BILANG I

121 10 5
                                    

Nagising ako nang makaramdam ako nang napakalamig na hangin na tumama sa balat ko. Nang dumilat ako ay bumungad sa akin ang paligid na puno ng ulap, ni isang bagay ay walang makikita kun'di iyon lamang. Hindi ko na rin napansin na lumulutang na ang katawan ko patungo kung saan. Nakakapagtaka dahil wala akong maramdaman ni takot sa aking sistema. I feel weightless. Parang lahat ng mabigat na dala-dala ko buong buhay ay nawala.

Nasa langit na ba ako? Kung ganoon sana ay habang buhay ay dito na lang ako para naman wala na akong maramdaman pang sakit.

Lumipas ang ilang segundo ay bumulaga sa akin ang hindi mai-describe na lugar. Omygod! Nasa langit na ata talaga ako! Nadaanan ko ang isang napakalaking gate at naglalakbay ng sarili ang katawan ko papunta sa isang kahanga-hangang lugar. May malaki ngunit simpleng puting kastilyo sa gitna at may mahabang tulay na dapat na tawirin patungo rito. May mga puno rin at rinig ang huni ng ibon sa paligid. 

Subalit, habang palapit ako nang palapit rito ay siya ring palakas nang palakas ang mga tila bulungan sa paligid. Nang makapasok ako sa loob ng kastilyo ay siyang pagtama ng matalim na ilaw sa aking mukha at nang buksan ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang naglalakihang mga hardin at payapang mga lawa ang nakapalibot  sa buong lugar. 

A sense of peacefulness washes over me nang ma-realize ko na namatay na nga talaga ako. It was weird but I felt happiness. 

Napangiti ako, ngunit nabawi 'yon nang biglang may sumulpot sa harap ko. "AY GIATAY KA!" napahawak ako sa dibdib ko at muntik nang atakihin. "Bakit ka naman nanggugulat diyan, miss! Pag ako inatake, ha! Hindi ko na alam kung saan na ako dadalhin pag namatay na naman ako!" 

Sino ba naman ang hindi magugulat? Puting-puti ang buong itsura niya, lalo na ang kutis! 

Napatitig siya sa akin at tila gulat na gulat. "Ano ang iyong sinabi?" tanong niya. 

"Ang sabi ko bakit ka nanggu-gulat?" ulit ko. "Sabagay, Coffee is life ako noong nabubuhay ako kaya madali ako magulat." natawa ako sa sarili. Never thought in my life na masasabi ko ang line na 'yon. 

Habang tulala pa rin sa akin, may kung ano siyang nilabas sa kamay niya sabay sabi rito ng, "Code red. There's a conscious soul. Code red. There's a conscious soul."

Takang-taka ako nang biglang may malakas na tunog ang umalingaw-ngaw mula hindi kalayuan. "Teka ano bang nangyayari?" tanong ko. Biglang may dumating na mga tao na kapareha ng suot ng babae kanina.

Lahat sila ay nakatitig sa akin at may pagtataka't gulat sa mga mukha. They are all silent and exchanging glances. "Soul." a man with a snow white hair wearing eye specs arrived that caught us all off-guard. Tumigil siya sa harap ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"A conscious soul. You're a rare case. How amusing." malamig ang boses nito at seryoso ang expression. Itinaas niya ang kaniyang kamay sa aking mukha na parang may sinisigurado. Siya ba ang boss dito?

Teka, hindi ba dapat si Lord ang boss?

"L-lord? Is that you?" napatulala ako sa kaniya. Nakarinig naman ako ng hagikgikan sa mga nasa likod niya. Lumingon siya sa mga ito at siya ring pag-alisan nila kaya kaming tatlo na lang kasama ang isang babae ang naiwan.

"Take her to the Essence Sanctrum." utos nito sa babae at tumalikod.

"Masusunod."

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon