"Hayy! Salamat, Lord! Natapos din!" sabay kaming napabagsak ni Phoebe sa upuan nang matapos kaming mag-linis at mag-ayos ng restaurant.
"My Lady, ngayon lamang ako ulit napagod ng ganito bukod noong ako'y pinag-laba ng head maid ng lahat ng sapin sa kama." naghahabol na hininga na si Phoebe.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Don't worry, magmula ngayon, sisiguraduhin kong panty mo na lang ang kailangan mong labhan."
"My Lady! Nandiyan pa si sir Henri." nahihiyang bulong niya sa akin na ikinatawa kong muli. Narinig ko naman na napa-ubo si sir Henri na naging tagapag-buhat namin.
"Madam, napunasan ko na po ang sahig sa kusina." biglang sulpot ni Gion. Agad akong napaayos ng upo at kinuha ang dalawa niyang maliit na kamay.
"Hindi ba sabi ko sa'yo hindi mo kailangang tumulong? Tingnan mo tuloy, natanggal ang gamot na nilagay namin sa sugat mo." I worriedly said.
Napayuko siya. "Pasensya na po, madam. Hindi ko po kasi alam kung paano kayo mababayaran sa pagligtas niyo sa akin kanina." he fidget his scarred fingers. After kasi namin tapusin ang future generation ng pamilya ni Sed ay agad ko siyang pinadampot at ipinakulong. Hindi ko na hinayaang pang magtagal siya sa labas at makita ni Gion.
Nabuntong hininga na lang ako at inayos ang pawis niyang silver na buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. "Nagugutom ka ba?" I asked.
Bigla siyang napatingin sa akin, I had a chance to see his blue eyes.
Naknampucha, si Gojo Satoru pala 'to, eh.
Umiling siya pero biglang dumagundong ng pagkulo ang kaniyang tiyan kaya nahihiya siyang napayukong muli.
Nagtawanan kami nila Phoebe at sir Henri. "See, you're hungry. Hindi ka dapat mahiya kapag nagugutom ka." ginulo ko ang buhok niya bago nagtungo sa kusina.
"My Lady! Ako na ang bahalang magluto—"
"Nope. Ako ang mag-luluto." I looked for ingredients that I can use sa kusina. In fairness, ang kintab ng sahig na nilinis ni Gion. I haven't yet had the chance to ask him about what was he doing in my resto with Sed and kung saan siya nanggaling.
Papaamuhin ko muna siya gamit ang aking specialty.
Biglang humarang sa harap ko si Phoebe. "Pero my lady.. alam mo ba ang mag-luto?" nag-aalala niyang tanong.
Oo nga pala, they view me here as someone na hindi pa nakakahawak ng dumi. Kaya ganito na lang umasta itong si Phoebe kahit kaninang sinabi kong tutulong akong maglinis ay todo pigil siya sa akin.
Hindi niya ba ako nakitang nangungulangot?
Nagpamewang ako. "Pheebs, anong akala mo sa akin? Magandang babae lang na walang alam sa bahay?"
"Hindi naman sa ganoon.."
I clicked my tongue and pushed her lightly using my body. "Chupi ka diyan and listen, look, and listen and learn." wala na siyang nasabi pa at hinayaan na lang ako.
Tatlo nila akong pinapanood na maghiwa ng bawang at manok na ipinabili ko pa kay Phoebe dahil bulok na ang nasa ref. Mabuti na lang at kumpleto ang sangkap na nandito, bukod sa kanin na mukhang hindi nage-exist sa lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
Alora Leventis: Lady Master (REINCARNATION)
Romance"What will you do if you only have one chance and one life left to live?" Reincarnation is believed to occur when a person dies, and they are reborn in a different body to live a different life. Tana was just 24 years old when she met her end. Her l...