a stupid question. Sino pa ba ang mukhang boss dito? Nag-iisip ka ba?" pinigilan ko ang sarili kong mapairap.

For some reason, bigla kong naalala sa kaniya 'yung menopausal na soul keeper na hanggang ngayon ay walang paramdam after niyang sabihin 3 days ago na hahanap daw siya ng impormasyon about sa soul niya na nasa akin.

Pinilit kong ngumiti kahit na gusto ko na siyang isako at itapon sa ilog pasig. "Oo nga, haha. You're right." Bwisit, iligaw kita diyan eh. I can't believe this little boy is the rumored devil barbarian tamer. Hindi kaya pina-prank lang ako rito?

Ilang segundo ko rin siyang pinanood habang sinisipsip niya ang lollipop na parang sarap na sarap siya bago tumikhim si shrek—I mean, 'yung malaking tao na napagkamalan kong siya kanina. "Master," tawag nito gamit ang malaki niyang boses.

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon