BILANG III

79 6 0
                                    

"Kumusta na ang katawan mo, Ali? May masakit pa ba? Baka kailangan mong humiga at mag-pahinga lalo na't kakagaling mo sa coma." rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Cadmael. Sinipat pa nito ang noo at leeg ko.

"He's right, Lori. We'd love to eat with you like this, but maybe you need to lie down." seryosong sabi ni Cairon.

Nandito kami sa garden nang hatakin ko sila dahil sa kahihiyan na nangyari kanina. Nagpa-kuha rin sila ng makakain sa mga maids at habang nag-hihintay kami, ay wala naman silang tigil sa pagtatanong sa akin kung okay lang ba ako.

"Nawala na rin ang chubby cheeks mo, huhu! Wala na akong pipisilin kapag nas-stress ako." aba ang bwisit na 'to, gagawin pa akong stress balls.

"You must gain it back, although you're still cute." sabi naman ni Cairon na parang walang muscle sa mukha at walang kaemo-emosyon.

Para siyang nagpa-botox.

Pilit akong ngumiti sa kanila. "Ayos lang ako, huwag na kayong mag-alala." sabi ko na lang.

"Alright, pero kapag nakaramdam ka ng kahit ano sabihin mo agad sa amin, ah? Para madala ka agad nito sa doctor." bigla niyang finlex at tinuro ang kaniyang muscle at ngumiti na proud na proud.

Napailing si Cairon. "Will you stop that? Baka sumakit ang tiyan at mag-suka ang kapatid natin." mukhang kilala ko na kung sino ang matino at hindi sa dalawa.

"Grabe ka naman mag-salita, Cai!" bumaling siya sa akin at nag-puppy eyes. "Totoo ba 'yun, Ali? Nakakasuka ba ang gwapong itsura ng big brother mo?" tanong nito na mukhang maling sagot ko ay maglulupasay siya sa sahig.


Hindi ko alam ang isasagot ko kaya umiling na lang ako habang tinatago ang ngiwi. "Hah! See, kahit ang lil sis natin alam ang charisma ko!" baling nito sa kapatid na may binabasang libro.

Pero in fairness, siya lang ang nag-puppy eyes na bagay talaga kahit na malaki ang katawan nito. Parehas sila na gwapo't halata mong nag-mana talaga sa magulang.

Now that I can see them up close, mas dark ang kulay berdeng buhok ni Cadmael kumpara kay Cairon na kakulay talaga ng buhok ng tatay nila. Kulay berde ang kulay ng mata ni Cairon katulad ko at asul naman kay Cadmael na katulad ng sa ina nito.

Matangos ang ilong nilang parehas at makapal ang kilay, medyo tanned si Cadmael kumpara kay Cairon na kulay gatas ang balat. Magkaibang-magkaiba sila ngunit parehas ay may mga sariling dating. Dumagdag pa ang suot nilang parang pang-prinsipe na sa tv ko lang nakikita.

Para silang cast ng ano tawag do'n.. Gingerton? Virgin and tone?

Well, syempre magpapahuli pa ba sino? edi yours truly, ang Kathryn Binaldado ng Tondo.

"Be careful around, Lori. She's still sick."

Nag-pout ito. "Oo nga pala, sorry Ali.. Namiss lang talaga kita. Alam mo bang 10 days ko rin pinag-tiisan 'yung ugali ni Cai." bulong nito na sakto lamang para marinig ni Cairon na napailing na lang.

Palihim na lang akong natawa sa kanila.

Wait, ngayong nandito na rin naman sila, maybe I can ask them questions na kanina pa akong nangangati na itanong. "Um, kuyas, pwedeng mag-tanong?"

Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon