00:07

150 8 0
                                    

"Di ba natin pupuntahan si kuya Han?" Tanong ni Seungkwan sabay inom sa ice coffee niya. Naglalakad lakad sila ngayon para pababain ang kinain nila kanina.

"Busy siya ngayon eh. May guitar lesson siya." - Seungcheol

"Guitar lesson? So kasama na naman niya si kuya Josh?" - Jun

"Malamang? Kasi di ba yun teacher niya." - Seungcheol

"Ooohhhh..." Tumango ang tatlo at halata na parepareho sila ng iniisip.

"Alam ko na iniisip niyo. May tiwala ako kay Jeonghan." - Seungcheol

"Pero kay kuya Josh wala." - Junhui

Naging seryoso bigla ang mukha ni Seungcheol at nanahimik nalang.

Nagpatuloy sila sa paglalakad nang mapadaan sila sa isang bookstore.

"Wait! Titingin lang ako saglit!" Sabi ni Seungkwan at pumasok na sa loob ng store.

"Titingin daw pero paglabas niyan may bitbit na yan." - Seungcheol

"Ano bang nakakaaliw sa libro. Tss." Sabay iling ni Mingyu habang tinitingnan si Seungkwan na namimili na ng libro sa loob. Isa itong malaking bookstore at salamin ang dingding kaya kitang kita ng mga tao sa labas ang mga nasa loob.

Matagal na itong bookstore at never pa nakapasok si Mingyu sa loob dahil hindi naman siya mahilig magbasa. Maya maya pa may nakita siyang pamilyar na mukha. Nanlaki ang mata niya at parang nanigas sa kinatatayuan. Nandun siya sa loob. Ang lalaking gustong gusto niya ulit makita.

Tinitigan lang ni Mingyu ang isang lalaking nakatayo sa gilid ng shelf. Simple lang ang suot na damit nito, nakahood, sweatpants at may suot na salamin, may hawak siyang libro at binabasa ito. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Mingyu. Ngayon lang siya na attract sa isang lalaki ng ganito kalala.

Pinanuod niya lang ang lalaki na pumili pa ng ilang libro bago bayaran ang mga ito. Pagkatapos ay lumabas na siya bitbit ang isang paperbag na may lamang tatlong libro ayon sa bilang ni Mingyu.

Dumaan siya sa harap ni Mingyu pero wala siyang nagawa kundi titigan lang ito. Maya maya pa sunod na lumabas si Seungkwan na may bitbit din na paperbag.

Hindi na pinansin ni Mingyu ang mga kaibigan niya dahil kusang naglakad ang mga paa niya para sundan ang lalaki.

"Mingyu Kim!" Rinig niyang tawag sa kanya ni Seungkwan pero nilingon niya lang ito at sinenyasan na wag maingay.

"Tangina siya ba yun-" Napatulala din si Junhui nang dumaan ang lalaki sa harapan nila at nang sundan ito ni Mingyu.

"Gago siya nga! Kaya pala natulala ang hayup!" Natatawang sabi ni Seungcheol at tuluyan na ngang nawala sa paningin nila si Mingyu pati na din ang lalaki.

Nakarating si Mingyu sa park kung saan niya unang nakita ang lalaki. Umupo ito sa isang bench malapit sa lawa at inilabas ang isang libro mula sa paperbag.

Si Mingyu naman ay umupo sa katabi niyang bench at patuloy lang siyang pinanuod.

Ayaw naman ni Mingyu na magmukang stalker kaya naman inaalis niya minsan ang tingin sa lalaki pero hindi niya talaga mapigilan na hindi ito titigan.

Gusto niyang lapitan ito. Pero wala siyang lakas ng loob. Isa pa, mukang seryoso ito sa pagbabasa at hindi gugustuhin na maistorbo.

Ang higit sa lahat, may suot siyang earphones.

Nanahimik nalang si Mingyu. Kuntento na siya na katabi ang lalaki kahit na medyo malayo sila sa isa't isa. Ang mahalaga ay nagkita sila ulit, at sisiguraduhin niyang hindi ito ang huli.

Earphones - MINWONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon